Chapter 9

1189 Words
Kaya naman imbes na dumiretso sa file storage room ay sa kabila muna ako pumunta. Pagpasok ko sa loob ay mabuti na lang at may nagbabantay kaya naman hindi na ako mahihirapan pa na isa-isahin ‘yong mga ebidensya na nandito. “Good morning, sir, may iiwan ka ba na ebidensya?” kaagad na bati sa akin ng police officer na nagbabantay. Umiling naman ako sa kanya at saka binaggit ang pakay ko. “Gusto ko sanang malaman kung nandito pa ‘yong mga ebidensya ro’n ssa Farm City Serial Killing Case,” banggit ko sa kanya kaya naman agad siyang humarap sa computer at ni-search ‘yong sinabi kong kaso sa kanya. “Dalawang kaso ‘yong nakalagay dito sir, anong taon ba ‘yong kailangan mo?” tanong niya pa kaya naman tumingin ako sa computer at nakita ko ang sinasabi niya. Itinuro ko naman ‘yong nasa itaas kaya agad niya ni-click ‘yon at lumabas ‘yong case report tungkol sa kaso. Bakit ba pinahirapan ko pa ang sarili ko, mukhang nandito rin pala sa evidence storage room ang lahat ng kailangan ko. Natigil lang ako sa iniisip ko ng muli siyang magsalita para sabihin na nandito pa ‘yong mga ebidensya kaya naman hindi ko maiwasan na mapangiti. Nag-presenta pa siya na samahan ako kaya lang ay tumanggi ako at sinabi kong kaya ko naman na ‘yon mag-isa. May iba akong pakay kaya naman mas mabuti kung hindi na siya susunod pa sa akin para hindi niya makita ‘yong gagawin ko. “Sige sir, bawal kasi maglabas ng mga ebidensya rito ng walang opisyal statement kung hindi ay malalagot ako,” sabi niya pa kaya naman tumango ako. Alam ko naman ang tungkol do’n kaya nga hindi ko gusto na sumunod siya sa akin. “Yeah, I know, may kailangan lang akong tignan,” sabi ko sa kanya. Hindi ko na hinintay pa na magsalita at dumiretso na ako sa loob. Kagaya sa file storage room ay nakaayos na rin naman na ang mga ebidensya rito kaya naman madaling makita, may mga label din naman kaya naman hindi na ako mahihirapan pang hanapin kung nasaan. At dahil naka-box naman na ang lahat ay may mga sticker din ang mga ‘yon ng pangalan ng kaso at taon. Ilang minuto pa akong nagtingin-tingin hanggang sa makita ko na rin ang hinahanap ko. At dahil wala namang upuan at mesa rito ay ibinaba ko na lang sa sahig ang box at saka ko isa-isang tinignan ang ag ebidensya na nakalagay do’n. Nakahiwalay ang mga murder weapon kaya naman ‘yong ibang ebidensya lang ang nandito, mabuti na lang din pala at dinala ko ‘yong listahan kaya naman hindi ako mahihirapan na tignan kung ano ‘yong mga nandito. Naka-plastic din naman ang bawat gamit kaya hindi ko na rin kailangan pang magsuot ng gloves. Ilang taon na ang nakalipas pero maayos pa rin ang mga gamit na nandito, medyo maalikabok lang. Isa-isa kong tinignan ‘yong mga ebidensya at nilabas ‘yon hanggang sa ang matira na lang ay ‘yong notebook na hinahanap ko. Ang inaasahan ko ay journal ang makikita ko kaya lang ay normal na notebook lang talaga siya, hindi rin siya gano’n kalaki at kakapal, sakto lang talaga na notebook kapag nagno-notes ka. Agad ko naman ‘yong kinuha at kagaya ng iba ay binabalot na ‘yon ng alikabok. Nang mahawakan ko ang notebook ay mas nakita ko ang pagkaluma no’n at ang iilang patak ng natuyong dugo. Gusto ko sanang buksan ‘yon para tignan kung anong laman kaya lang ay baka mahuli ako kaya naman ginawa ko ang hindi dapat. Maingat ko na tinago ang diary sa mga gamit na dala ko, sakto naman at hindi ‘yon mahirap na itago dahil hindi ‘yon gano’n kalaki at sakto lang din ang kapal. Mabuti na lang din at medyo tago ang pwesto na ‘to kaya naman hindi kita sa CCTV at no’ng bantay. Nang masigurado ko na nakatago nang mabuti ‘yong notebook ay saka ko inayos ‘yong mga ebidensya na nilabas ko at muli kong binalik ‘yong box kung saan ‘yon nakalagay. Inayos ko ang pagkakalagay ko at saka ako umalis na rin. “Tapos na akong tignan ‘yong kailangan ko, thank you,” sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at sa dala ko kaya naman hindi ko maiwasan na kabahan dahil baka mahalata niya ‘yong diary na kinuha ko. Sigurado naman ako na hindi ako mahuhuli kung hindi niya titignan ‘yong mga ebidensyapara tignan kung may kulang ba o nawawala. Mukhang hindi naman niya napansin dahil sumaludo lang siya sa akin kaya naman nagpatuloy na ako sa paglalakad. Gusto ko na sanang umakyat kaagad para mabasa ko na kung ano ang laman ng diary kaya lang ay pinigilan ko ang sarili ko at normal na naglakad dahil baka mamaya ay makahalata pa siya. Saka lang din naman ako nakahinga ng maluwag no’ng tuluyan na akong nakaakyat at nakapasok sa opisina ko. Nadaanan ko pa ‘yong meeting room at napansin ko na nando’n na si Agent Allen pero hindi ko na muna siya tinawag. Para tuloy nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ng mailabas ko ‘yong diary na tinatago ko kanina, buti na lang din at hindi gumawa ng ingay ‘yong plastic nito kanina, kung hindi ay baka nahuli pa ako at ma-suspende sa trabaho kung sakali. Bubuksan ko na sana ‘yong diary kaya lang ay biglang may kumatok sa pinto kaya naman dali-dali ko ‘yong tinago sa drawer. Sakto naman na pagkapasok ni Agent Lewis nang maitago ko ‘yong diary. Kinabahan pa ako nang para sa wala dahil tinatawag niya lang pala ako para makapagsimula na kami. Kinuha ko lang ang mga report na kailangan ko at saka sumunod sa kanila. Baka hindi ko muna sabihin sa kanila ang tungkol sa diary, mas mabuti kung ako na lang muna ang makakaalam hanggang sa mabasa ko kung ano baa ng laman no’n. Wala naman kasing nabanggit sa report kung tungkol saan ‘yong diary na nakuha nila kaya naman kailangan ko munang makasigurado. Nang makarating sa meeting room ay nakahanda na rin naman na sila kaya naman nagsimula na rin kami kaagad. Mabuti na lang pala at sinabi ko na rin sa kanila kagabi pa lang ‘yong tungkol sa kaso na nakita ko kaya naman marami rin silang nahanap na impormasyon ngayon. At kagaya ng mga alam ko no’ng una ay ‘yon lang din ang alam nila kaya naman mas nalinawan lang din kami. Ilang oras pa naming pinag-usapan ang tungkol do’n dahil maski sila ay naging interesado rin sa kaso, mas bata lang naman kasi sila ng dalawang taon kaya naman pare-parehas kaming iba ang alam. Habang naguusap-usap kami tungkol sa Farm City Serial Killing Case ay hindi ako masyadong mapakali. Mahaba pa naman ang oras kaya lang ay parang kating-kati na rin akong umuwi para naman masimulan ko nang basahin ‘yong diary, sobrang nai-intriga na kasi akong malaman kung ano ba ang laman no’n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD