CHAPTER 13

3166 Words
ALBERT'S POV "Why did you do that?" pagtatanong niya. Bakit ko nga ba ginawa yun? Bakit ko nga ba pinarevised yun story? Bumuntong hininga ako bago tumayo at lumapit sa kanya. Tinitigan si Beauty , ang pangalawang babaeng minahal ko. "It's because I want to forget about you, I want to forget about what's inside " sagot ko sa kanya sabay turo sa puso ko. Subrang sakit, subrang bigat na. At mas okay na din siguro yung ginawa ko. Tumingin ako sa malayo, sa pond at nagkibit-balikat dahil medyo malamig na doon. "Sabi ko dati siguro masaya magmahal ulit, siguro makakalaya ako sa lungkot. Pero hindi ko alam makakalaya nga ako sa lungkot pumalit naman yung sakit " "Para akong nanaginip,tapos biglang nagising----- sa katotohanan na sa pagmamahal ko--- sinasaktan ko lang yung sarili ko " dagdag ko. Tumalikod ako sa kanya dahil alam ko ano mang oras papatak na naman ang luha ko. Hindi siya nagsasalita , at wala rin akong balak lingunin siya.  "I can't handle this pain every day , lalo pa't everyday kitang nakikita , nakakascene at sa araw araw na yun iniisip ko na parehas tayo ng nararamdaman ------ kasi yan yung sinabi mo sakin eh pero lasing ka lang pala talaga " ani ko at habang sinasabi ko unti unti ng pumapatak ang luha ko na kanina'y pilit kong pinipigilan. "Al---bert sorry" sambit niya. Pinunasan ko ang luha ko at dahan dahang tumingin sa kanya. "Sorry ? why? Because you can't love me back ... sige sabihin mo sakin ngayon since di ka lasing ?" pagtatanong ko sa kanya.  Bumuntong hininga siya, at ilang minuto bago nagsalita "I mean it --- I mean....everything that I said that night" sagot niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nung sinabi niya yun na hindi lasing. "Then why did ---" hindi ko na nasagot ang sasabihin ko. " I'm married, Albert and now? My husband is filing an annulment 2 days after that night and I don't know why ang liit lang ng rason na yun para palakihin niya" sagot niya at pansin ko ding umiiyak na din siya. Ang sakit umiiyak ako dahil sa kanya , habang siya umiiyak dahil sa iba. I want to comfort her pero pinigilan ko ang sarili ko. " I love my family Albert, I love my husband and that's the reason why I can't love you back " dagdag niya na mas lalong nagpabigat ng dibdib ko at di na napansin na tumutulo na pala ang luha ko sa harap niya. " Sana naiintindihan mo yun" Bahagya akong ngumiti bago nagsalita " You dont need to Beauty , hindi mo na kailangan pang ibalik yung pagmamahal ko para sayo. Makakalimutan kita , makakalimutan ko ang nararamdaman ko sayo. "  At nagtuloy tuloy na nga ang pagluha ko , hindi ko na mapigilan. " Ikaw na ang huling babaeng mamahalin ko , at katulad ng yumao kong asawa ibabaon ko sa limut ang lahat ng mga alaal ko sayo. I am sorry for loving you" ani ko sabay humakbang palayo sa kanya. " I forgot, here's your shirt thank you, please don't sign the annulment no matter what happens " dagdag ko at nagpatuloy na sa paglalakad habang umiiyak. "Goodbye , till we met again" ani ko sabay kaway sa kanya. "Hope he loves you more than I love you" bulong ko sa hangin bago ako sumakay sa sasakyan habang siya naiwan sa garden. . . . . At habang nagmamaneho patuloy akong nag-iiyak kaya hindi ako dumiretso sa bahay bagkos ay huminto ako sa isang inuman. Nagpaka lasing ako. Nagpakalango sa alak. Bakit pa kasi dumating ako sa ganitong punto? Bat di ko napigilan ? Bakit di ko pinigilan? . . . Hindi ko alam kong ilang bote ng alak yung naubos ko pero nalasing talaga ako. Nang lumabas ako ng bar umuulan, at nagdire diretso ako. "Mahal kita eh, subrang mahal --- subrang mahal " bulong ko sa sarili. Nagpaulan ako, at doon pinagpatuloy ang pag-iyak ko. Napatingala at dahan dahang napaluhod sa kalsada. " Bakit panginoon? Kung alam ko lang sana hinayaan ko nalang yung sarili ko sa lungkot !" ani ko habang unti unting nababasa ang buong katawan ko sa ulan. " Kung alam ko lang na ganito kasakit yung humiling na magmahal ulit sana hinayaan mo nalang akong malungkot "  "Ngayon hindi ko matanggal yung sarili ko sa sakit , subrang sakit dito Lord, subrang sakit " ani ko habang tinuturo turo ang puso ko. At hindi pa ako makuntento pinagsasampal ko ang sarili kong muka, kaliwat kanan "Hindi ka niya mahal" "Hindi ka niya kayang mahalin" "Hindi ka niya mamahalin" "Hindi ka niya mahal Albert, hindi ka niya mahal "  pagsisigaw ko hanggang sa pahina ng pahina ang boses ko. "Hindi ka niya susubukang mahalin, may asawa siya" dagdag ko at dahan dahang inupo ang sarili ko sa kalsada. At sa mga oras na to hilong hilo na ako, na halos hindi na nakakaaninag. . . . Napatakip ako sa mata ko dahil may subrang nakakasilaw ng liwanag ang papalapit sa akin. Pero hindi pa din ako gumalaw sa kinaroroonan ko. "Kukunin mo na ako Lord? Kunin mo na ako ready na ako , ready na! Masyado ng masakit para manatili pa ako sa mundong to " ani ko sa mahinahong tono. . . . " Albert?" yan ang huli kong narinig matapos kong makita ang liwanag na subrang lapit na sa akin. BEAUTY'S POV Nang makaalis si Albert nanatili ako doon sa garden kung saan niya ako dinala, subrang sakit makita siyang ganun at ang mas masakit dahil sakin.  "Lord bakit mo ginagawa sakin to? Sa aming tatlo?" ani ko habang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Mas lalo akong nahihirapan, naguguluhan sa mga nangyayari. Ayoko kong makasakit, at ayaw ko ding masaktan sa kung ano mang magiging desisyon ko. Sa ilang oras pananatili ko dun napansin kong tila naubus na ang luha ko kaya pinili ko nalang umuwi dahil malapit na ding umulan. Kaya dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko,at naglakad na palayo sa garden. Nang marating ko ang kotse nilingon ko pa uli ang garden bago tuluyang sumakay sa sasakyan ko. At tamang tama na pagpasok ko sa kotse tuluyan ng bumagsak ang ulan. Parang nakikisabay din sa nararamdaman ko. Makailang beses kong inuntog ang ulo sa bintana ng kotse bago ako nagmaneho. Paulit ulit na bumabalik sa utak ko ang mga sinabi ni Albert kanina. At paulit ulit din ako nitong pinapaluha. ---- Pagkauwi ko sa bahay , tahimik na wala na ding ilaw sa sala.  And that darkness ang nakadagdag sa kalungkutan ko. Gusto ko ng matapos ang sakit nato, gusto ko ng bumalik ulit sa dati na walang bigat ng puso na dinadala. Umiiyak kung sinarado ang pinto, hindi ko alam kung tama ba yung gagawin ko, pero ito nalang ang naiisip ko para maayos kami ng asawa ko. . . . Nagdire diretso ako sa kwarto namin , at mas nagulat ako. May mga maleta sa labas ng kwarto. Nagtaka ako bakit? Saan siya pupunta?   "Love?" pagtawag ko sa kanya , madilim ang kwarto. At tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto , at sa terrace ng kwarto nakita ko siyang nakatayo. Pumasok at at dahan dahang nilapitan siya " Love? " muling tawag ko sa kanya pero hindi pa rin siya lumingon. Kaya mas lumapit pa ako at tumayo sa tabi niya. At dahan dahan na ulit pumapatak ang luha ko. " Bakit ma---may mga maleta?" nauutal na sambit ko sa kanya. Hindi siya sumagot, natingin lang siya sa malayo. Habang ako nakatingin sa kanya. "Please sagotin mo naman ako, we can still fix this love" ani ko na tila nagmamakaawa na naayusin na namin kung ano mang problema namin. Maliit lang yung problema na yun bakit parang ganito kahirap ayusin. "I don't deserve you" marahan niyang sambit. Napailing ako, ano bang pinagsasabi nito? " What are you talking about? You deserve me, subrang deserve mo ako, at deserve kita love" ani ko sa kanya sabay dahan dahan niyayakap siya. At dahan dahan niya ding tinatanggal ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kanya. Hiniwakan niya ang mga kamay ko. At kitang kita ko sa mga mata niya na, pinilit niyang wag ipatak ang mga luha. Humugot siya ng isang napakalalim na hininga " Remember the reason why we get married?" ani niya na diretsong nakatitig sakin. Tumango lang ako bilang tugon ko sa kanya. " you marry me because pinagbubuntis mo na si Olivia , we're not even in a relationship that day but something happens to us because of that f*****g alcohol"  " And all I thought you really love right at that moment " napailing ako at isa isa ng pumapatak ang luha ko sa harapan niya. "No, mahal kita love, mahal kita" sagot ko sa kanya. " No, you just learn to love me , natutunan mo lang akong mahalin " "Nung gabing nalasing ka, remember?" mahinahong sambit niya. " Inakay kita dito galing sa labas hanggang dito sa kwarto , at habang akay akay kita --" nauutal utal na sambit niya at ngayon ay tuluyan na siyang umiiyak. " para akong tinutusok dito, subrang sakit dagdag pa ang bigat mo" ani niya habang tinuturo ang puso niya. " simula sa pintuan hanggang dito sa kwarto binabanggit mo ang pangalan niya, tinatawag mo si Albert" "Gusto mo marinig kung anong pinagsasabi mo nung gabing yun?" napabuntong hininga ako, napakagat sa ibabang labi ko. Binitawan niya ang kamay ko at may kinuha sa aparador namin. Cellphone niya... nilagay niya sa lamesa na malapit sa aming dalawa. "Albert, mahal kita subrang mahal kita" " Dati subrang crush kita , at alam mo ba nung nakita kong makakasama kita subrang saya ko" " Alam ko namang gusto mo din ako eh," " Pero kasi may asawa na ako , hindi na kita pwedeng mahalin pero promise subrang mahal kita subra" "paulit ulit bumalik sakin yun araw na hinalikan mo " At nang marinig ko yun dahan dahan akong lumuhod sa harap niya. Hinawakan ang mga kamay niya. " Please love I'm so sorry, please forgive me" pagmamakaawa ko sa kanya. At akala ko yun lang yung huling sinabi ko ng gabing yun " Nalilito na nga ako ngayon kung sinong mahal ko sa inyo ng asawa ko, masaya ako, subrang saya ko pagkasama kita" At doon naiintindihan ko na kung bakit ganun nalang yung reaksiyon niya matapos ang gabing yun. Dahan dahan niyang tinatanggal ang kamay ko sa mga kamay niya. At nang tuluyan na yung matanggal napayuko nalang ako at patuloy ang pag-iyak. " And now tell me if ikaw yung nasa posisyon ko hindi ko ba deserve magalit?" bulalas niya. "  mahal mo ba talaga ako? o takot ka lang mawasak ang pamilyang to?" Hindi ako nakasagot, patuloy lang ang pag-iyak ko. " Minahal mo ba talaga ako? o  mahal mo lang ako bilang ama ng anak mo at hindi bilang asawa mo?"  lumalakas na ang boses niya. Nanatili akong tahimik at umiiyak, walang lumalabas sa mga bibig ko. Naglakad siya, may kinuha sa may lamp. At muli ay bumalik sa akin at nilahad ang kaparehong brown envelope na pinakita niya sa akin may kasama itong ballpen. "Mananatili akong ama ng anak natin, so sign that" " Walang bisa yung kasal natin kung hindi natin mahal yung isat isa, wag natin gamitin yung kasal para lang manatili tay habang unti unti nating sinusugatan ang isat isa " " My love for you is more than that piece of paper " " While you,is base on that paper.. Love is not a business , love is from the heart " Ani niya napabuntong hininga ako, sana tama tong gagawin ko. " We can marry a million times, anytime. But we can't love two people at a time" At hindi ko alam kong anong pumasok sa utak ko at pinirmahan ko iyon. Pinirmahan ko ang annulment paper. At agad binaba sa sahig nakita kong pinulot niya iyon. "And now decide without thinking that you are married to me, decide from the bottom of you're heart " Ani niya sabay halik sa noo ko. At naglakad na palabas ng kwarto. "Please stay here kahit hindi na kita asawa , stay here for Olivia" pahabol ko. Pero nagpatuloy siya dala dala ang mga maleta niya. At naiwan ako sa kwarto, umiiyak  Bakit ko ba pinirmahan ang annulment paper? BEAUTY'S POV Unang araw na walang asawa, unang araw na hindi kasal at tuwing naalala ko ang nangyari kagabi naiiyak lang ako. Magkatabi kaming natulog ng anak ko ngayon, mas pinili kong tumabi sa kanya para maisip na nandyan pa ang anak ko, at kailangan niya ako. Hinahaplos ko ang buhok ng anak ko at unti unti na naman akong naluluha. "Sorry anak, wag kang mag-alala hinding hindi kita pababayaan" ani ko sa natutulo kong anak. Matapos ay pinunasan ko ang mga luha ko baka magising ang anak ko, magtataka lang yun. Muli ay humalik ako sa noo ng anak ko bago ako bumaba para tingnan kong nakapagluto na si Manang. At tama nga nakapaghanda na si Manang kaya kumain na ako. "Maam nasan po si Sir?" pagtatanong ni manang sakin marahil napansin niya na wala na si Norman. Hindi kaagad ako nakasagot halos mabilaukan ako sa tanong niyang yun. "Wala na manang, hiwalay na kami" nauutal na sambit ko sabay salin ng tubig sa baso ko sabay inum nito. "Po? Bakit po?" pag-uusisa niya, napailing nalang ako bilang tugon ko sa kanya, hindi din naman malinaw sakin bakit kami humantong sa ganito eh. RING.. RING.. RING.. RING.. Napabalikwas ako ng biglang tumunog ang phone ko. "Hello?" agad na sagot ko sa taong nasa kabilang linya. "Tita ang taas nang lagnat ni Daddy" agad na sambit ni Alyanna sa kabilang linya, halata sa boses niya ang pag-aalala "Okay don't worry pupunta ako dyan pagkatapos ng shooting ko" ani ko sa kanya **FLASHBACK BEAUTY'S POV** Umiiyak akong tinatahak ang maulang daan pauwi. Halos paliparin ko na ang sasakyan sa pagpapaharurot ko. Pero agad akong napahinto sa pagmamaneho ng may nakita akong lalaki na nakaupo sa kalsada,basang basa. Makailang beses kong pinikit ang mata ko baka nagkakamali lang ako ng nakikita. Pero tama nga, tama ang nakikita ko si Albert, si Albert ang nagpapaulan. "Anong ginagawa niya sa kalsada?" pagtatanong ko sa sarili. Mas nilapit ko ang sasakyan ko sa kanya. Umiiyak siya kaya agad akong bumaba ng kotse ko , hindi na alintana kung mababasa din ako ng ulan. "Albert" tawaggg ko sa kanya sabay yakap .  Bakit ganito siya kadevastated, bakit kailangan niyang gawin to sa sarili niya? At maya maya nawalan na siya ng malay, marahil kanina pa siya sa kalsada nagpapaulan at amoy alak din siya. Inakay ko siya papunta sa kotse niya at dahan dahang siyang pinaupo sa drivers seat. Napabuntong hininga nalang ako nang tinatawag niya ang pangalan ko habang nakapikit siya "Beauty mahal kita, mahal na mahal kita " hindi ko alam anong mararamdaman ko , ano bang ginawa ko para mahalin niya ako ng ganto, para ganito niya saktan sarili niya dahil sakin.  Hinaplos ko ang buhok niya " I'm so sorry for causingg you this pain". Agad kong nilihis ang tingin ko sa kanya at hinanap ang cellphone niya at mabuti ay nahanap ko agad. Tinawagan ko si Alyanna "Hello?" agad na bungad ko ng sagutin niya iyon. " Dad? Where are---? " hindi ko na pinatapos si alyanna  "Nandito siya kasama ko, can you be here? may dala kasi akong kotse hindi ko pwede ipagmaneho daddy mo, tita beauty mo to" pagpapaliwanag ko. " okay po tita, on my way po" agad na sagot ni Alyanna sabay call ended ng tawagg. Maya maya dumating din siya. Nakita ko sa mata ng anak ni Albert na naawa siya sa daddy niya " Tita? What happen?Bakit basang basa si dad?" agad na tanong sakin ni Alyanna. "Nag-usap lang kami kanina eh pauwi na sana ako kaso nakita ko siya dito" pagpapaliwanag ko. " Marunong ka magdrive ? Ipagmaneho mo daddy mo susundan ko nalang kayo" dagdag ko at tumango siya at matapos yun ay patakbo akong pumunta sa kotse ko at sinundan sila, at nang makarating na kami sa bahay nila inakay namin si Albert papasok sa bahay nila. " Alyanna ako na bahala magpalit sa daddy mo kuha mo nalang ako ng maligamgam na tubig at bimpo, ipupunas natin sa daddy mo" ani ko sa kanya at sinunod naman iyon ni Alyanna habang ako dahan dahang inaakay si Albert paakyat sa kwarto niya. Pinasok ko muna siya sa cr dahil nga basang basa siya. Bigat niya grabe Binaba ko siya at pinasandal sa pader ng cr at agad na kumuha ng damit niya.  Matapos ay agad na bumalik sa cr. Agad kong hinubad ang t-shirt niya at bumungad sakin ang maliliit na abs niya.  Napapikit nalang ako sa mga pumapasok sa utak ko. Agad kong sinuot sa kanya ang tuyong tshirt  na kinuha ko. Nagdadalawang isip pa akong hubadin ang shorts niya pero kung hindi ko yun papalitan mababasa yung kama niya. "Ah bahala na" sambit ko sa sarili. At dahan dahan kong hinubad ang shorts niya pero mas kinabahan ako sa susunod na kailangan kong hubarin. "Shuuucks pati yan binasa mo" bulong ko sa sarili. Pinigilan ko nalang ang sarili ko na wag mapasigaw at agad na sinampal ang sarili Kumuha ako ng face towel at tinakip ko iyon sa mata ko para hindi ko makita ang di ko dapat makita habang hinuhubad ang pang-ibaba niyang saplot. At dali daling sinuot ang bago. "Basta hindi ako nakatingin, wala akong nakita " bulong ko sa sarili habang isinusuot sa kanya ang tuyong pang-ibabang saplot. At hhindi ko alam agad natanggal ang towel sa muka ko haban hindi pa halos nasusuot iyon sa kanya. " Ayyyy giaaataaay, sandali " ani ko sabay dali daling pinikit ang mata ko para hhindi yon makita. Matapos kung mabihisan siya agad ko siyang inakay para pahigain siya sa kama niya. "Pinawisan ako dun ah" sambit ko sa sarili habang pinupunasan ang pawis ko sa muka at diretsong nakatingin sa kanya. At maya maya dumating na si Alyanna dala dala ang sinabi ko kanina. " Tita sorry napatagal , nagpakulo pa kasi ako " pagpapaliwanag ni alyanna. Agad kong kinuha iyon sa kamay niya " Ayy salamat alyanna , okay lang yun" "This is the second time na ganyan siya kalungkot tita " Napatigil ako ng sabihin iyon ni Alyanna at agad na napatingin sa kanya. "The first time is nung  nawala si Mom , ganitong ganito siya " dagdag niya habang ako patuloy ko siyang pinupunasan, gusto ko mang sabiin na dahil sakin pero baka magalit sakin si Alyanna.  Kaya napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagpupunas kay Albert. Matapis ay tumayo na ako. "'Just call me kung lalagnatin siya ha?Mauna na ako "pagpapa-alam ko kay Alyanna "Ingat ka po Tita" sagot niya at napangiti nalang ako. ***End of flashback***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD