Chapter 14

1291 Words
Ang alam ko ay dapat ay nililinis nila ang lugar na ‘to, lalo na at naging crime scene pa ang bahay na ‘to. Buti sana kung ilang kilometro talaga ang layo kaya lang ay pwede pa rin talaga ‘tong mapuntahan ng mga residente na nakatira rito. Though, mukhang never naman napuntahan ang lugar na ‘to matapos ang krimen dahil sa ayo ng lugar. Kahit na halos dalawang dekada na ang nakalipas ay makikita pa rin ang mga bakas ng dugo ng biktima sa buong bahay, lalong-lalo na rito sa kusina. Ngayong nakita ko na ‘tong bahay nila ay nai-imagine ko na rin kung ano ang itsura ng buong bahay ng makita ‘to ng mga pulis. Hindi ko makita ‘yong mga actual photo ng crime scene mismo, palagay ko ay naka-private rin ang mga ‘yon kasama ang case report kaya naman hindi ma-access. Mabuti na lang at nabilin ko kanina kay Agent Lewis na subukan niyang maghanap ng mga larawan ng crime scene para mas madali rin naming makita kung ano ang nangyari sa lugar na ‘to. Wala nang laman ang ref kaya lang ay sobrang sangsang talaga ng amoy na ‘to. Malinis ang labas ng ref bukod sa binabalot na ‘to ng alikabok dahil sa katagalan at kabaliktaran naman no’n ang loob, dahil parang nabubulok na ang loob ng ref, at ang mga dugo ay parang nangingitim na rin. Hindi ko tuloy mapigilan na mapaubo ulit dahil sa amoy. Kahit na naka-mask ako ay ramdam ko pa rin ang pag-abot ng amoy sa ilong ko, kung wala akong mask ay paniguradong hindi ako makakatagal sa harap ng ref. Saglit ko pa ‘yong tinignan at saka ko na rin isinara ang ref at lumipat sa ibang bahagi ng bahay. Nilibot ko naman ang buong kusina at wala naman ng kakaiba pa ro’n, mukhang nakuha na talaga ng mga detective ang lahat, bukod sa ilang gamit pang-kusina ay wala nang iba pang makikita rito, wala na rin ang mga kutsilyo at kung ano pa. Isa-isa ko namang tinignan ang mga drawer at may mga pagkain pa ro’n na binabalot na ng sapot ng gagamba dahil sa katagalan na naimbak. Mukhang hindi na talaga nalinis ang bahay na ‘to matapos ang krimen na ‘yon. Paniguradong wala na rin naman nang titira rito kaya sana ay ni-demolish na lang nila. Matapos sa kusina ay nilibot at tinignan ko pa ang ibang bahagi ng bahay, at nang makuntento ako ay saka ako kumuha ng mga larawan. No’ng una ay wala talaga akong balak na kunan ng mga larawan ang lugar o kung ano pa, ang plano ko lang talaga ay tignan ‘to, kaya lang ay masyadong sigurista si Agent Allen. Hindi na rin naman na ako umangal pa sa plano niya kanina dahil mukhang magagamit din naman namin ‘to at mas okay na rin ‘yon para at least makikita rin ni Agent Lewis kung ano ang itsura ng lugar. Matapos kong mag-picture ay pinagpatuloy ko na ang pagsusuri sa paligid. Hindi ko na mabilang kung ilang oras na kami rito dahil napansin ko na lang na unti-unti nang lumulubog ang araw sa labas, mukhang aabutin pa kami ng gabi sa lugar na ‘to. Natagalan talaga akong tignan ang mga gamit dahil ang daming drawer dito. “Sir!” narinig kong tawag ni Agent Allen kaya naman agad akong napatingin sa may hagdan kaya lang ay hindi naman siya bumababa. “Tyrone!” tawag niya pa. At dahil mukhang importante ang sasabihin niya ay dali-dali akong umakyat kahit na hindi ko alam ang dahilan. Inisa-isa ko pang tignan ang mga kwarto dahil hindi ko siya makita hanggang sa matagpuan ko siya sa dulong kwarto. May hawak-hawak siyang papel kaya naman agad akong lumapit sa kanya. “Ano ‘yan?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Nang makalapit naman ako sa pwesto niya ay saka niya inabot sa akin ang papel na hawak niya. Kaya lang, bago ko pa man mabasa ‘yon ay nagsalita na siya. “Nabasa mo ‘yong diary?” tanong niya kaya naman agad akong tumango. “Oo, kaya lang ay hindi ko pa natatapos. Nasa kalagitnaan pa lang din ang nababasa ko,” sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman siya at muling tinuro ang papel na binigay niya sa akin kaya naman binasa ko na ‘yon, gusto ko rin kasing malaman kung ano ba ‘yong binabasa niya kanina. Nasa simula pa lang ang nababasa ko ay naging pamilyar na sa akin ang lahat kaya naman hindi ko na tinapos pa ang pagbabasa at saka tumingin sa kanya. “Saan mo nakita ‘to?” takang tanong ko sa kanya kaya naman agad niyang tinuro ang ilalim ng kutson. “Dala mo ba ‘yong diary?” balik na tanong naman niya kaya tumango ako at saka ko inilabas ‘yong diary sa bag ko. Nang makuha ‘yon ay dali-dali niyang binuklat ang bawat pahina kaya naman nanatili akong nakatingin sa ginagawa niya, hanggang sa tumigil siya sa pinakadulong bahagi. Hindi ko pa naman kasi nababasa ang dulong parte kaya naman hindi ko alam na kulang ng pahina ‘yong diary. “Mukhang dito ‘yang pahina na ‘yan,” sabi niya kaya naman tumango ako. Tinignan niya pa ang ibang parte ng diary at wala na kaming ibang nakitang may punit bukod sa bahagi na ‘yon kaya naman ibinigay ko ‘yong papel sa kanya para isingit sa parte na ‘yon. “Tignan muna natin ang buong bahay dahil baka may mahanap pa tayo,” sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Ibinalik ko na rin sa bag ko ang diary at tinulungan siya sa pagtingin sa mga kwarto, tapos ko naman nang tignan ang baba. Magdidilim na rin kasi kaya naman kailangan na rin naming magmadali, mas mahihirapan kasi kaming kumilos kapag madilim na dahil wala rin namang ilaw dito at maliit lang din ang flashlight na nadala namin kaya hindi kakayanin. Kung alam ko lang ay dapat pala mas inagahan namin ang pagpunta rito para nang sa gano’n ay mas mahaba rin ang oras namin. Hindi ko alam na aabutin din pala kami ng lang oras dito pero mabuti na lang din talaga at naisipan ko na pumunta dahil kung hindi ay saka ko pa lang din malalaman na may kulang sa diary. Pasalamat na lang talaga ako at nakita ni Agent Allen ang parte na ‘yon, kung alam ko lang din ay sana kagabi pa lang ay tinapos ko na rin ang pagbabasa sa diary. Kaya lang ay sobrang haba rin kasi ng dahil sobrang detalyo ang nakalagay, pati kung ano ang nararamdaman niya ay nakasulat din do’n. Matapos din naming tignan ang bahay ay naisipan na naming umalis dahil madilim na rin. Hindi na rin naman na namin makitang mabuti ang paligid kaya naman kung sakaling may gusto pa kaming tignan ay pwedeng balikan na lang namin ang lugar na ‘to. Nang makalabas kami ay pakiramdam ko ay ilang buwan akong nakulong sa bahay na ‘yon, ramdam na ramdam ko pa ang pagtulo ng pawis ko at ang pagdampi ng sariwang hangin sa balat ko. Kaya naman nakahinga na rin ako ng maayos ng maalis ko ang face mask na suot ko. Bukod do’n sa kulang na parte ng diary ay wala na kaming ibang nakita pa pero ayos na rin ‘yon dahil pakiramdam ko ay importante rin ang nakalagay do’n. Habang naglalakad ay ramdam ko na rin ang pagod, para tuloy may field case rin kami dahil sa ginawa namin. Bago tuluyang pumasok sa sasakyan ay humarap muna ako sa kanya. “Basahin muna natin ang diary.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD