Chapter 19

1239 Words
“Ayos lang ba talaga? Kung napipilitan ka lang naman ayos lang sa akin. Nagustuhan ko alng ‘tong lugar niyo dahil tahimik at ang ganda ng tanawin,” dagdag pa ni Clara na tila ba nagpapaawa sa lalaki. Pa-simple naman niyang tinignan si Ivan at napansin niya na parang naawa ito sa kanya kaya naman napangiti siya. “Ayos lang. Mas mabuti nga rin kung gano’n dahil magkakaro’n kami ng kapitbahay,” nakangiting sagot sa kanya ng lalaki kaya naman mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya dahil pakiramdam niya ay unti-unti na rin kasing nasusunod ang gusto niyang mangyari. “Talaga ba! Maraming salamat kung gano’n,” masayang sabi niya sa lalaki at saka ito niyakap. Hindi naman makagalaw sa pagkabigla si Ivan dahil ito ang unang beses na niyakap siya ng babae kaya naman hindi niya alam kung ano ang gagawin. Agad namang napansin naman ni Clara ang pagkailang ng lalaki kaya naman humiwalay din siya sa pagkakayakap. Hindi na lang niya sinabi pero napansin niya ang pamumula ng mukha nito kaya naman bahagya siyang natawa. Matapos ‘yon ay wala naman nang nagsalita pa sa kanilang dalawa. “Ivan!” nabasag lang ang katahimikan ng marinig nila ang pagtawag sa pangalan ni Ivan. Sabay silang napatingin sa pinto at do’n nila nakita ang ina ni Ivan na diretsang nakatingin sa kanila. Dali-dali namang tumayo si Ivan para puntahan ang kanyang ina habang naiwan na mag-isa si Clara. Imbes na sumunod sa dalawa ay nanatili lang siyang nakaupo sa labas dahil mukhang may pag-uusapan ang mga ito. Hindi rin naman kasi maalis sa kanya ang pagkailang sa nanay ni Ivan dahil sa paraan nito ng pagtingin. Natatakot tuloy siyang kausapin ito kaya naman balak niyang iwasan ito hangga’t maaari. Bigla tuloy siyang napaisip kung itutuloy niya pa baa ng plano niya na manirahan sa lugar na ‘to gayong takot siya sa nanay ng lalaki. Papasok na sana siya sa loob dahil nararamdaman na rin niya ang lamig ng simoy ng hangin kaya lang ay natigilan din siya. Bigla niyang naisip na baka pinag-uusapan na ng dalawa ang tungkol sa plano niya dahil do’n ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng kaba dahil baka hindi rin ito pumayag lalo na at ayaw nito ng may ibang kapitbahay. Napadasal tuloy siya sa isip-isip niya na sana ay pumayag ang nanay ni Ivan. Ilang minuto pa ang lumipas ay napansin niya ang paglabas ni Ivan, hindi niya matukoy kung mabuting balita ba ang dala nito o hindi dahil masyadong seryoso ang ekspresyon ng lalaki. Mas nakadagdag tuloy ‘yon sa kaba na nararamdaman niya kaya naman hindi siya mapakali. “H-hindi ba pwede?” nauutal na tanong niya dahil sa kaba. Hindi naman agad sumagot si Ivan kaya naman mas kinabahan siya, kung sakali kasi na hindi papayag ang ina nito ay hindi niya rin alam kung saan siya pwedeng tumuloy dahil posibleng mahanap siya ng mga tauhan ng boss niya. Bago sumagot ay bumuntong hininga muna ang lalaki kaya naman ‘yong pag-asa na pinaghahawakan ni Clara ay bigla na lang nawala ng parang bula. Agad naman siyang napayuko dahil hindi niya maisip kung saan pa siya pwedeng magtago ng hindi siya mahahanap. “Pumayag ang nanay,” wika ni Ivan kaya naman dali-daling napaangat ni tingin sa kanya si Clara. Bigla namang nagliwanag ang mukha ng babae dahil sa sinabi nito kaya naman napangiti na lang din siya. “Pumayag siya pero dapat ilang metro ang layo mo sa amin, okay lang ba sa’yo?” dagdag pa nito. “Ano ka ba, ayos lang. Ayos lang sa akin, mabuti nga at pumayag pa ang nanay mo,” masayang sagot nito. Ngunit lingid sa kaalaman ni Clara ay hindi talaga pumayag ang ina ni Ivan. Ayos lang naman sa kanya na may iba silang kapitbahay, kaya lang ay iba ang kutob niya sa babae kaya naman hindi siya pumayag, lalo na at nakita niya pa na magkayakap ang dalawa. No’ng oras na dumating si Clara ay hindi niya agad ito nagustuhan, pakiramdam niya ay may ibang balak ang babae base sa mga tingin nito kaya naman hindi panatag ang loob niya ng sabihin ng kanyang anak na tutuloy muna ang babae sa kanila. Kaya naman matapos niyang magluto no’ng oras na ‘yon ay agad din siyang umakyat sa kwarto niya at nag-isip ng paraan kung paano paaalisin ang babae. Kaya lang ay mukhang mahihirapan siyang gawin ‘yon lalo na ng malaman niya na binabalik pa nitong tumira sa lugar nila. Pagdating kasi sa mga tao ay malakas ang kutob niya, at madalas ay tama ang mga ‘yon. Kaya naman ng makita niya ang opisina na pinagta-trabahuhan dati ni Ivan ay pilit niya itong pinaalis sa trabao dahil hindi niya nagustuhan ang ibang mga empleyado. Dahil do’n ay walang ibang nagawa si Ivan kung hindi ang sumunod sa nanay niya. Malaki kasi ang takot nito sa kanyang ina, kaya naman kung ano ang gusto nito ay lagi niyang sinusunod. Pati na rin ang pagsusulat niya ay hindi gusto ng kanyang ina kaya naman patago siyang nagsusulat ng nobela. Ngayon ay tahimik na pinagmamasdan ng ina ni Ivan ang dalawa. At nang mapansin nito na ang lawak ng ngiti ni Clara ay malakas ang kutob niya na sinuway siya ng anak niya, at do’n pa lang ay alam na niya kaagad na nahuhulog na ang loob ng anak niya sa babae. At dahil do’n ay mas nakaramdam siya ng pagkainis at pagka-dis-gusto sa babae kaya naman mas lumalim ang dahilan niya para paalisin ang babae sa lugar nila. Naniniwala kasi siya sa kutob niya na hindi magagandang maganda ang dulot ng babae sa pagdating nito sa lugar nila. Sa kabilang banda naman ay paulit-ulit na nagpapasalamat si Clara kay Ivan, at sa bawat pag-ngiti ng babae ay mas lalo ring lumalawak ang ngiti sa mukha ni Ivan. Alam niya na hindi magugustuhan ng nanay niya ang ginawa niya pero sinuway niya pa rin ito. Kahit na ilang oras pa lang sila na magkakilala ay naging kampante na agad ang loob niya kay Clara. Hindi naman talaga siya nakikipag-usap basta-basta pero hindi niya alam kung bakit komportable siya na sagutin ang bawat tanong sa kanya ng babae. Naramdaman niya rin ang pagbilis ng t***k ng puso niya ng bigla siyang yakapin nito. Hindi siya agad nakagalaw no’ng mga oras na ‘yon dahil masyado siyang nabigla, isa pa ay si Clara ang kauna-unahang babae na gumawa no’n sa kanya kaya naman hindi niya alam kung yayakapin niya ba ito pabalik o ilalayo. Ngayon niya lang din naramdaman ang mga bagay na ‘yon kaya naman ng sabihin ng babae na plano nito na tumira sa lugar nila ay hindi siya nakasagot kaagad dahil sa tuwa. Masaya siya na bukod sa kanyang ina ay may ibang tao pa siyang makakausap. Gumaan din naman kasi ang loob niya sa babae ng sabihin nito na gusto niyang basahin ang mga sinusulat niyang nobela. No’ng sinubukan niya kasing ipabasa sa kanyang ina ang sinulat niya ay pinunit lang nito ang gawa niya at pinagbawalan na siyang magsulat pa. Kaya naman ngayon na may nakakaintindi na sa nararamdaman niya at sa mga ginagawa niya ay lakas loob niyang sinuway ang kanyang ina. Alam niya na mapapagalitan siya dahil sa ginawa niya pero hindi na niya inisip pa ‘yon, para sa kanya ay masaya siya na may ibang tao siyang makakausap at makakasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD