Chapter Six - Pera o Bayong?

750 Words
Arianna "Okay na ba 'yan?" Tanong ni Arlene sa akin. "Nagsabi na rin ako sa kapatid ko na bumili ng damit para sa iyo. Medium ang size mo diba?" "Pwede na po ito. Huwag na po ninyo akong ipabili nakakahiya naman po sa inyo." Niyuko ko ang aking sarili. Nag-request ito ng extrang hospital gown para mapalitan ko ang suot kong damit na puno ng dugo. Mas malinis na ngayon ang pakiramdam ko. Naroon kami sa pribadong kwarto ni Lucas at hinihintay na magising ito.    "Maraming salamat uli sa pagtulong mo kay Lucas." Sabi uli ni Arlene. Napangiti ako ng alanganin. Parang manika itong di susi na nagsasalita. Paulit-uliut itong nagpapasalamat sa kanya. Sa sobrang daming beses ay hindi ko na mabilang. At para din akong pirated CD na paulit ulit na sumasagot ng... "Naku, walang anuman" "I hope you won't be offended but I want to..." Sandaling huminto si Arlene sa pagsasalita. "I want to know how can I repay you for what you did to Lucas." Lalong tumabingi ang ngiti ko. English na naman.  "Sorry Ma'am, madalas po palakol ang grade ko sa English noong nag-aaral ako." Napakamot pa ako ng ulo. "Pero nakakaintindi naman po ako hindi lang po talaga ako sanay na magsalita ng English." "Naku sorry, pasensya ka na." Nahihiyang paumanhin ni Arlene. "Okay lang po mestisa kayo kaya bagay naman sa inyo ang mag-english." Komento ko. "Request lang po kung mag-english kayo dahan dahan lang para mas maintindihan ko po agad at ng makasagot po agad ako sa inyo."  "Sige. Tatandaan ko iyan." Magiliw na nginitian niya ako. "Papaano kaya ako makakabayad sa iyo sa ginawa mong pagtulong sa pinsan ko?"  Bayad? Biglang nagliwanag ang mga mata ko. Naku ano kaya ang pwede kong hingging kapalit?   Arlene Magaan ang loob ko sa babaeng nasa aking harapan. Mukhang mabait at masayahing tao. Prangka din at hindi maarte. Ako pa ang namilit dito na magpalit ng suot niyang damit. Napansin ko kasi na parang naiilang siyang lumapit sa kama ni Lucas. "Sigurado po kayo? Kakapalan ko na po ang mukha ko pero payag po ako na magpabayad." Malapad na ngiti pa niya sa akin. Pero nagkamali yata ako ng pag-assess sa pagkatao niya, nang sabihin kong ang salitang bayad ay namilog at nanlaki ng mga mata niya. "Oo, sige sabihin mo kung magkano.?" I said disappointedly. "Talaga po ako pa ang magsasabi kung magkano?" Napalunok ako at napilitang tumango. "Oo." Magkano kaya ang hihingin niya sa akin?  "Fifty million pesos!" She said with so much excitement in her voice.  "Ano?" My brows furrowed. "Napakalaki naman ata ng hinihingi mo." "Sabi n'yo kasi ako ang mag-presyo." Nakangiting kumamot pa uli siya ng ulo. "Okay kung hindi n'yo kaya ang pera. Wala na kayong choice kundi piliin ang Bayong." "Bayong?" Lalong kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito?  "Eh kasi ganito yan Ma'am. Ang halaga ng gusto kong ibayad ninyo sa akin ay katumbas ng fifty million." "Arianna, hindi kami mayaman. We belong to the working class." "Nag-aaral pa po kayo?" All of a sudden ay tanong niya sa akin.  Nag-aaral? Tanong ko sa sarili ko. Then I realized she may have understood it wrong.  "No," pinigilan kong huwag matawa uli kagaya kanina. "Ang ibig kong sabihin ay hindi kami mahirap pero hindi rin naman kami mayaman. Kung anong meron kami ay dahil pinagtatrabahuhan namin iyon." "Naku!" Natapik nito ang noo. "Hindi po pala tayo nagkakaintindihan. Ang ibig kong sabihin ay napakahalaga, priceful kung baga ang gusto kong hilingin sa inyo." Priceless. Pinigilan ko ang sarili ko na i-correct siya.  "Pero huwag kayong mag-alala hindi naman ninyo iyon ikakahirap." Ngumiti pa siya sa akin ng ubod tamis.  "Ano ba iyon?" Tanong ko. "Gusto ko po sana na dito muna po ako hangga't hindi pa nagigising ang mahal kong..." She paused. "Si Lucas. Pwede po ba? Gusto ko po kasi na ako ang una niyang makita pagkagising niya."  I lost my tongue. Para akong nahiya sa sarili ko na napag-isipan ko siya ng masama. Papaano kong naisip na kaya niyang samantalahin ang sitwasyon at manghingi ng malaking halaga.   Napakababaw kung tutuusin ang hinihiling niya pero para sa kanya ay nagkakahalaga iyon ng fifty million. She could have asked for other things but being with Lucas matters so much to her. Napakasama ko naman kung tatangihan ko siya. "Oo naman, walang problema. Gusto mo magpa-picture ka pa kasama niya." I said with a sincere smile on my face.  "Talaga?" Arianna asked with her eyes almost popping out. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD