Gumanda ang araw sa kanyang pagdilat, at mas gumaan ang loob ni Kaisha nang makitang si Xero ang unang nakikita sa umaga. Lumalalang ubo ang naging problema ni Kaisha matapos mag-ulan nang malakas kinahapunan at gabi. Dahil sa lamig ng panahon, halos kain at pahinga lang ang kanyang nagawa buong araw. Si Xero, sa kabila ng lahat, ay nanatili sa kanyang tabi; kung umalis man siya, hindi iyon napansin ni Kaisha. Sa bawat paggising at bawat tulog niya, si Xero ang una at huling nakikita. Matapos ang hapunan, natulog muli si Kaisha, ngunit nanatili pa rin ang kanyang lagnat sa kabila ng pag-inom ng gamot. Hindi na rin niya magawang biruin si Xero dahil seryoso ito at hindi na sumasagot tulad ng dati. Pagdating ng madaling araw, lumamig nang todo ang gabi. Pinatungan siya ni Xero ng kumot at

