Lance's POV "Mom, I'm busy," daing ko habang nagmamaneho papunta ng headquarters. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi, dahil sa sinabi sa ko direktor noon ay naniniwala silang ang grupo nila Shy ang responsable sa nangyari sa mag-asawang Alonzo, ni Miranda Luzon, Jessica Sales at Nicholai Martinez. Buong gabi akong binabagabag ng diwa ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang susunod na gagawin ko. Ngayon ay ipinatawag kaming lahat ng direktor upang pagplanuhan ang susunod na kilos namin ngayong may impormasyon na kami tungkol sa kabilang grupo. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni mom ha ang naririnig sa kabilang linya ang ingay ng staff. Nasa isang shooting kasi si mom and she wants me to buy her a lunch. "Come on, Lance. Malapit lang naman iyon sa shooting place na namin, and also

