Chapter 6

1653 Words
Nang makapasok ako sa file storage room ay ilang sandali pa akong napatulala dahil sa dami ng mga case report na nandito, pero nang makabawi ako ay dumiretso rin ako kaagad sa shelve kung nasaan ang mga murder cases. At dahil bihira lang naman akong makapunta rito ay hindi ko masyadong kabisado kung saan nakalagay o nakapwesto ‘yong kung ano-anong kaso, pero mabuti na lang din at may label na nakalagay bawat section kaya naman hindi rin ako nahirapan pang hanapin ‘yon. Nang makalapit ako sa pwesto na ‘yon ay agad akong bumunot ng kahit anong folder at saka ko binasa ‘yong briefing no’ng kaso. Kapag hindi masyadong tugma ‘yong kaso sa gagawin naming research ay binabalik ko na rin at kukuha ako ng bago. Paulit-ulit na gano’n lang ang ginawa ko. Marami rin akong nabasa na kaso na familiar sa akin kaya lang ay hindi ko nabasa kagabi dahil wala naman sa database. Hindi ko alam kung anong balak ng management pero no’ng nakaraang buwan kasi ay nilimitahan nila ‘yong access sa database namin. Kaya naman may ilang mga kaso, lalo na ‘yong kilalang kaso talaga ay hindi na namin ma-access lalo na kapag sobrang tagal na nangyari. Kaya naman mukhang mahihirapan muna akong isa-isahin ang mga kaso rito hanggang sa mahanap ko ‘yong sasakto sa gagawin namin. Hindi naman kasi lahat ng killer sa murder case na ‘to ay serial killer kaya naman ibinabalik ko rin kaagad sa shelf. Halo-halo na rin naman na kasi sila kaya naman masyado ring marami. Imbes na mapagod katatayo ay kumuha kaagad ako ng marami at saka ako dumiretso sa mesa na nasa gilid para ro’n basahin ang mga ‘yon. Mabuti na lang din at may mesa at upuan dito kaya naman komportable kong matitignan ang mga file. Pumipili lang ako ng kaso na pwede naming malagay at kapag wala na akong mahanap ay kumukuha ulit ako ng bago para tignan ulit. Hindi ko alam kung ilang minuto ko nang ginagawa ‘yon hanggang sa namalayan ko na lang na dumating na ‘yong nagbabantay dito. Nang makita niya ako ay agad naman niya akong binati kaya naman tumango ako sa kanya, hindi ko naman mabigay ang buong atensyon ko sa kanya dahil abala rin ako sa ginagawa ko. Wala naman na rin siyang iba pang sinabi bukod sa batiin ako kaya naman nagpatuloy lang ako. Maya-maya lang ay nag-abot siya ng inumin kaya naman napatingin ako sa kanya at nagpasalamat, mabuti na lang at nagbigay siya dahil kanina pa talaga ako nauuhaw. “Sir, may bagong kaso po ba kayong hinahawakan?” tanong niya kaya naman napailing lang ako sa kanya. Napansin ko naman na nakatingin lang siya sa akin kaya naman pinaupo ko siya sa katabing upuan dahil nahihirapan akong tumingala kapag tumitingin ako sa kanya. Umiling lang naman ako sa kanya bilang sagot. “Pinapagawa kami ng research ni Sir Hammington tungkol sa mga psychotic serial killer,” sabi ko pero nasa binabasa ko pa rin ang atensyon ko. “May ibang alam ka ba?” tanong ko naman sa kanya at saka ako tumingin sa kanya. Parang napaisip naman siya kaya naman hinintay ko na magsalita at nagbasa na lang muna ulit. Tambak-tambak pa ‘yong case report na nasa harapan ko kaya naman nagbabasa ako habang naghihintay ng sagot niya, hindi naman ako nagmamadali dahil mahaba ang oras. Mabuti na lang din at naisipan ko na tanungin siya. Paniguradong mas familiar siya sa maraming kaso dahil siya ang nagbabantay dito. Isa rin siyang field agent base sa pagkakaalam ko kaya lang ay baguhan pa lang naman siya kaya naman hindi pa siya naisasama sa ibang misyon. Medyo marami-rami rin pa pala ‘tong babasahin ko, kung alam ko lang ay dapat pala isinama ko na ‘yong dalawa para mas mabilis kami. Akala ko naman kasi ay hindi ako masyadong mahihirapan dahil halos nandito na ang lahat, ‘yon nga lang ay nandito nga ang lahat kaya lang ay kailangan ko naman isa-isahin. “Parang may nabasa ako tungkol d’yan, sandali lang sir at hahanapin ko,” sabi niya at saka siya tumayo para pumunta ro’n sa computer. Hindi naman na ako nakasagot dahil umalis na rin naman na siya kaya naman nagpatuloy na lang din ako sa ginagawa ko. May napili na akong tatlong kaso kaya lang ay hindi pa rin ako gano’n ka-kuntento. Hindi ko talaga matukoy kung anong kulang pero naghahanap pa ako no’ng mas karumal-dumal na kaso. Sa dami kasi ng nabasa ko tungkol sa mga kaso ng serial killers ay parang normal na sa akin ang makabasa nang gano’ng klase ng pagpatay, ‘yon nga lang ay iba-iba lang sila ng paraan at dahilan kung bakit sila nagsimulang pumatay. Kaya nga madalas ay solo lang sa isang selda ang mga serial killer, pero may iba naman na kaya nilang makihalubilo sa ibang preso at wala naman silang sinasaktan, basta ‘wag mo lang din silang gagalitin. Hindi ko tuloy alam kung tama lang ba na pagsamahin sa iisang kulungan ang lahat ng preso. Ayos naman siya sa punto na iwas kaguluhan sa loob dahil takot silang gumawa ng gulo lalo na at marami rin talagang nakulong dahil nakapatay sila. Kaya lang ay hindi rin naman maiiwasan na may magkapikunan sa loob kaya naman may iba na sugatan talaga at mas malala ay napapatay pa. Natigil lang din ako sa iniisip ko ng bumalik na ‘yong nagbabantay dito at may dala-dala pang folder. Agad naman akong napatingin sa kanya at nang makalapit siya sa pwesto ko ay inabot niya rin kaagad ‘yong folder na dala-dala niya. Agad ko namang binasa ‘yon nang makuha ko. “Base sa pagkakaalam ko ay isa raw ‘yan sa pinakasikat at pinakakilalang kaso rito sa lugar natin,” sabi niya kaya naman napatigil ako sa pagbabasa para makinig sa kanya. “Kung ano-anong kwento pa nga ang kumalat tungkol d’yan at ang sabi ng iba ay gawa-gawa lang daw ‘yan para takutin ang mga tao.” Nang dahil sa sinabi niya ay parang nagka-ideya naman ako kaagad kung anong klaseng kaso ang tinutukoy niya. Bata pa lang kasi ako no’n pero gaya ng sinasabi niya ay nagkaro’n ay usap-usapan na may isang kilalang psychopath sa pinakamalayong barangay dito. Ang tanda ko pa ay ang sabi ng matatanda ay gawa-gawa nga lang daw ‘yon at ang pinaniniwalaan nila ay aswang ang pumapatay sa mga biktima dahil ‘yong mga natatagpuan ay walang laman loob o kung ano pa. At no’ng college naman ako ay isang cannibalistic killer ‘yong pumapatay do’n sa mga biktima. At dahil sobrang tagal na rin no’ng kaso ay hindi na ‘yon naungkat pa lalo na at hindi naman nalinaw sa publiko ang nangyari dahil mas pinili ng pulisya na i-private ang tungkol sa kaso, kaya ro’n talaga nagsimula ang kung ano-anong kwento. “’Yan ba ‘yong tungkol sa isang cannibalistic serial killer na pinagkamalang aswang?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot kaya naman nakumpirma ko ang hinala. Wala rin talaga akong masyadong alam sa kaso na ‘yon, hindi ko nga maaalala ang tungkol do’n kung hindi niya lang nabanggit sa akin kaya na-intriga tuloy ako. “At dahil sa sobrang tagal na rin no’ng kaso ay kakaunti na lang din ‘yong impormasyon na mahahanap, ang nakakaalam na lang talaga ay ‘yong mga pulis at detective na nag-imbestiga ro’n sa kaso,” sabi niya pa kaya naman tumango ako. Hindi na ako nagsalita pa at sinimulan ko nang basahin ‘yong briefing no’ng kaso, at habang binabasa ko ‘yon ay parang ang daming tanong kaagad ang umiikot sa isip ko. Ngayon alam ko na kung anong kulang ang hinahanap ko kanina. Matapos kong basahin ang briefing ay muli akong humarap sa kanya at ipinakita sa kanya ‘yong folder na hawak ko. “Can I take this with me?” tanong ko sa kanya. Mukhang nag-aalangan pa siya kung ipapahiram niya sa akin. “Sige, Sir, mag-log ka na lang do’n para sa record,” sagot naman niya kaya naman napangiti ako. Akala ko ay mahihirapan pa akong kunin ang case report na ‘to. Dati kasi ay bawal maglabas ng kung anong case report kung hindi naman ongoing o related ‘yong kaso sa ini-imbestigahan. Pero mas okay ngayon na pwede na lang mag-iwan ng record para mahiram ‘yong kopya. Ibinalik ko naman muna saglit ‘yong mga case report na hindi ko na nabasa at saka ko dinala ‘yong mga napili ko kanina at ‘tong binigay niya sa akin. Plano ko sana na itong isa na lang ang dalhin kaya lang ay hindi ko pa nababasa ng buo ‘yong tungkol sa kaso kaya hindi pa rin ako sigurado. Pero masyado akong na-intriga dahil matagal na talagang usap-usapan ang tungkol dito kaya naman ngayon ko lang din mababasa ang tungkol dito. Hindi ko nga alam na may record pala kami nito rito lalo na at ginawa nilang pribado ang imbestigasyon. Matapos kong mag-iwan ng record ay umalis na rin ako kaagad at dumiretso sa taas kung nasaan sina Agent Allen. Nang makapasok ako sa loob ay abala sila sa ginagawa nila at ang dami na rin ng tambak ng papel sa harapan nila. Saglit naman silang napatingin sa akin kaya naman inabot ko sa kanila ‘yong apat na folder na dala-dala ko. “Please review on that and include on our research if you seem it fits the others,” sabi ko sa kanila at dumiretso naman ako sa pwesto ko. “’Yang isa, hindi kasama?” tanong naman ni Agent Allen ng makita ang hawak-hawak kong folder. Umiling naman ako sa kanya. “Babasahin ko muna,” sagot ko sa kanya. Hindi naman na siya nagtanong pa kaya naman nagsimula na ako sa ginagawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD