Chapter 22

1197 Words
DAIG PA NI Ike ang nagising sa pinakamalalim na pagkakatulog nang bigla siyang napabalikwas sa kanyang higaan. Muli siyang nagpasalamat dahil nananaginip ulit siya. Alam niya ang tawag sa ganitong panaginip. Lucid Dream. Ito iyong senaryo na nananaginip ka sa mismong panaginip mo. Marahil dahil sa magulo ngayon ang kanyang pag-iisip. At dala na rin ng matinding konsensyang nararamdaman niya para kay Samuel, kaya lagi niyang napapaginipan na gusto siyang p4t4y!n nito. Alam niyang posibleng senyales iyon na kailangan na niyang hininto kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Christine ganoong alam na ni Samuel ang pagtataksil niya. Kasalukuyan nang pinapakiramdaman ni Ike ang kanyang sarili nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niyang nabasa ang pangalan ni Christine sa screen nito. Nagdadalawang-isip pa sana siya kung sasagutin ba niya ito o hindi. Ilang araw na rin niya itong iniiwasan. Pero para matigil na ang pangungulit nito sa kanya, kailangan na niyang kausapin ito. Marahas na hininga muna ang pinakawalan niya bago niyang pinindot ang green button sa cellphone niya. “Thanks God, sinagot mo rin!” galit pang bungad ni Christine sa kabilang linya, “Ano ba’ng nangyayari sa’yo? Bakit parang iniiwasan mo ako?” “Look, Chris…” napabuntong-hininga ulit sa Ike, “…Hindi pa ba malinaw sa'yo ang mga sinabi ko 'nung umalis ako ng apartment mo? Ihinto na natin ito." "Ayoko!" Parang batang diin nito. Inis na napasabunot ng buhok si Ike, "Alam naman natin na mali itong relasyon nating dalawa. Kaya ihinto na natin ito. Hindi ko na kayang lokohin pa si Samuel.” "Ike naman! Hindi na nga ako pinapansin ni Samuel, pati naman ba ikaw?" Hinanakit na tanong ni Christine sa kabilang linya. “I’m sorry!” tanging nasabi ni Ike. At saka na siya nagdesisyon na tapusin ang pag-uusap nila. Naisip niya, sana noon pa niya ito ginawa. O, sana noon pa niyang nagawang umiwas kina Samuel. At sana hindi na niya hinayaan pang tuluyang mahulog sa huwad na pagmamahal ni Christine. Matapos na makausap ni Ike ang dalaga ay nagdesisyon naman siyang dalhin ang video niya ng "The Closet Game" sa computer shop ni Madz para ipaedit ito at para maipadala kay Samuel. At doon na rin niya naikwento ang tungkol sa Mystery Box na natanggap niya, at tungkol sa kanyang hinala. "Gusto mo rin bang i-edit ko ito at palabasin na successful ang challenge na ginawa mo?" Tanong ni Madz. "Hindi," umiling si Ike, "Alam kong iyan ang gustong mangyari talaga ni Samuel. At kapag nalaman niya ang naging resulta ng ginawa kong challenge, iikot na sa inyong apat nila Christine, James at John." "Kilalang-kilala mo na talaga si Samuel," komento ni Madz, "Alam mo na rin ang takbo ng pag-iisip niya. Hindi ko nga napansin na siya pala ang may pakana ng Stranger's Challenge na 'yan, eh." "Magaling siyang artista!" Malungkot na komento na lang ni Ike, "Nagkakausap ba kayo?" "Hindi eh," umiling si Madz, "Basta pinapadala ko lang ang mga naiedit kong video. Tapos ina-upload naman niya. Tingin mo ba, arte rin na nagkunwari siyang nagalit sa atin?" "Oo, kasama iyon sa plano niya!" Tumango na si Ike. "Ibang klase talaga si Samuel, ginamit pa talaga niya si Aimee para sa larong ito!" Umiiling-iling na sabi na lang Madz. "O, paano ikaw na lang ang bahala..." Pagpapaalam na ni Ike, "...Ihanda mo na rin ang sarili mo baka ikaw na ang susunod na makatanggap ng mystery box!" Natawa naman si Madz, "Oo nga pala, talaga bang aalis ka na? Diba dapat next year ka pa papasok sa Military? Bakit napaaga? At hindi mo na hihintayin ang wedding day nila James at Kath?" Umiling si Ike, "Hindi na. Pupunta ako sa bahay nila Kathleen ngayon para kausapin siya. At para makahanap kaagad siya ng representative ko. Sayang kasi ang panahon. Wala na rin naman akong ginagawa," katwiran na lang ni Ike, "Siguro oras na rin para sarili ko na naman unahin ko. Hindi puro si Samuel ang inuuna ko." Nakangiting tinapik ni Madz ang balikat ng binata, "Goodluck! Gusto mo bamg ihatid ka pa namin?" "Hindi na, salamat!" Mapait na ngumiti si Ike, at saka na siya umalis sa lugar na iyon. Nang araw din iyon, nagpasya na si Ike na kausapin ang kanyang magulang tungkol sa maaga niyang pagpasok sa Military. Noong una ay nagulat pa ang mga ito dahil naging biglaan ang kanyang naging desisyon. Pero bandang huli ay kinatuwa naman iyon ng kanyang Daddy. “I’m so proud of you!” sabi pa nito. Mahigpit rin na yakap ang binigay ng Ginang sa anak nito, “We are always here to support you, Ike!” Pagkatapos niyang makausap ang kanyang magulang ay nagpasya naman siyang makipagkita kina James at Kathleen. Gusto na rin niyang humingi ng pasensya dahil hindi na siya makakadalo sa kasal ng mga ito kung saan isa siya sa mga kinuha ni James na abay. “Hindi ba p’wedeng after na lang wedding?” may pagkadismayang tanong ni Kathleen, “Sa next day na ang kasal, ngayon ka pa aatras?” Nakita ni Ike ang pagkasimamgot ng mukha ni Kathleen . Matagal na rin niyang alam na may pagkamakasarili talaga ito. At walang ibang mahalaga rito ngayon kungdi ang nalalapit nitong kasal. Sabagay, sampung taong pa naman itong naghintay kay James, sinong hindi magiging atat? “Sige, ‘Pre…” pagpayag ni James, “…Hahanap na lang kami ng representative mo. Alam naman namin na mahalaga rin sa’yo ang makapasok sa Military.” “Thanks!” ngumiti si Ike sa kaibigan. Pero nang ibaling niya ang kanyang paningin kay Kathleen ay inirapan lang siya nito, "You know, ganyan ba kahalaga sa'yo ang Stranger's Challenge na iyon? Kaya ginagantihan mo ako?" Natigilan naman si Ike, "Hindi ko ugaling gumanti," seryosong depensa naman niya, "Saka ano naman ang kilaman ng Stranger's Challege sa pagpasok ko sa Military? Dapat nga last year pa ito, pero pinipilit ninyo akong lahat na unahin ang kasal ninyo! Eh, abay lang naman ako hindi ako ang pareng magkakasal sa inyo!" "Aba't --" aktong sasagot pa sana si Kathleen nang pinigilan ito ni James. Pagkaraan ay nagpakawala muna ito ng ng marahas na hininga saka inis na tinalikuran sila at iwan. Napabuntong-hininga na lang din si James. "Pasensya ka na, 'tol. Nasabi ko iyon sa girlfriend mo," pagpapakumbaba ni Ike. "Totoo naman ang sinabi mo," pagsang-ayon na rin ni James, "Masyado lang talaga siyang perfectionist. At akala niya, kaya niya kayong kontrolin. Tama ka rin naman, hindi mo kami kailangan i-priority." "Bakit nagtitiis ka pa sa kanya?" Usisa ni Ike. "Sinabi ko na rin sa inyo ang dahilan diba? Dahil sa family bussiness namin," tugon ni James, "Pero sa oras na maikasal na kami, hindi na ako papayag na hawakan niya ako sa leeg. Kasal lang ang napagkasunduan, hindi ang mahalin siya." Mariin na tinitigan ni Ike ang kaibigan. Ramdam kasi niya na may ibang gusto ito, "Ayoko sanang itanong sa'yo ito pero nasaan na ba talaga si Aimee?" Seryosong tanong ni Ike. Napakibit-balikat si James, "Last time nakikita ko pa si Meeya. Hindi ko alam kung dala lang ba ng galit niya kaya sinabi niyang p4t4y na ang ate niya." "P4t4y na si Aimee?!" Gulat ni Ike.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD