CHAPTER 12

2462 Words
BEAUTY'S POV Hindi ako natulog sa kwarto namin, bagkos sa guest room namin. Medyo nakakapanibago pero ayaw ko narin naman madagdagan yung problema namin. Baka lumaki lang lalo yung away namin. Pinilit kong wag umiyak dahil alam ko matatapos din to. Babalik din ito sa normal. Mawawala din ang problemang to. Kinabukasan maaga akong nagising or baka wala lang talaga akong tulog. Paglabas ko ng kwarto bumungad sakin ang anak ko. "Mommy" sambit niya sabay yakap sakin. Agad ko naman siyang kinarga at bumaba na sa kusina. Nakita ko na yung maid namin ang nagluluto ngayon. "Manang nasan siya?" pagtatanong ko. "Naliligo po ata " agad na sagot ni manang. Tumango tango nalang ako. Pinakain si Olivia bago ako naligo. Umakyat ako ng kwarto namin para kumuha ng damit ko at nasa kwarto namin yun ng asawa ko. Nagdadalawang isip pa akong pumasok sa kwarto baka kasi nandon siya mabuti nalang pagkabukas ko wala siya sa loob. Kumuha ako ng damit ko at towel matapos ay lumabas na. Pagkabukas ko sa pinto bumungad sakin an muka niya. Tinitigan ko lang siya habang nakayuko siya. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya kaso nilihis niya iyon at agad sinarado ang pinto. Binalewala ko nalang iyon at pumunta sa sa guest room at naligo. --- Pagkarating ko sa venue ng shooting tahimik , wala pa masyadong tao, masyado lang siguro akong maaga. Dumiretso ako sa tent namin pero pagpasok ko tila lumiit iyon. Akala ko tuloy nagkamali ako ng pasok ng tent. Kaya lumabas ulit ako para echeck ang name. Pero sakin nalang ang nakalagay na name don. Medyo nagtaka ako. "Baka nahangin lang" bulong ko sa sarili at agad na bumalik ulit sa loob ng tent at binaba ang mga dala kong gamit. Naupo muna ako sa folding bed habang nag-iintay sa make-up artist ko at nag-iintay na din kay Albert. Pero natapos nalang akong mamake-upan pero hindi pa din dumadating si Albert. Kaya lumabas ako at inikot ang mga mata ko , pero wala akong nakita kahit anino ni Albert. Kaya agad kong nilapitan si Direk. "Direk nasan po si Albert?" pagtatanong ko. "Nasa tent ni Joko Diaz, nagpalipat siya eh " napatango nalang ako ng marinig iyon kay direk. Siguro nga nasaktan ko talaga siya sa sinabi ko kahapon. "On deck cast" tawag ng direk namin at nakumpirma ko nga na lumipat siya ng tent. Gusto ko siyang kausapin, magsorry pero paano? Nang matapos ang mga scene namin,at ang lahat ay nag-iimpake na. Agad akong pumasok sa tent nila Kuya Joko. Nagbabakasakaling makakausap ko siya. At hindi nga ako nagkamali, nandoon siya , nag-iimpake ng gamit niya. "Al--bert can we talk?" nauutal na sambit ko. Tumitig lang siya sakin at sinikbit ang bag niya. "Nag-usap na tayo, kinausap mo na ako. And those talks are enough" sagot niya at agad ng tumalikod at lumabas ng tent. Para akong nanghina at agad napaupo sa monoblock na malapit sakin. Bakit ganon parang pinarurusahan ata ako? Problema sa bahay , problema padin dito? What did I do to deserve this? ---  Kinabukasan maaga parin akong nagising, at pangalawang araw na din to na hindi parin kami nag-uusap ng asawa ko. Pangalawang araw na walang maayos na tulog kasi nga hindi makatulog sa kakaisip sa mga nangyayari. Pero inaamin ko mas naapektuhan ako lalo na kay Albert. Hindi ko alam kong bakit siya padin inaalala ko sa kabila ng problema namin ng asawa ko. Siguro kasi napagbuntungan ko siya ng galit kahapon.  Kumuha nalang ako ng bagong yaya para magbantay lang Olivia since hindi ko na nakikitang binabantayan ng asawa ko si Olivia. Maaga na akong nakakarating sa venue ng shooting namin like 30 minutes bago ang call time. At sa 30 minutes na yan ako lang mag-isa sa tent. Pero pilit kong dinadivert lahat naghahanap ako ng mapaglilibangan para hindi masyadong mag-isip kasi nga sabi ko mawawala din to. Sana nga. Ring.... Ring.... Ring.... Nagulat ako ng marinig kong biglang nagtumunog ang phone ko yun pala si Bianca. "Heeey ? Nasan ka?" agad na tanong niya sakin na medyo naiintriga ako dahil sa boses niya. "Nasa shooting namin" agad na sagot ko. "I just saw Norman , nakikipag-usap sa lawyer niyo" agad na sagot ni Bianca.  Hindi ko iyon pinag-isipan ng masama baka may pinapaasikaso lang. "Baka naman may pina-ayos na document , ang  nega neto" ani ko  sa kanya. "Okaaaay " ani nya sabay buntong hininga. At nagcall ended na. Hindi kami nagpapansinan ni Albert sa set. Iniiwasan na din niya ako. Pero okay na din naman kasi wala na kami masyadong scene.  Matapos ang shooting ay diretso ako sa bahay. At habang papasok nakita ko ang asawa ko nakaupo sa sofa.  Nagdirediretso ako sa paglalakad na parang di ko siya nakita, after nung ginawa niya sakin kaninang umaga. "Beauty" tawag niya na nagulat ako, first time niya akong tinawag sa pangalan ko. Kaya napalingon ako. Dahan dahang lumapit sa kanya. "Bakit?" agad na sagot ko. Nakayuko lang siya. Inangat niya ang isang brown envelope at binigay sakin. Kinabahan ako don, ang lakas ng t***k ng puso ko Tinitigan ko pa siya bago buksan ang nasa loob ng envelope. At pagkabukas ko ANNULMENT PAPERS!! . . . . . . "Sign that " madiin niyang sambit. Napailing  ako at parang nanghina ang mga tuhod ko kaya umupo ako sa harapan niya. "Do you think this annulment paper will solve our problem?" tanong ko sa kanya, diretso akong nakatingin sa kanya at ganun din siya. Hanggang sa hindi ko namamalayang tumutulo na ang luha ko. Bumuntong hininga siya,at nilihis ang tingin sa akin. "Sabi ng lolo ko dati, ang lamat kahit gaano kaliit unti unti yang lumalaki. Kaya kung kayang pag-usapan , pagusapan pero kung hindi bumitaw na." ani niya sakin. "Love kaya naman natin pag-usapan diba? Kaya natin diba? Maliit na misunderstanding lang naman to eh" ani ko na parang nagmamakaawa. Bumuntong hininga siya at sandaling tinitigan ako at tumayo. "You will know it, and definitely you'll sign that" ani niya.  Hindi ko alam kong anong ibig niyang sabihin? Anong kailangan kong malaman? At bakit umabot siya sa annulment? Bakit? BEAUTY'S POV Nang umaakyat na ang asawa ko sa kwarto , naiwan ako sa sala. Nakatitig lang sa annulment paper. Ganito lang ba talaga ka kadali sa kanya? Hindi man lang niya inisip na pag-usapan naming dalawa yung problema? Ever since I've been dreaming for a perfect marriage, yung masaya lang, kahit may problema nalalagpasan agad. Pero tama nga siguro sila. There's no such perfect marriage. Pero hindi naman siguro hahantong sa ganito may anak kami? Paano si Olivia? Habang iniisip ko ang mga mangyayari naiiyak na, and this time di ko na napigilan ang sarili kong kainin ng emosyon ko. Umiyak na ako ng umiyak habang nakatitig sa annulment papers. Ayokong iparanas sa anak ko ang broken family. Ayaw kong iparanas sa anak ko na may kulang sa pamilya niya. Umakyat na ako sa guest room kung saan na ako natutulog, at nahiga. And I cant stop myself from crying. Hindi ko alam na ganito lang pala kadali tibagin ang pamilyang pinangarap ko noon. Iniyak ko ng iniyak kasi subrang sakit ng nararamdaman ko, subrang bigat. I already texted Direk na di mo na ako papasok. I cant act na ganito ang nararamdaman ko. I let myself cry and cry until I fall asleep. . . . Pagkagising ko ng umaga agad akong tumingin sa salamin. Namamaga na pala ang mata ko.  Agad kong tiningnan ang phone ko and I receive a reply from direk From: Direk  Good Morning Beauty sorry pero pwede bukas ka na umabsent super kailangan ka sa scene ngayon. Napailing nalang ako bagkus ay nag-ayos nalang ako, bumaba para echeck si Olivia. Pinapakain siya ng bagong yaya niya, napatitig nalang ako sa anak ko.  Ang anak ko ang maaapektuhan. Lumapit ako sa anak ko at hinalikan siya sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Sinabayan kong kumain ang anak ko. At matapos ako na din nagligo sa kanya at matapos ay ako na din. Pinalipat ko na ang mga damit ko sa guest room kay manang kagabi. Kaya di na kailangan pumasok sa kwarto namin para kumuha ng damit. Maya maya natapos na akong mag-ayos kaya dali dali akong sumampa sa kotse nilingon ko pa ang bahay. At nakita ko pa ang asawa kong kakababa lang ata. Tinitigan ko siya mula sa labas namin. Habang siya nagdire-diretso lang papunta ata ng kusina. Binalik ko nalang uli yung atensiyon ko sa kotse , at nagmaneho na papunta sa venue ng shooting namin. Medyo malayo yung lugar at pagkarating ko akala ko naliligaw ako. Kasi naman nasa tabing dagat kami. Bumaba at para tingnan iyon at agad kong nakita si Dimples at nakita niya din ako at kinawayan agad. Kaya agad pinark ko ang kotse ko sa di kalayuan at agad na binitbit ang gamit ko. Walang close tent doon at puro lang cottage lang at habang papalapit agad kong inikot ang paningin ko sa paligid sa mga kasamahan ko. "Miss eto nga pala ang revise script" agad na bungad sakin ni Jean sabay bigay ng hawak hawak niya. Nagulat ako sa sinabi ni Jean. Revise? Bakit nirevised? "Thank you, bakit nirevised? Maganda naman na ang flow ng story diba?" pag-uusisa ko pero umiling lang si Jean marahil hindi niya din alam. Kaya habang papunta ako sa cottage kung nasan sila Dimples agad kong tiningnan ang script na binigay sakin. Bakit ganito yung script? Napakunot ang noo ko sa bagong flow ng story. "Dimps alam mo kung bakit nirevised ang script?" pagtatanong ko. "Ah yan? pinarevised ni Tito A , tas lahat ng scene niya ngayon eshoshoot" sagot ni Dimples sakin. "Ha? Bakit daw?" dagdag ko pa. Umiling na si Dimples.  Nakakapagtaka bakit pinarevised niya?  Agad ko nalang pinagpatuloy ang pagbabasa ng script. . . . Matapos ang scene namin sa dagat bumalik na kami sa dating venue ng shooting namin. . . .  At doon nakita ko si Albert nakaupo, marahil naghihintay samin. Napatitig nalang ako sa kaniya. Ano kayang pumasok sa isip niya bakit pinarevised niya ang story. Hayst! Napasampal nalang ako sa muka ko. "Maghihiwalay nalang kayo ng asawa mo si Albert parin inaalala mo?" bulong ko sa sarili at nagdire diretso na tila ay hindi ko nakita si Albert. Binaba ko kaagad ang gamit ko at umupo sa harap ng salamin. Tinitigan ang sarili ko at pumapasok na naman ang about sa annulment. Maya maya pumasok na sa tent ang make-up artist ko. At ang una niyang napansin ay ang muka ko. "Stress ata tayo ngayon Ms?" ani niya sabay hawak sa muka ko at tinitigan ito. "Maraming problema sa buwan na to ewan ko ba" agad na sagot ko.  Napangiti nalang siya at sinimulan na akong minake-upan. . . . . Matapos ang mga scenes at sinabi na ni Direk na pack up na agad akong dumiretso sa tent. . . Nagulat ako nadoon si Albert nakaupo sa may folding bed. . . "Al-- bert bakit ka nandito?" agad na pagtatanong. . . "Can we talk ?" mahinahong sambit niya sakin. Tumango ako biglang pagsang-ayung ko sa kanya. "Can we go to somewhere else...... if okay lang?" nauutal na pagtatanong niya. Tumango muli ako. Matapos yun ay tumayo siya sa pagkakaupo niya. "I'll wait for you sa parking lot" ani niya bago tuluyang lumabas ng tent. Tinitigan ko pa siya habang sa mawala na siya sa paningin ko. Nagpatuloy pa ako sa pagiimpake at matapos ay naglakad palabas at agad nilagay ang gamit ko sa kotse. At nang matapos hinanap ko si Albert, nakita ko ang kotse niya pero wala siya doon. Tiningnan ko pa ang kotse niya tinted, at wala rin akong nakita. Maya maya bumalik ako sa kotses ko para magmaneho at pagtingin ko sa muli sa sasakyan niya nandoon siya nakatayo. Nakakagulat naman to si Albert. Muli ay sinarado ko ang kotse at naglakad palapit sa kanya. "Ano pag-uusapan natin ?" panimula ko. "Go to your car, just follow me" ani niya at matapos ay sumakay na sa sasakyan niya. Nagtataka ako, saan ba kasi kami pupunta? Bakit sa kung saang lugar pa? Sumakay uli ako sa kotse at agad na sinundan siya. . . . At huminto siya sa isang malawak na garden. Hindi ko alam kong anong lugar ito pero subrang ganda. Nauna akong lumabas sa kotse ko dahil sa pagkaamaze sa lugar. Meron pa pala neto dito sa Manila. Maya maya nakita ko na siyang lumabas ng kotse niya at pumasok sa maliit na gate ng garden. Sinundan ko siya at mas lalo akong namangha dahil may maliit na pond doon. At sa pond may mga water lily na. Subrang ganda. Palubog na ang araw sa oras na yun.  Umupo siya sa damuhan. Nakatitig  sa pond. Maya maya umupo na din ako. " Alam mo Beauty ito yung garden ng Mommy ko, sinadya kong wag galawin at mas palaguin yung mga bulaklak dito , madalas niya akong dalhin dito " panimula niya. "Subrang ganda ng lugar na to , as in parang nakalimutan kong marami akong problema" ani ko. " Alam mo bang may kwento ito?" ani niya na medyo naintriga ako. "Anong kwento neto ?" pagtatanong ko muli. Para kaming nagkukwentuhan , na parang wala kaming di pagkakaintindihan. " Bago ang daddy ko may boyfriend ang mommy ko, first love niya yun. Sila bumuo nito, sabay nilang tinanim lahat ng bulaklak na nandito. But then again may sakit pala yun at di kalaunan namatay din. And before that guy died sinabi niya kay mommy na kung sino daw yung susunod na mamahalin ng mommy ko dalhin dito.  And that pond?" ani niya sabay turo sa pond na nasa harapan namin. "Mom and Dad created that , and before my Mom died sinabi niya sakin na kung sino daw mamahalin ko dalhin ko daw sa lugar na to , and you know what here, where I was sitting right now is where my wife died, died in my arms saying kung sino mamahalin ko ulit dalhin ko dito " pagkukwento niya. Bumigat yung dibdib ko hindi ko alam kong sa kinukwento niya or sa gusto niyang sabihin. Hanggang sa napansin ko nalang na tumutulo na yung luha ko, at ayaw kong makita niya iyon. Ayaw kong nakikita niyang umiiyak. Kaya agad akong tumayo. "Umuwi na tayo " pag-aaya ko sabay pagpag sa damit ko. At naglakad papalayo "Ito na yung huling pagkikita natin, I quit sa teleserye. I pay para lang marevised yung story " nauutal na sambit niya. Kaya agad akong natigilan at napalingon sa kanya. "Why did you do that?" ani ko sa kanya habang diretso akong nakatingin sa kanya. . . . Tumayo siya at nilapitan ako.  Kaya agad kong pinunasan ang luha ko para hindi niya makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD