CHAPTER 14

2635 Words
BEAUTY'S POV Nang matapos ang shooting namin agad akong dumiretso sa bahay ni Albert para tingnan kung anong kalagayan niya ngayon. Tatlong door bell ata yun bago ako pinagbuksan ni Alyanna. "Kumusta ang daddy mo?" agad na bungad ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya. " Mataas po ang lagnat tita eh" aggad na sagot ni Alyanna  "Tapos hindi pa po kumakain " dagdag pa ni Alyanna. Naglakad kami diretso sa kwarto ng Daddy niya at napansin ko ang talagang pamamayat niya dahil sa pagkakasakit niya. "Sandali ah, gawan ko ng soup ang daddy mo" ani ko sabay baba at napansin kong sumunod naman si Alyanna. Pinagluto ko siya ng Arrozcaldo, habang naluluto ako nagkukwentuhan kami about sa niya niya at sa daddy niya hanggggang sa napalunok ako sa kasunod na tanong niya. "Tita do you love my dad?" nakatingin lang ako sa kanya. "Tita masusunog!!" agad na sigaw niya kaya dali dali kong tinurn-off ang kalan at sinalin ang soup. "Pakainin na natin daddy mo" pag-iiba ko sa usapan. Matapos ay umakyat na kami sa kwarto ng daddy niya. Nang makapasok na ako sa kwarto at nilagay ang soup sa lamesa na malapit sa kama ni Albert, at napansin kong nanatili lang sa pinto si Alyanna at hindi ko alam kong bakit. Hinayaan ko nalang siya. Nilapat ko ang palad ko sa ulo ni Albert para tingnan kong mainit pa siya. Dahan dahan kong tinatapik ang braso niya para gisingin at muling lumingon sa pinto ngunit wala na si Alyanna duon. Nakailang ulit kong tinapik siya at maya maya ay nagising siya. "Anung--anung ginaggawa mo dito?" agad na pagtatanongg niya habang kinukusot ng dalawang kamay niya ang mata niya. "Tinawagan ako ni Alyanna and here I am" ani ko sabay upo sa tabi niya at inaalalayan siyang umupo sa edge ng kama niya. "I saw you that night, and I called your daughter " pagpapaliwanag ko sabay kuha ng soup sa lamesa. "Di ka pa daw kumakain, kaya pinagluto kita ng soup" dagdag ko pa at akmang susubuan siya agad niyang inangat ang kamay niya.  "I can handle" sambit niya sabay kuha sa kamay ko ang kutsara na may lamang soup. Kaso natapon lang iyon sa kumot niya dahil nanginginig pa ang kamay niya, marahil wala pang lakas. "see? Ako na kasi!" agad na sambit ko sabay pinunasan ang natapong soup sa kumot niya. Nakatitig lang siya sa akin habang hinihipan ko ang soup dahil medyo mainit pa. Habang sinusubuan ko siya, nagkukwento ako about sa Kadenang ginto. At maya maya tinanong na niya ang kinatatakutan kong tanong "How's you and you're husband?" napalunok ako sa pagtatanong niya. Napabuntong hininga ako bago sumagot "I signed" maikli kong sagot sabay subo sa kanya ng soup. "I signed the annulment papers" dagdag ko. "Why?Is it because of me?" umiling lang ako at di na sumagot. Hindi ko din naman alam kong bakit , sino ang dahilan ko. Nagpatuloy ako sa pagpapakain sa kanya "Ayoko na busog na ako" pag-inda niya agad napakunot ang noo ko. "Ubusin mo nalang to kaunti nalangg eh" sambit ko sabay pakita sa kanya ang laman ng bowl. "Pleaseee" dagdag ko pa para talagang ubusin niya "Sige na nga punuin mo na yang kutsara" sambit niya na sinunod ko naman "Nang-uutos ka po Mr. Albert Martinez?" pagbibiro ko sa kanya. "No, Mrs? o Ms Beauty Gonzalez " ani niya sabay bahagyang ngiti. At inaamin ko sa ngiti nyang yun parang medyo nakalimuran ko ang mga problema ko at lalo na yung di namin pagkakaintindihan. Nangg maubos na niya ang pagkain niya agad akong tumayo at nagpaalam na din "May naiwan pa sa niluto ko, magpalakas ka ha?Babalik lang ako bukas dito" ani ko sabay lakad na palabas ng kwarto niya . At bigka akon napatigil sa paglalakad nang tawagin niya ako. " Beauty" tawag niya kaya napalingon ako sa kanya. " Salamat " sambit niya at napangiti na lang ako at naglakad na ulit palabas. Nilagay ko iyon sa sink nila at inikot ang mga mata ko. Palabas na sana ako ng bigla akong tawagin ni Alyanna "Salamat tita" sabay kaway niya kaya kumaway ako pabalik at agad ng sumakay sa kotse ko para umuwi. Pagkauwi ko nagtaka ako may kotse na nakaparada sa may gate namin. Pagpasok ko agad bumungad sakin si Bianca nakahalukipkip "Uyy ikaw pala yan, anong atin?" agad na sambit ko pero kaagad siyang yumakap sakin. "Alam ko na yung nangyari " ani niya medyo nagtaka ako sa sinasabi niya pero alam ko kung ano iyon. " About samin ni Norman?" paglilinaw ko sa kanya. Tumango siya at matapos ay naglakad na kami papasok ng bahay. " Anong bang nangyari?1 year palang kayong kasal ah?" pagtatanong niya ulit. Napailing ako "Hindi ko alam eh basta pinirmahan ko yung annulment paper that night" "Upo ka muna dyan kuha kita ng juice" ani ko sa kanya na sinunod naman niya. "Hindi mo alam? o alam mo na pero hindi pa rin klaro sayo?" ani niya. Napaisip ako sa sinabi niya, sino nga ba ang dahilan ko? Wala naman eh. " Sana nga alam ko yung rason ko at rason niya that night para hindi ako nalilito hanggang ngayon" ani ko sabay bigay sa kanya ng isang juice na dala dala ko. "Pero ano ba talagang rason niya? Kasi dun palang malalaman mo na" sambit niya sabay inum ng juice. Natigilan ako tila inaalala ang nangyari nung gabing pinirmahan ko ang annulment papers. "Basta ang gist is yung nalasing ako nung birthday ni Albert tas may kung ano ano akong pinagsasabi  , diba normal naman yun ? lasing ako eh" sagot ko sa kanya at tinitigan niya lang ako at tila napalunok "So anong pinagsasabi mo daw nung gabing yun?" "I--i said I love you's and uttering the name of Albert" nauutal na sambit ko sa kanya. Napadilat siya sa sagot ko sa kanya. "Now I know , may reasons siya bakit ganun siya kagalit" agad na sagot niya. " Pero hindi yun rason para makipaghiwalay siya, ang babaw na rason nun" ani ko sa kanya. " Sayo oo mababaw pero tinanong mo ba kung ganun din sa kanya? Girl, In vino veritas. " ani niya sabay inum ng juice niya habang nakatitig lang sakin. "May mga bagay na hindi natin masabi kapag hindi tayo nakainum , diba nga lalabas daw ang totoo pag nakainum? Sabihin mo nga sakin may nararamdaman ka ba kay Tito A?"  Hindi ako makasagot, halos malunok ko ang dila ko at parang walang lumalabas na salita sa bibig ko. "Silence means yes" ani niya ng hindi ko masagot ang tanong niya. "No, ayy yes, medyo" nauutal kong sagot. " so meron nga kaso hindi pa malinaw" paglilinaw niya. " Girl, try to make things clear para di ka nahihirapan, masasaktan ka lang niyan kong araw araw hinahanap mo ang reason kasi sa nakikita ko may reason na pero hindi sayo malinaw, o hindi mo tanggap na yun ang rason mo. " ALBERT'S POV Medyo hilo pa ako at bahagya kong hinihilot ang ulo ko para mabawasan ng kaunti ang sakit. Maya maya nakita ko ang anak ko nasa pinto, nakatitig sakin. Kinawayan ko siya para lumapit sakin. At agad umupo siya sa tabi ko sabay yakap sakin. "Bakit ganyan ka makatingin sakin anak?"pagtatanong ko habang yakap yakap ko siya at hinahaplos ang buhok niya. "Dad? Anong problema mo?" pagtatanong ng anak ko habang diretso ang tingin sa akin. Napailing nalang ako para sabihing wala, para itago ang totoo. "Dad I don't believe you, the first time na ginawa mo yun is nong nawala si mommy so dont expect me to believe that you don't have a problem" diretsong saggot ng anak ko sakin. " Is it tita Beauty? Dad I'm you're daughter at maiintindihan kita " dagdag pa niya . Kaya napalunok nalang ako at lalong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. "Anak for you what is love?" pagtatanong ko sa kanya , tumitig siya sakin habang nakangiti. "Dad , for me love is about sacrifice---" ani niya habang nakayakap sakin "na kung gaano kalaki yung sacrifices na nagagawa mo, ganun din kalaki yung pagmamahal mo sa isang tao" dagdag pa niya  Napaisip ako sa sinabi niya "So if one person is not willing to sacrifice it's not love? yun ba yun anak?" pagtatanung ko ulit sa kanya. "Sabi nga nung nabasa ko dad, pagmahal mo papalayain mo kasi yun ang totoong love, you can sacrifice your own happines for the sake of the person you love mas gusto mong makita siyang masaya, nakangiti kahit hindi ikaw yung reason" sagot niya . Napatitignalang ako sa kanya at agad na napangiti. "Dad hindi mo pa nasasagot ang tanon ko is it tita Beauty?" paguulit niya sa tanon niya kanina, tinitian ko siya at aad na napatango bilang pagsang-ayon ko. At nakita kon agad na napangiti siya, abot tena ang ngiti niyang yun. " Dad, you really need to weigh your decisions. But please take care of this" ani niya sabay tutuk ng hintuturo niya sa puso ko, at napatango nalang ako matapos yun ay tumayo siya. "At the end of the day dad, that's the only thing you have, at the end you only have your heart" dagdag pa niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.  Tama nga naman ang anak ko at the end of the day puso ko lang yung masasaktan, at kailangan kong sagipin ang puso ko. Ring... Ring... Ring... Ring... Pagtunog ng kung ano na siyang napabalikwas nalang ako kakahanap. Hanggang sa nawala na ang tunog na iyon pero nagpatuloy ako sa paghahanap nasa ilalim lang pala ng unan ko. Agad kong tiningnan kung sino yung tumawag " unregistered number?" bulong ko sarili kaya hindi ko nalang binigyan ng atensiyon yun. At muli humigga ako dahil ramdam ko pa ang hangover. Kinuha ko ang remote na nasa tabi ng lampshhade matapos ay binuksan ang TV at agad na bumungad sakin ang palabas na ginagawa namin ni Beauty. At bumabalik yung unang araw na nakita ko siya hanggang sa umabot kami sa ganito, ang bilis ng panahon. Nanatili akong nanonood and to be honest namimiss ko na ang set, mga co-actors ko at lalo na si Beauty. I miss her smile whenever na nagkakamali siya sa lines niya, her expression na 'giatay' and yung pagkamahiyaon niya everytime na may scene kami especially kissing scene. At napangiti nalang ako tuwing naiisip ko yun. Ring.. Ring.. Ring.. Muli na namang tumunog ang phone ko at agad kong tiningnan kung sino yung tumatawag the same number na tumatawag sakin kanina. Medyo nagtataka lang talaga ako kung sino yung tumatawag "Wala naman akong tinatanggap na new project?" bulong ko sa sarili.  Maya may ay muli na namang tumunog ang phone ko kaya dali dali ko itong sinagot "Hello?Who's this?" agad na bungad ko ng sagutin ko iyon pero hindi sumasagot ang taong kung sino man sa kabilang linya. "Hello?Who's this please?" paguulit ko sa kanya pero agad na itong na call ended, napakunot pa ang noo ko dahil hindi man lang ito nagsalita, at ang tanging naririnig ko ay ang paghinga niya. Maya maya may nareceive akong text message from that unregistered number From: Unregistered number Can we talk? At ang sumunod na text niya ay ang location kung saan niya ko gustong makausap. Kaya dahan dahan akong bumangon sa pagkakahiga ko bagamat hilo ay pinilit ko ang sarili na makapag-ayos. Hindi na ako naligo dahil kakagaling ko lang sa lagnat nagpalit nalang ako ng damit ko. At matapos ay bumaba na nandon pa ang anak ko nanonood ng TV at tila gulat ng makita ako. "Dad okay ka na?" agad na tanong niya tumango ako sabay kuha ng susi ng kotse ko. "Daddy saan ka na naman pupunta?" bulalas niya na tila nag-aalala na baka maulit uli yung nangyari sakin. "Dear may gusto lang kumausap sakin di na yun mauulit" pagpapaliwanag ko sa kanya. "You'll be home 9:00 pm okay?Ipapapolice na kita pag di ka umuwi daddy" ani pa niya natawa nalang ako at agad na tumango sabay salute sa kanya. Pagdating ko sa senend niya location pumasok ako sa sinasabi niyang coffee shop, inikot ang tingin ko sa paligid at nagulat ako sa nakita ko. Si norman.. Kaya agad akong lumapit sa kanya at umupo.  "It was--" hindi pa man ako nakakatapos magsalita ay sinagot na niya ang gusto kung itanong "Yes, I am the one who's calling you" sagot niya, Kaya napayuko ako , napabuntong hininga bago magsalita. "Let's not talk here, let us go to other place" ani ko sabay tayo na alam kong sinundan naman niya ako agad. Pinasakay ko siya sa kotse ko, at tinungo ang garden ng mommy ko kung saan ko huling dinala si Beauty. Wala ni isa sa amin ni Norman ang nagsasalita habang nasa byahe, at maya maya narating na din namin ang lugar. Agad akong bumaba at pumasok sa garden at sumunod naman siya. Tumayo ako sa tabi ng pond. Nakailang buntong hininga bago ako nakapagsalita. " This is the place where I express my love for your wife, this place where I let her go and choose to forget about my feelings the same day where I let her know how much I love her " panimula ko. "But that day also she signed the annulment" pagbasag niya sa sinasabi ko. Nakahukipkip siya. Nakatingin sa malayo. " And the same day I left our house" dagdag pa niya. Agad akong napatingin sa kanya "My question why did you file the annulment?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanya. "Nung gabing inuwi mo siya na lasing--" ani niya na napapailing  " It feels like ginugutay gutay yung puso ko, tinatadtad na parang giniling. Subrang sakit ako yung asawa niya pero ikaw yung paulit ulit na tinatawag, ikaw yung paulit ulit na sinasabihan ng 'mahal kita, mahal na mahal' and even question kung mahal niya ba talaga ako" Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, pareho kaming lalaki at ramdam ko kung gaano kasakit yun para sa kanya. " That's why I right away filed the annulment for her to know that she's not chained to me, na hindi niya kailangan mamili between saving our marriage or saving her own heart. At yun ang ayoko , I don't want to own someone who doesn't want me to own her" " Bakit di mo pinaglaban  ang marriage niyong dalawa, what if iba yung pagkakaintindi niya sa gusto mong ipaintindi sa kanya?" Napakagat siya ng labi niya, at muling humugot ng napakalalim na hininga. " Ikaw if you know that your wife loves someone, ano ba mas importante yung tao na minahal mo o yung nararamdaman mo? Kasi ako mas pipiliin ko yung taong minahal ko I'll set aside my feelings mas gusto ko pa din naman siyang sumaya" At doon ko napagtanto his love for Beauty is genuine, pure love. Subrang mahal niya ang asawa niya at tama siguro yung desisyon kong kalimutan nalang siya tutal nasa tamang tao naman na siya. Norman can love her as much as I love her. Napabuntong hininga ako. " You go back to Beauty, umuwi ka na sa bahay niyo ako nalang yung aalis para di na kami magkita pa pupunta na ako ng America bukas. Try to fix your relationship with her and I know she loves you as much as you do " ani ko sabay humakbang na paalis. Mabigat man sa dibdib ko but that's the least that I can do for him to save his marriage. And that's how much I love her forgetting about her might be hard, might not be easy but I'll try, I need to try.  Agad na akong sumakay ng sasakyan at umalis na din at agad na dumiretso sa ticketing booth para kumuha ng ticket namin ng anak ko papuntang America.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD