Chapter 7

1112 Words
Halos buong araw na nakaupo lang kaming tatlo kaya naman pakiramdam ko ay sumakit ang katawan ko kahit na puro pagbabasa at pagsusulat lang naman ang ginawa ko. Hindi kasi talaga ako sanay na nakaupo lang kaya naman pakiramdam ko ay naninibago ang katawan ko. Hindi ko rin alam kung anong nagtulak sa akin na ‘wag munang basahin ‘yong case report na dala-dala ko, kung kanina ay kating-kati ako na basahin ‘yon, ngayon naman ay gusto ko na mag-isa lang ako kapag binasa ko ‘yon, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na lang din hinawakan muna ‘yong file. Kaya naman ngayon na pauwi na ako, hindi na rin naman na kasi ako makapaghintay pa na basahin ‘tong tungkol sa kaso na ‘to. Kung titignan ay hindi naman talaga ‘to gano’ng naiiba sa iba pang serial killer na nakilala ko, kaya lang ay parang may kakaiba sa kaso na ‘to na gusto kong malaman. Isa sa pinakakilalang serial killer dito sa lugar namin ay si Hector Bill at hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan ang tungkol sa ginawa nitong pagpatay kaya nga ilang beses na rin na nagawang palabas ang tungkol sa ginagawa niya. No’ng una ay maraming hindi sang-ayon na ipalabas kung paano niya pinatay ang mga biktima niya pero kalaunan ay tinagkilik din ng mga tao ang palabas na ‘yon. Kaya nga palagay ko ay posible na mas makilala ang kaso na ‘to kapag nalaman ng lahat. Lalo na at naging usap-usapan naman na ‘to no’n pa lang, nakakapagtaka lang din na interesado ang mga tao na malaman ang katotohanan tungkol dito pero bakit itinago ng mga pulisya. Naiintindihan ko sa parte na baka makahadlang ang mga tao sa imbestigasyon, pero hindi ko pa rin gano’n makuha. Kaya naman para malaman ko rin kaagad kung ano ba talaga ang nangyari ay binilisan ko na ang pagmamaneho, sapat lang para hindi ako ma-aksidente. At dahil rush hour na rin ay dumaan na ako ro’n sa shortcut na dinadaanan ko kapag nagmamadali na talaga ako. Bihira lang naman akong dumaan sa shortcut na ‘to dahil kailangan ko pang umikot bago makarating sa subdivision. At dahil nagmamadali rin naman ako ay do’n na lang ako dumaan kaya naman ilang sandali lang din ay nakarating din ako kaagad. Nang makarating sa tapat ng bahay ko ay pumarada ako kaagad at saka dumiretso sa loob, mag-isa lang naman akong nakatira rito kaya naman madalas ay nagpapa-deliver na lang din ako ng pagkain dahil wala na rin naman na akong oras para magluto. Binitbit ko na rin ang lahat ng gamit ko papasok at dumiretso sa sala dahil do’n ko naisipan na mag-trabaho ngayon, pakiramdam ko kasi ay tatamarin akong magbasa kapag nando’n ako sa study room ko kaya naman mas mabuti na rito sa sala para makapanood din ako ng balita. Nasanay na rin naman na kasi akong manood ng balita kada may uuwi ako at kapag may oras ako. Binuksan ko lang din ‘yong TV at dumiretso sa kusina para tignan kung may natitira pa akong pagkain. Agad namang bumungad sa akin ‘yong pagkain na nasa mesa, mukhang nagluto pa si manang bago tuluyang umalis. Mabuti na lang kung gano’n dahil hindi ko na kailangan pang magpa-deliver. Tuwing ikatlong araw ay may naglilinis kasi rito sa bahay ko kaya naman malinis pa rin ‘to kapag umuuwi ako, hindi rin naman ako gano’n kakalat at madalas din naman akong wala sa bahay kaya naman wala masyadong mga dumi bukod sa alikabok. Madalas din akong paglutuan ni manang ng pagkain kaya naman bihira na lang din ako magpa-deliver. No’ng una ay pinigilan ko pa siya na ipagluto ako dahil hindi naman ‘yon kasama sa trabaho niya pero mapilit din naman siya kaya hinayaan ko na lang siya. Medyo malamig na rin ‘yong mga ulam kaya naman ininit ko muna. Kakain na talaga muna ako bago mag-trabaho dahil kanina pa rin ako nagugutom. Hindi naman kasi ako nakakain kanina dahil masyado kaming abala sa ginagawa namin. Puro rin naman ako kape kaya naman kailangan kong lamanan muna ang sikmura ko para mas makapag-isip ako ng maayos. Matapos initin ‘yong mga ulam ay naramdaman ko na ang pagkalam ng sikmura ko, kahit na naaamoy ko pa lang ay parang ramdam na ramdam ko na kaagad ang gutom. Hindi naman na ako nagsayang pa ng oras at nagsimula nang kumain. Nang matapos akong kumain ay dumiretso na muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit at agad din naman akong bumaba para simulan na ang trabaho ko. Pwede ko namang gawin ‘to bukas kaya lang ay pakiramdam ko ay hindi rin ako makakatulog kaagad sa dahil sa pag-iisip kaya naman ngayon ko na babasahin ‘to. Hindi pa naman ako inaantok kaya naman hindi rin ako makakatulog kaagad kaya magbabasa muna ako. Mabuti na lang pala at nasanay na akong magbasa no’ng high school pa lang kaya naman hindi ako mabilis na mainip kapag sobrang daming kailangan basahin. At sa trabaho na mayro’n kami ay kailangan din naman naming magbasa nang magbasa. Nakinig lang muna ako sandali sa balita at saka ko sinimulan ang pagbabasa, nabasa ko na ang briefing kanina kaya lang ay binasa ko ulit ‘yon at saka ako dumiretso sa iba pang pahina. Kaya pala medyo makapal din ‘yong case report ay dahil marami rin palang naging witness, bukod pa ro’n ay ang dami talagang naging biktima kaya naman kalagitnaan ng report na ‘to ay puro larawan at profile na ng mga biktima niya. Hindi ko rin nabasa lahat dahil masyadong mahaba kaya naman mabilis kong ini-scan ang mga nakasulat at binabasa ko lang ‘yong mga importanteng parte. Habang nagbabasa ay ramdam ko naman ang paggalaw ng kamay ko para maglista ng kung ano-ano, hindi ko na alam kung anong sinusulat ko pero patuloy lang din ako sa pagbabasa habang nagsusulat ng mga impormasyon. Halos lahat na ata ng paraan ng pagpatay ay nabasa at nalaman ko na dahil sa mga kaso na inimbestigahan ko noon pa lang kaya lang habang binabasa ko kung paano niya pinatay ang bawat biktima ay hindi ko pa rin mapigilan na mabigla. Masyadong naging brutal ang pagpatay niya sa mga biktima. Mabuti na lang talaga at naisipan ko na kumain na muna kanina dahil kung hindi ay baka hindi na talaga ako tuluyang nakakain dahil sa mga larawan na nakalagay dito. Hindi ko rin naman maiwasan na imagine-in ‘yong mga nakalagay dito. Sobrang tagal na rin pala talaga no’ng nangyari ‘tong kaso na ‘to dahil bata pa lang ako no’n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD