Chapter 15

1105 Words
After impulsively stealing a huge amount of money from the company where she works, Clara Melissa is on the run. The reason for stealing the money is her father, Clarito. She stole the money from her company thinking that her father could pay off his debts and they could finally be freed from the loan sharks. Matapos niyang bayaran ang mga loan shark na pinagkaka-utangan nila ay agad din siyang nag-impake at umalis sa kanyang apartment. Sa ngayon ay hindi pa alam ng kanyang boss na nagnakaw siya ng malaking halaga kaya naman bago pa mangyari ‘yon ay umalis na siya kaagad. Wala siyang pinagsabihan kung saan siya pupunta dahil maski rin siya ay hindi niya alam kung saan siya magtatago para hindi siya mahanap ng boss niya. Kilalang brutal at makapangyarihan ang kanyang boss dahil bukod sa isa ito sa pinakamayaman sa kanilang lugar ay marami rin ‘tong koneksyon. Nag-aalala man sa kanyang pamilya ay hindi niya sinabi ang nangyari, kaya naman walang kaalam-alam ang kanyang tatay na bayad na ang kanilang utang at hindi rin nito alam na umalis ang kanyang anak para magtago. Kaya naman para hindi na madamay pa ang kanyang pamilya ay pinili na niyang magpakalayo-layo bago pa may makaalam ng lahat. Hindi siya sigurado kung gaano katagal at hanggang kailan siya makakapagtago pero isina-walang bahala na niya lamang ‘yon. After running away aggressively and accidentally turning off the main highway, Clara arrived at the small farm from unknown place. At para hindi masundan ay nagpasya siya na iwan na lang sa gilid ng highway ang kanyang sasakyan. Matapos ‘yon ay nagsimula na siyang maglakad papunta sa lugar na maski siya ay hindi alam kung saan patungo. Hanggang sa mahigit kalahating oras niyang paglalakad ay natanaw niya hindi kalayuan ang isang bahay na nasa kadulu-duluhan ng farm. Para bang may sariling isip ang kanyang mga paa dahil nagsimula na muli itong maglakad patungo sa bahay na ‘yon. At dahil dis-oras na rin ng gabi at wala na siyang ibang matutuluyan ay nagpadala na lang siya, habang naglalakad ay ramdam na rin niya ang sakit ng paa at pagod. Habang papalapit sa bahay na nakita ay napansin niya na may lalaking nagwawalis sa labas kaya naman mas binagalan niya ang paglalakad upang suriin at tignan ang lalaki. Matapos niyang suriin ang lalaki ay sunod namanniyang tinignan ang bahay nito. Sa kalayuan ay malaki na itong tignan pero hindi niya akalain na mas malaki at mataas ito kahit na dalawang palapag lamang ang bahay, kapag sa malayo kasi ay mukhang tatlo hanggang apat na palapag ang bahay. Muling nabaling ang pansin niya ng maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. At do’n niya lang napansin na kanina pa pala nakatingin sa kanya ang lalaki na nagwawalis sa labas. Ilang minuto pa siyang nakatingin do’n sa lalaki hanggang sa namalayan na lamang niya na naglalakad na ito papalapit sa kanyang pwesto. Tila napako naman ang kanyang mga paa kaya hindi siya makaatras o makalapit man lang. Hindi naman niya maiwasan na kabahan dahil pakiramdam niya ay ano mang oras ay dadating ang tauhan ng boss niya. “Sino ka? Anong kailangan mo?” sunod-sunod na tanong sa kanya ng lalaki kaya naman agad siyang napatingin dito. “Uhm…” bago pa man siya makasagot ay muli nang nagsalita ang lalaki. “Naliligaw ka ba?” tanong nito kaya naman dali-daling tumango si Clara. “Gusto mo bang tumuloy muna sa bahay namin? Masyado nang malalim ang gabi at halos isang oras pa ang layo ng motel mula rito,” paliwanag pa nito. Kung titignan ay masyadong maamo ang mukha ng lalaki kaya naman nagda-dalawang isip pa si Clara kung tatanggapin niya ang alok ng lalaki. “Kami lang ng nanay ko ang narito. Kung gusto mo sa motel ay pwede kong ituro sa’yo ang daan papunta ro’n,” dagdag pa ng lalaki ng mapansin nito na hindi sumagot si Clara. As she was exhausted from continuous running and walking, she finally accepted the offer. Sa pag-iisip na wala namang mawawala sa kanya kung sakaling tatanggapin niya ang alok ng lalaki. Sa isip-isip niya ay mukhang mabuti naman ang lalaki dahil inalok siya nitong panandaliang tumuloy sa kanila. Palagay naman niya ay malayo na ang lugar na napuntahan niya kaya naman hindi rin siya agad-agad mahahanap ng boss niya. Matapos pumayag ay sumunod na siya sa lalaki papasok sa bahay nito, at mas namangha pa siya ng makita niya ang kabuuan ng bahay. “Maupo ka muna, tatawagin ko lang ang nanay ko,” sabi ng lalaki at iniwan siya sandali upang hanapin ang ina nito. Nang maiwang mag-isa ay muli niyang sinuri ang kabuuan ng bahay at muli siyang namangha. Kung titignan ay masyadong malaki ang bahay para sa dalawang tao lang kaya naman palagay niya ay mayaman ang pamilya ng lalaki. Ilang minuto na ang nakalipas kaya lang ay hindi pa nakababalik ang lalaki kaya naman nainip na siya at nagsimulang tumayo upang mas masuri ang kabuuan ng bahay. Habang tinitignan ang buong sala ay wala siyang makitang larawan ng mag-ina kaya naman hindi niya maiwasan na magtaka. Maya-maya lang din ay napatigil siya sa pagtingin ng marinig niya ang papalapit na yabag sa pwesto niya kaya naman dali-dali siyang naupo sa sofa kung saan siya iniwan ng lalaki. Hindi pa man niya nakikita kung sino ang paparating pero parang nakaramdam siya ng kaba. Mahigpit naman niyang hinawakan ang kanyang bag ng maramdaman niya na bahagyang nanginginig ang kamay niya. Ilang sandali lang din ay naunang bumungad sa kanya ang lalaki at kasunod nito ay ‘yong matandang babae, na sa palagay niya ay ang sinasabing ina ng lalaki. Bigla naman siyang napatayo ng magtapat ang mata nilang dalawa. Kagaya ng lalaki ay maamo rin ang mukha no’ng matandang babae pero hindi niya maiwasan na kabahan kahit na wala pa man itong sinasabi at nakatingin lang ito sa kanya. “Magandang gabi po,” agad na bati niya ng makalapit sa kanya ang dalawa. Bahagya naman siyang napalunok ng muling tignan siya ng matandang babae. Napansin niya pa ang pagtingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa. “Anong pangalan mo?” agad na tanong naman sa kanya ng matanda matapos siyang tignan. Taliwas sa maamong mukha nito ang boses niya na nakakatakot at nakakakabang pakinggan. “Clara Melissa,” maikling sagot niya dahil sa kaba. Mas napahigpit tuloy ang hawak niya sa kanyang bag, gumaan lang ang pakiramdam niya ng mapansin niya na ngumiti sa kanya ang lalaki. Inabangan niya pa na magsalita ang matanda ngunit tumango lamang ito at dumiretso na kaagad sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD