THEY CROSSED the highway. Mula pa lang sa simula ng kanilang paglalakad, kitang-kita na ni Kaisha ang matatayog na windmills sa mga burol na hindi kalayuan. Kasabay niyang maglakad ang girlfriend ni Yvvo, at nasa likuran naman nila ang dalawang kaibigan nito. Sanay ang girlfriend ni Yvvo sa pag-iwas sa mga putikan at basa, habang si Kaisha ay nag-aadjust pa lamang at pilit iniiwasan ang maputik na bahagi ng daan. “This is my great grandfather’s land,” paliwanag ni Yvvo. “Stretching from here to there…” Itinuro niya ang malawak na lupain hanggang sa kawalan. Natanaw ni Kaisha ang mga bundok at burol na marahil ay kasama rin sa pagmamay-ari ng mga Montenegro. Inilipat niya ang tingin sa mas malayong dako, kung saan mas maaliwalas at malawak ang tanawin. "Kumusta si Lolo, Yvvo?" tanong ni

