Chapter 8

1231 Words
Matapos kong basahin ‘yong buong report ay na-realize ko na iba pala talaga ‘yong alam ko sa tunay na nangyari. Base kasi sa pagkakatanda ko ay bata pa lang ako no’ng marinig ko ang usap-usapan dito, ‘yon ‘yong kasagsagan na sobrang naghigpit ‘yong mga kapulisan. At talagang inimbestigahan nila ang lahat no’n para lang mahanap ‘yong tunay na killer. Pagdating ko naman ng high school hanggang college ay naging usapin pa rin ang tungkol do’n kaya lang ay may iba’t ibang version na. ‘Yon nga ay na ba ka raw aswang talaga ‘yong gumagawa no’ng mga krimen, may iba naman nagsasabi na nabaliw ‘yong killer kaya siya pumapatay, at may iba naman na nagsasabi na pinaparusahan niya ‘yong mga tao kaya naman ginawa niya ang bagay na ‘yon. Kaya lang ay sa kahit anong version na ‘yon ay wala namang totoo dahil iba ang sa nabasa ko. Nakalagay pa sa initial investigation na ‘yong killer ay identified as a psychopath at hindi naman sila nagkamali. Napag-alaman din nila na may BPD o borderline personality disorder ‘yong suspek. He was emotionally unstable because of his distorted sense of self, by a long-term pattern of unstable relationship with others and his family. Kaya rin siguro ‘yon ang nagtulak sa kanya para gawin ang mga krimen na ‘yon. At dahil pakiramdam ko ay kulang pa ang gusto kong malaman ay agad din akong nag-search tungkol sa kaso. Hindi ko alam kung may mahahanap ba akong impormasyon tungkol dito dahil hindi naman ‘to isina-publiko kaya lang ay masyado akong na-curious sa nangyari. At kagaya lang din ng inaasahan ko ay wala akong makitang maayos na impormasyon tungkol sa kaso, kung ano-anong klaseng article lang naman kasi ang lumalabas na ibang-iba naman. Kaya naman iba rin talaga ang alam ng mga tao dahil hindi na rin nabanggit sa publiko ang nangyari. Gusto ko tuloy malaman kung bakit kahit tapos na ‘yong kaso ay hindi pa rin nila ipinaalam sa lahat ang nangyari lalo na at tutok na tutok ang karamihan sa kaso. Hindi naman kasi talaga pinapaalam sa publiko ang mga nangyayaring kaso kaya lang kapag sobrang interesado ang lahat ay nagkakaro’n ng official briefing, kaya nga nagtataka ako na hindi nila ginawa ‘yon. Muli ko namang tinignan ang pangalan ng mga detective na humawak sa kaso na ‘to kaya lang ay alam ko nag-retired na sila sa serbisyo. Hindi ko rin naman na sila naabutan kaya naman hindi ko rin talaga kilala ang mga nag-imbestiga. Mas mabuti sana kung makakapagtanong ako sa kanila tungkol sa kaso. At dahil wala akong mapala sa internet ay sinubukan kong mag-search sa database kaya lang ay naka-private na ang mga impormasyon kaya naman wala rin pala akong mapapala pa. Hindi ko alam kung kayang i-hack ni Agent Lewis ang system kaya lang ay ‘wag na lang dahil baka mapahamak pa kami. Mukhang kailangan ko tuloy tanungin na lang ‘yong field agent na nagbabantay sa file storage room dahil baka may alam siya. Pakiramdam ko ay may record din do’n sa computer niya kaya naman kailangan kong subukan bukas, sana lang talaga ay may mapala ako. At dahil hindi naman na ako makakapaghanap pa ng impormasyon tungkol sa kaso ay napag-pasyahan ko na matulog na lang. Nang mapatingin ako sa wall clock ay alas-dose na rin pala ng gabi, hindi ko namalayan ang oras dahil masyado akong naging abala sa ginagawa ko. Iniligpit ko na lang muna ang mga folder at saka ako dumiretso sa kwarto ko para magpahinga na, ramdam ko na rin naman na ang sakit ng katawan lalo na ang likod ko dahil sa halos buong araw na pagkakaupo. ----- Kinabuksan ay maaga rin akong nagising, kahit na kulang sa tulog ay nasanay na rin naman na ako kaya naman hindi na rin ako nahirapan pang bumangon. Mukhang kailangan ko pang maglagay ng patch sa likuran ko dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit ng likod ko. Nang makabangon ako ay dumiretso muna ako sa kusina para kumain, sigurado naman kasi ako na hindi ako makakakain mamaya kaya naman kailangan kong mag-almusal bago umalis. Mabuti na lang pala at may tira rin akong ulam kagabi dahil marami ‘yong niluto ni manang. Ininit ko lang din ‘yong pagkain at saka ako nagsimulang mag-almusal, medyo maaga pa naman kaya hindi ko rin kailangang magmadali papasok. Nang matapos din akong kumain ay nag-asikaso na rin ako para pumasok, at kagaya ng dati ay dumaan muna ako sa coffee shop para bumili ng kape at tinapay. Kailangan ko ng makakain mamaya dahil plano ko na kumalap ng mga impormasyon ngayong araw para naman matahimik na rin ang utak ko kaiisip nang kung ano-ano. Sigurado naman ako na hindi ako makakatulog basta-basta hangga’t hindi ko nalalaman ang mga dapat kong malaman. Bago matulog kagabi ay na-send ko na rin naman kina Agent Allen at Agent Lewis ang tungkol sa kaso na ‘to kaya naman kung sakaling may alam sila ay nakakatulong ‘yon. Lalo na si Agent Lewis, pakiramdam ko ay marami siyang nalalaman dito lalo na at mahilig siyang mag-research. No’ng sabihin ko pa nga lang ‘yong tungkol sa kaso na ‘to kagabi ay grabe na ang ingay ni Agent Allen, na kahit na sa text lang kami nag-uusap ay parang naririnig ko na ang boses niya. Parang nagsisi tuloy ako no’ng oras na ‘yon na sinabi ko kaagad sa kanya ‘yong tungkol sa kaso. Ilang minuto lang din ay nakarating din naman ako kaagad kaya naman kaya mabilis kung ipinarada ang sasakyan ko at pumasok na sa loob. Mabuti na lang at wala kaming uniform na sinusunod kapag normal na araw dahil kung hindi ay magmu-mukha pa akong secretary dahil sa mga folder na dala-dala ko. Bigla naman kasi akong naubusan ng box kanina sa bahay kaya naman bitbit ko na lang sila ngayon, buti na lang din at hindi gano’n karami ‘yong dala-dala ko kaya naman hindi ako gano’n na nahirapan. Pagdating ko sa loob ay wala pa ‘yong dalawa kaya naman dumiretso muna ako sa opisina ko at saka naghanda. Habang umiinom ng kape ay naisipan ko na i-review muna ulit ang tungkol sa kaso at sa suspek hanggang sa makita ko ‘yong listahan ng mga ebidensya na nakuha. Bukod sa mga katawan ng biktima na natagpuan sa bahay ng suspek ay nakuha rin ang mga murder weapon na ginamit niya. At sa sobrang dami ng ebidensya na nakuha ay umabot pa ‘yon ng dalawang page. Nang makarating sa dulo ay napakunot naman ang noo ko dahil sa nabasa ko. Diary? Nakalagay dito na may diary silang nakuha mula sa bahay ng suspek kaya lang ay walang nakalagay kung sa biktima o sa suspek ba ‘yon. Bigla tuloy akong na-intriga dahil sa nabasa ko. At dahil maaga pa naman ay naisipan ko na dumiretso sa evidence storage room. Sana lang ay nando’n pa ‘yong mga ebidensya na nakuha nila, kaya lang ay hindi rin naman ako sigurado lalo na at mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Kapag sobrang tagal na kasi ng kaso ay nililipit na sa general evidence storage room ang mga ebidensya. Do’n nakatago ang lahat ng ebindensya sa lahat ng kaso na galing sa iba’t ibang presinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD