Chapter 16

1198 Words
“Pagpasensyahan mo na ang nanay ko, gano’n talaga kapag tumatanda, nagsusungit,” pabirong sabi ng lalaki kaya naman kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ni Clara. Ilang minuto pa silang nag-usap ng lalaki hanggang sa unti-unti na rin siyang naging komportable. “Kaya lang ba ng mama moa ng nakatira rito?” tanong niya ng mapansin na wala siyang ibang makitang tao bukod sa kanilang tatlo, agad din namang tumango ang lalaki na nagpakilalang si Ivan. “Bakit pala wala kayong kapitbahay?” nagtatakang tanong niya pa ng maalala na nag-iisa lang ang bahay na ‘to sa lugar. “Nasa kabilang barangay ‘yong mga tao, ilang metro lang ang layo mula rito. Mas nahihirapan kasing maglakad ang nanay papunta sa palayan kaya naisipan namin na magtayo ng bahay dito. At least dito, araw-araw naming nababantayan ang mga pananim,” paliwanag naman nito. Napatango-tango naman siya sa sinabi ng lalaki. “Kung gano’n ay kayo pala ang may-ari ng buong palayan sa labas?” dagdag na tanong pa ni Clara kaya naman muling tumango si Ivan. “Kung gano’n ay ang yaman niyo pala dahil malawak ang lupain niyo,” pabirong sabi niya pa. Ilang minuto pa silang nag-usap at sa isip-isip ni Clara ay mukhang mabait naman ang lalaki, at base rin sa kwento nito ay mabait ang kanyang ina, masungit nga lang dahil tumatanda na. Napag-alaman niya rin na wala na ang ama nito ilang taon na ang nakalilipas dahil inatake sa puso. “Gusto mo bang magpalit muna ng damit?” tanong sa kanya ni Ivan kaya naman agad siyang tumango. Napansin niya kasi na puno na ng dumi ang suot niyang pantalon at nakakahiya naman kung magpapalakad-lakad siya rito ng gano’n ang ayos niya. Agad naman siyang sinamahan ni Ivan patungo sa ikalawang palapag kung saan siya panandaliang tutuloy habang nagpapalipas ng araw. Kung sa sala ay namangha na siya dahil sa linis at ganda ng pagkakaayos ng mga gamit ay mas namangha pa siya ng makaakyat sila. Nang mapatingin kasi siya sa pader ay nakita niya ang iba’t ibang painting na pamilyar sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung gaano kayaman ang pamilya ng lalaki base pa lang sa mga gamit nila sa bahay. Mahilig kasi siya sa mga painting kaya naman alam niya kaagad na mahal ang halaga ng mga ‘yon. May iba’t ibang babasaging base pa ang nakapataong sa gilid kaya naman ingat na ingat siyang maglakad habang nakasunod siya kay Ivan patungo sa kwarto na tutulugan niya. Nang makarating sa dulong kwarto ay hindi pa pala ro’n natatapos ang pagkamangha niya dahil muli siyang napa-wow sa nakita niya. Tatlo lang ang kwarto na narito pero sobrang laki ng loob kaya naman bigla niyang naalala ang apartment na tinutuluyan niya dahil halos kasing laki nito ‘yon. “Walang gumagamit ng kwarto na ‘to kaya pwedeng dito ka muna magpalipas ng gabi,” nakangiting sabi sa kanya ni Ivan kaya naman ngumiti siya pabalik dito. Matapos ‘yon ay hindi na rin naman na nagsalita pa ang lalaki at iniwan na siya mag-isa sa kwarto. Imbes na magpalit ng damit ay masayang nakangiti si Clara habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto, pakiramdam niya tuloy ay nasa loob siya ng isang mansion. Nang tignan niya ang buong kwarto ay halos kumpleto ‘yon sa lahat ng gamit.May sarili ring banyo sa loob ng kwarto kaya naman hindi na niya kailangan pang lumabas. Matapos tignan ang mga gamit ay lumapit naman siya sa kama at kaagad na naupo, nagulat pa siya ng bahagya siyang lumubog dahil sa sobrang lambot nito. Mas lumawak tuloy ang kanyang ngiti dahil sobrang nagustuhan niya ang kwarto na tutuluyan. Sa isip-isip pa niya ay parang ayaw na niyang umalis sa bahay na ‘to dahil saktong-sakto sa kanya ang ayos ng bahay at kwarto. Kaya rin kasi nagustuhan niya ang bahay na ‘to ay dahil lahat ng gusto niya sa isang bahay ay mayro’n dito, mula sa mga gamit, design, mga painting at kung ano-ano pa. Kaya naman imbes na maligo ay ninamnam niya muna ang paghiga sa kama at saka siya napaisip kung magiging ligtas ba siya kung mananatili siya ng ilang araw sa lugar na ‘to. Wala talaga sa plano niya na magtagal dito dahil baka masundan siya ng mga humahabol sa kanya. Ilang oras na rin ang nakalipas simula ng umalis siya sa kanila at palagay niya ay baka alam na ng mga tauhan ng boss niya na nawawalan ng malaking halaga ang kompanya lalo na at madalas mag-check ng accounts ang Accounting Department. Imbes na mangamba kung ano na nga ba ang nangyayari ay naglakas ng loob si Clara na buksan ang kanyang cellphone. At pagkabukas na pagbukas niya pa lang ng cellphone ay sunod-sunod na agad ang pagpasok ng mga notification. Una niyang tinignan kung sino ang mga tumawag sa kanya at bumungad sa kanya ang mahigit limampung missed call mula sa kanyang ama at ang iba ay galing sa mga ka-trabaho niya. Sunod naman niyang tinignan ang mga nag-text sa kanya at kagaya kanina ay halos sumabog ang inbox niya sa dami no’n. Nang basahin niya ang mga text messages ay halos pare-pareho lang ang laman ng mga ‘yon, ‘yon ay tinatanong at hinahanap kung nasaan siya. Agad niya ring binasa ang text message mula sa mga kaibigan niya sa trabaho at sinabi ng mga ‘to na pinaghahanap na siya ng mga tauhan ng boss nila. Kung kanina ay nawala ang kaba niya, ngayon naman ay bumalik ‘yon at parang dumoble pa dahil sa nalaman niya. Papatayin na niya sana ulit ang cellphone niya kaya lang ay muli siyang naka-receive ng text na galing mismo sa boss niya kaya naman halos manginig ang kamay niya nang tignan ‘yon. Pakiramdam niya ay nasa bingit ng panganib ang buhay niya kahit na hindi pa man siya nahahanap ng mga tauhan ng boss niya. Kaya naman matapos basahin ang text message ay dali-dali niya ring pinatay ang kanyang cellphone at saka ‘yon niligpit sa bag niya. Agad naman siyang napahawak sa dibdib niya dahil ramdam niya ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Hindi na niya sana iisipin ang nangyari ngayong araw kaya lang ay hindi na ‘yon maalis sa isipan niya ngayon lalo na at nabasa niya pa ang pagbabanta ng boss niya. Pero imbes na magpadala sa kaba at takot ay inisip na lamang ni Clara na mahihirapan siyang hanapin ng boss niya lalo na at nasa liblib na lugar ang bahay nila Ivan. At para mas gumaan ang kanyang pakiramdam ay nagpasya na siya na maligo muna. Nang buksan niya ang bag niya ay muling bumungad sa kanya ang cellphone niya dahil nasa ibabaw lang naman ‘yon, kaya naman matapos kumuha ng damit ay sinigurado niya muna na nakapatay ‘yon at saka inilagay sa pinakailalim upang hindi na niya mapansin pa ‘yon. Ngayong nasa malayong lugar na siya ay hindi niya muna inisip ang problema niya at nagpanggap na para bang walang nangyari at saka nagtungo sa banyo para maglinig ng katawan. Matapos niya ring mag-ayos ay sakto namang narinig niya ang pagkatok sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD