Tahimik na naliligo si Samuel at ang mga kaibigan niya sa dagat. May mga cute na floaters, kaya mukhang relaxed at kalmado ang grupo. Ibang-iba ito sa pagligo nila kahapon na puno ng tawanan at ingay. Umihip ang pang-umagang hangin sa buhok ni Gwen. Nilingon niya si Yvvo na nakikipag-usap sa isang babae, at bahagyang ngumiti. Sa paraan ng tinginan ng dalawa, pakiramdam niya ay tila hindi nila napapansin ang kahit ano sa paligid — ni ang magandang dagat sa harap o ang kanyang mapanuring mga mata. Lubos silang nakatutok sa kanilang usapan. Nakaupo si Gwen sa ilalim ng batuhan, malapit sa b****a ng isang kweba ng limestone. Bumaling siya sa kanyang sketchpad at nagsimulang gumuhit ng isang babae at lalaki sa ilalim ng isang kubo. Alam niya kung sino ang mga iyon. Kahit alam niyang hindi niy

