ALAS DOSE na nang lumabas si Kaisha. Naabutan niya si Auntie Fatima na nakaupo sa lamesa at kumakain. Isang pinggan ang para sa kanya sa tabi niya. Kamuntik na siyang nasamid nang makita ang bigla niyang paglabas sa pintuan. "Kaisha, kain ka na..." tawag ni Auntie Fatima. Hindi kumibo si Kaisha. Dumiretso siya roon at kumuha ng baso para magsalin ng tubig. Uminom siya bago naupo sa lamesa para makakain. Hindi man lang niya tiningnan si Auntie Fatima kahit na alam niyang nakatitig ito sa kanya sa buong pagkakataon. "I heard what happened last night. Uh, nag-explain na ako kay Ma'am Sonja na wala ka sa sarili dahil may pinagtalunan tayong dalawa. Hindi naman siya nagalit at ibibigay niya parin daw ang sweldo mo sa gabing iyon," sabi ni Auntie Fatima. "Hindi na ako babalik doon," sagot ni

