Shaynne's POV Nang makalabas ako sa restaurant ay agad akong naghanap ng masasandalan. Nag-uunahan ang mga luha ko na lumalandas sa pisngi ko. Why the hell am I crying? Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong pangunahan ako ng emosyon ko. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko nang buksan ni Lance ang usaping iyon. Hindi ko alam kung dahil ba sa kilala ko si Lance kaya mabilis akong mawala sa kontrol ko. Kung ang iba naman kasi ang kausap ko tungkol sa nangyari noon ay hindi naman ganito ang reaksyon ko. Marahan kong sinampal ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang natuyo na luha rito. Huminga ako ng malalim upang i-kalma ang sarili. Wala akong oras para umiyak ngayon dahil may mahalaga akong misyon na kinakaharap. At hindi si Lance ang magiging rason para pumalpak ako. N

