WHAT a bad time to be sick. Galit si Kaisha sa sarili nang magising siya ng madaling araw dahil sa panginginig. Gusto niyang kontrolado niya ang sarili, pero kapag tinatamaan na ng sakit, hindi niya mapilit ang katawan na sumunod. Puyat na puyat siya. Pasikat na ang araw nang natigil ang panginginig niya at nakatulog muli. Inaapoy siya ng lagnat at ayaw niyang bumangon dahil pakiramdam niya ay mahihilo siya. Nagising siya kinabukasan sa biglaang paghawi ni Feliza ng kurtina sa kanyang kwarto. Kumakanta ito ng lumang kantang masayahin. Gusto sana niyang bumangon, ngunit dahil sa sakit ng ulo niya ay hindi niya magawa, kaya’t dumilat na lamang siya. "Puyat na puyat, Miss, ah? Kanina pa si Sir Xero sa silong, nag-aantay," maligayang tukso ni Feliza. Tumango si Kaisha. Sinubukan niyang bum

