Chapter 7

1246 Words
KUMALABOG ang pintuan pagkalabas ni Kaisha. Hindi na niya nilingon muli ang kwarto ni Xero o kahit si Feliza. Dumiretso na lang siya sa kwarto niya sa sobrang panggigigil at pagkakairita. She hated him. She hated everything about him—his attitude, his voice, his expression, his cursing and crudeness. Sumakit ang ulo niya sa sagutan nila ni Xero. Hindi na niya mabalikan ang lahat dahil hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang pinag-aawayan nila. Sa sobrang dami ng argumento, hindi na niya mapag-connect ang lahat. Hindi na niya alam ang puno't dulo. Nasa kay Gwen man ang lahat ng kailangan niya para makapag-aral at makamit ang mga pangarap niya, nagpapasalamat pa rin siya ngayon na hindi siya si Gwen. "Pakisabi kay Senyora na okay na kami ni Xero," sabi ni Kaisha kay Feliza at pumikit siya ng mariin. "Bakit padabog mong sinarado ang pintuan, kung ganoon, Miss?" tanong ni Feliza. Huminga nang malalim si Kaisha. "Hindi pa kami masyadong magkasundo pero ayos na 'yon. Nakapag-usap na kami," paliwanag niya bago umalis si Feliza sa kanyang kwarto. Hindi pa rin sumasagot si Gwen sa kanyang tawag. Naiintindihan naman niya na abala pa si Gwen sa trip nila ni Ashton. But, God, she needed Gwen's help right now. She needed to know what Gwen wanted her to do! Pakiramdam niya'y parusa na ang bawat araw sa mansyon. Bukod sa kailangan niyang makisama kay Xero, kapag nag-aaway pa sila'y sinasabi o sinusumbong pa ng mga kasambahay. Feliza loosely braided her hair while she was looking at the stables from her room. Umagang-umaga pa lang, naroon na si Xero. At umagang-umaga pa lang, naroon na rin si Betty kasama ang isa pang babaeng kaibigan. Dahil sa layo, hindi niya naririnig ang mga pinag-uusapan nila. She just saw Betty pulling Xero's arm a while ago. Nang hindi sumunod si Xero at nagpatuloy sa pagsusuklay sa kabayo, nagtawanan na lang ang dalawa at patuloy na kinakausap at nilalandi si Xero. "Ang mga babaeng 'yan talaga, Miss, mayayaman 'yan sa kabilang bayan, e, pero kung umasta parang mga mumurahin," sabi ni Feliza nang mapansin ang titig ni Kaisha sa baba. "They won't come here without anyone inviting them, Feliza. It’s not only their fault, kasalanan din ng lalaki iyon." "Pero, Miss, kahit na! Kung likas na malandi, aabusahan ang mga imbitasyon." Nagtiim-bagang si Kaisha. Lumapit ang kasamang babae ni Betty kay Xero at kumapit ito sa braso ni Xero. Xero looked at her. Hindi lang niya malaman ang ekspresyon niya pero dahil tumatawa ang dalawang babae, imposibleng nakasimangot ito, hindi ba? "Sabihin mo nga, Feliza. Kung may asawa ka na at may naging kabit siya, kanino ka magagalit?" "Syempre sa babaeng haliparot, Miss! Alam niyang engaged 'yong tao, nilalandi niya pa!" "Mali," sagot ni Kaisha. "Siya dapat ang sisihin, hindi ang ibang babae o kung sino mang lumandi sa kanya. Nademonyo lang iyong babae. Tingin ko sa mga lalaki, masyadong mahina. Masyado silang mababaw kapag nagmamahal, madali silang matukso." Tumawa si Feliza. "Para kang matanda kung magsalita." Ilang beses na nang sabihan si Kaisha ng ganoon. Siguro ay dahil na rin sa buhay, hindi na niya naranasang maging spoiled teenager. She was ten when her mother died. Her famous engineer father dysfunctioned after her death. Hindi na siya maalagaan ng ama dahil sa bisyo at depresyon. He loved her so much, but he was so weak without her mother. Ayaw niyang nakikitang kulang sa aruga si Kaisha. Thinking he'd make it up to her, he married Gwen's mother, Tita Mathilda, when Kaisha was eleven years old. Sa sumunod na taon, namatay si Daddy, leaving her alone with Tita Mathilda and her daughter Gwen. Hindi raw kailangang mag-aral ni Kaisha, ayon kay Tita. Mas makakatulong daw siya sa bahay sa pagluluto at paglilinis. Gwen has everything she needs and wants. She was not cruel to Kaisha, unlike her mother, but she wasn’t very kind, too. Pinilit ni Kaisha mag-aral kahit ginagawa ng lahat ni Tita Mathilda para matigil siya. Nagbayad si Tita ng teacher para ibagsak siya at mawalan ng scholarship. Scholarship na sinikap niyang kunin bago namatay si Daddy. Lumipat siya sa pampublikong paaralan dahil sa nangyari. And Tita would not provide her with anything for school; whatever she had, she earned all of it alone. Ngayon na nasa huling taon na si Kaisha sa senior high school, gustong-gusto niyang magpatuloy sa kolehiyo kahit pa tutol si Tita Mathilda. Ayon kay Tita, mas mabuti pang maging sekretarya na lang si Kaisha sa kompanya niya o di kaya'y pumasok sa trabahong klerikal. Wala naman siyang problema sa mga trabahong iyon, pero may sariling pangarap si Kaisha. Gusto niyang maging isang arkitekto. Para matustusan ang mga bayarin buwan-buwan, kailangan niyang sundin ang pakiusap ni Gwen sa kanya. Malaki naman ang allowance ni Gwen—halos isang daang libong piso kada buwan. Kaya't alam ni Kaisha na kayang-kaya siyang bayaran ni Gwen sa ipinangako nitong halaga. Worth it ba? Oo. Kahit gaano kahirap, laging magiging mahalaga ang edukasyon at mga pangarap. Baka ang pagsusumikap na mabuhay at makapag-aral na rin ang dahilan kaya parang mas matanda ang pananaw niya. Bata siya noon, ngunit hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na maging tunay na teenager. Agad siyang naging adulto, kinalimutan ang pagiging teenager dahil sa mga responsibilidad na dala ng buhay. Huminga siya ng malalim at tinalikuran ang bintana. Kinuha niya ang sketchpad at nagpaalam na sa sarili na sa duyan muna siya uupo upang makakuha ng inspirasyon para sa susunod niyang iguguhit. Pagkalabas ng kwarto, nakita niya si Samuel na kasama ang tatlo pang kaibigang lalaki at dalawang babae na may dalang mga floaters. “Gwen, perfect timing! Sumama ka sa amin magsiswimming? Don’t worry, walang alak ito,” nakangiting sabi ni Samuel. Ipinakita ni Kaisha ang sketchpad at nagkibit-balikat. Pero laking gulat niya nang bigla siyang hinila ni Samuel sa pulso. Mahinahon itong tao, hindi tulad ng kanyang kapatid na si Xero na lagi na lang intense. “Doon ka na lang magsketch. Sige na, sketch mo ang dagat!” mungkahi ni Samuel. Natuwa naman si Kaisha sa ideya. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon? Tumango siya at ngumiti. “Sige!” Hinila siya ni Samuel pababa. Sa bilis ng kanilang takbo pababa ng hagdan, nasalubong pa nila si Yvvo na may kasamang babae rin. Sinabi nitong bababa rin sila sa beach kaya sumama na lang din sila. Habang palabas ng bulwagan, narinig ni Kaisha ang tawanan mula sa stables. Napawi ang kanyang ngiti at naalala ang kanilang usapan ni Xero kagabi. Kita mo? Hindi niya talaga naintindihan. “Sige na, Xero. Saglit lang naman, e…” sabi ng isang babae na naiwan doon. Hindi na niya alam kung nasaan si Henrietta pero naiwan na lang ang dalawa. Hinahawakan ng babae ang braso ni Xero, na patuloy lang sa ginagawa ngunit napatingin nang masulyapan silang pababa. Agad namang umiwas ng tingin si Kaisha. “Xero!” sigaw ni Yvvo, “Mamaya na ‘yan! Baba tayo, nandito si Kaisha!” Hindi na niya alam kung ano ang reaksyon ni Xero dahil tuluy-tuloy na ang hila ni Samuel sa kanya patungo sa stone stairs. “Hayaan mo na, Yvvo. Nandoon naman si Henrietta,” natatawang sabi ni Samuel. “Baka may gagawin…” Nainit ang pisngi ni Kaisha sa narinig at nanlamig ang kanyang tiyan nang maalala ang usapan nila kagabi. Kita mo? Ang ipokritong ito may oras na sermonan siya tungkol sa pagiging asawa pero hindi man lang kayang maging mabuting asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD