Chapter 11

1244 Words
Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nagbabasa. Hindi ko sana tatapusin ang pagbabasa sa diary dahil akala ko ay sinusulat niya lang talaga ang nangyari sa araw niya pero nang ituloy ko ang pagbabasa ay do’n ko nalaman na may iba pa palang dahilan. Sa unang bahagi ng diary ay tungkol lang ‘yon sa nangyari sa kanilang mag-ina. Walang nakalagay na impormasyon ng tatay niya sa case report pero palagay ko ay hindi nila kasama ang tatay niya no’ng mga panahong ‘yon dahil hindi naman niya ‘yon nababanggit bukod sa nanay niya. May mga araw na lagi silang nag-aaway ng nanay niya, nabanggit din dito na inaabuso siya kaya lang ay hindi niya rin naman magawang iwan ang nanay niya dahil matanda na ito. Kaya naman tinitiis niya lang kapag pinagsasalitaan siya nito ng kung ano-anong masasakit na salita. At matapos ‘yon ay do’n na nagsimulang mag-iba ang nilalagay niya sa diary. Kung no’ng una ay halos araw-araw siyang nagsusulat sa diary niya, ngayon ay may ilang araw na ‘tong pagitan at mas mahaba na rin ang mga sinusulat niya kumpara no’ng una. Kung titignan ay parang isang manual instructions ang mga nakasulat sa diary, pero hindi basta-bastang manual ng kung anong gamit o appliances. Dahil ang mga sunod na nakalagay na sa diary niya ay ang proseso kung paano niya pinatay ang bawat biktima niya. Habang binabasa ko ang mga ‘yon ay hindi ko mapigilan na maisip kung paano niya pinahirapan muna ang mga biktima bago niya ito tuluyang pinatay. Dali-dali ko namang kinuha ang case report para ikumpara ang mga biktima na binaggit niya rito sa diary sa nasa victims’ list. At kagaya nga ng mga nakasulat dito ay tumugma ang nakalagay din na biktima sa report. Kaya lang ay saglit din akong natigilan ng may ma-realize ako. Parang may kulang dahil nabanggit dito sa case report na may natagpuang gamit ng babae hindi kalayuan sa bahay nila. Bukod pa ro’n ay may natagpuan din na katawan ng hindi makilalang babae sa loob mismo ng bahay ng suspek. Hindi nila makilala pa ang biktima ng makita nila ito dahil halos na wala na itong balat sa buong mukha. Hindi rin naman gano’n pa ka-advance ang technology no’ng mga panahong ‘yon. Kaya naman hindi na rin nila nakilala pa ‘yong babaeng biktima. Nabanggit pa rito na sinubukan nilang ikumpara ‘yong babae sa mga na-deklarang missing kaya lang ay walang tumutugma kaya naman hindi na talaga nakilala pa ‘yong babaeng biktima hanggang sa maisara na ang kaso. Wala rin naman kasing pamilya ang naghanap do’n sa babae kaya naman gano’n na lang din ang nangyari. Kaya naman may biglang pumasok sa isip ko, hindi talaga ako sigurado kung may mapapala ba ako kung sakali na pumunta ako ro’n pero gusto ko pa rin makasigurado. Iniligpit ko na ang diary at itinabi sa mga gamit ko at saka ako naghanda ng mga gamit na kakailangan kong dalhin para bukas. Plano ko na pumunta sa Farm City kung nasaan ang bahay ng suspek. Matapos kong mag-asikaso ay kaagad kong sinabihan si Agent Allen. Nag-text lang naman ako sa kanya dahil baka mamaya ay tulog na ‘yon at makaabala pa ako pero nagulat pa ako ng bigla akong maka-receive kaagad ng reply mula sa kanya. Magre-reply pa lang sana ako para sagutin ang tanong niya kaya lang ay tumawag na kaagad siya kaya naman sinagot ko ‘yon. Hindi ko pa man naririnig ang sasabihin niya ay pakiramdam ko na magre-reklamo kaagad ang isangv ‘to. “Sir, kailangan pa ba talaga nating puntahan ‘yong bahay no’ng suspek? Saka nakatayo pa ba ‘yong bahay nila? Ang alam ko kasi ay sinunog na ‘yon ng mga residente ng mahuli ang suspek,” sabi niya kaya naman saglit akong napaisip dahil sa sinabi niya. “Kahit na. Kailangan ko pa ring makita ‘yong buong lugar para naman mas madali para sa atin na intindihin ‘yong kaso. Isa pa, sigurado ka ba na nasunog talaga ng mga residente ‘yong bahay?” sabi ko pa sa kanya. Napansin ko naman na parang natigilan siya sa tanong ko dahil hindi rin naman siya nakasagot agad. “Sabi ko nga sasama na ako sa’yo,” sagot niya matapos ang ilang segundong pananahimik. “Pero seryoso, bakit ba masyado kang na-attach sa kaso na ‘yan? Kilala kita Tyrone, kaya naman alam ko na kaagad na may hindi ka sinasabi sa amin ni Leonard,” seryosong sabi niya pa. Mabuti na lang at nasasanay na ako sa pabago-bago ng mood niya. Minsan kasi ay tatawagin niya akong sir o kaya naman ay sa pangalan ko lang. Ayos lang naman sa akin dahil matagal na kaming magkaibigan bago pa man kami maging magka-trabaho. At nakilala na lang din namin si Agent Lewis dahil sa trabaho. At dahil dahil kilalang-kilala na niya ako ay alam ko na wala na rin naman akong takas pa sa kanya. Kahit na ano pang dahilan ang sabihin ko ay siguradong-sigurado ako na hindi rin siya maniniwala, maloko lang siya pero kapag sa ganito ay malakas ang pang-kutob niya. “Nabasa mo ‘yong sa case report, right? Tinignan ko ‘yong mga evidence at nakita ko na may diary na nakalagay do’n,” hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil sumingit na siya kaya naman ngayon pa lang ay alam ko na kung ano ang nasa isip niya. “Kaya naman kinuha mo ‘yong diary kasi gusto mong makita kung ano ang laman no’n,” tuloy-tuloy na sabi niya. Hindi na siya nagtanong dahil parang siguradong-sigurado na siya sa mga sinabi niya at hindi naman siya nagkakamali dahil ‘yon naman talaga ang ginawa ko. “Yeah,” maikling sagot ko sa kanya. Sabi na at alam na niya kaagad kung ano ang nasa isip. “Hindi ko muna ipinaalam sa inyo dahil hindi pa naman ako sigurado sa laman no’n dahil baka mamaya ay ordinaryong diary lang pala ang laman no’n,” patuloy ko pa. “Pero hindi lang ‘yon ordinaryong diary, hindi ba? Kasi kung oo, hindi mo maiisipan na puntahan ‘yong crime scene, ‘yong bahay no’ng suspek,” sabi niya pa kaya naman napatango na lang ako kahit hindi niya naman ako nakikita. “Okay, masyado ka nang maraming alam, bukas ko na lang ipapaliwanag ang lahat kaya naman maghanda ka dahil malayo-layo ang magiging byahe natin,” sabi ko pa sa kanya. Wala rin naman siyang magagawa dahil kahit na ayaw niya ay kailangan niyang sumama. Kaya nga minsan ay ginagamit ko ang pagiging boss ko sa kanila kaya naman sinusunod niya pa rin ang sinasabi ko. Palagay ko nga kung hindi naging filed agent si Aki ay baka naging detective siya dahil isa rin ‘yon sa mga gusto niyang trabaho. Nasa dugo na niya talaga ang pagiging public officer kaya naman malakas talaga ang pakiramdam niya. Kabuuan ay ayos naman siya ‘yon nga lang ay napakadaldal niya para sa isang lalaki, kagaya na lang ngayon na ibababa ko na sana ang tawag kaya lang ay ang dami niya pang sinasabi. Hindi ko na rin naman na masabayan ang mga sinasabi niya kaya naman umo-oo na lang ako kahit na hindi ko siya naintindihan. Mabuti na lang din at mukhang nakaramdam siya ng pagod dahil siya na rin ang unang nagpaalam kaya naman ibinaba ko na rin ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD