Shaynne's POV Sinalubong kami ng iba't-ibang kulay nang nakakasilaw na ilaw at malakas na musika. Pagkapasok pa lang ay naamoy ko na agad ang amoy ng alak at usok ng sigarilyo. I look around the place ng may maalala ako. Entering this place reminds me of that place. Kung hindi ako sumama no'n ay baka may nagawa pa ako sa araw na iyon. If only I insisted on staying at home, baka mabago ang kapalaran namin. I froze on my spot, anxiety started to creep me up. Hindi ako makagalaw, parang umiikot ang paningin ko habang pinagmamasdan ang bawat tao roon. Tila nabibingi ako sa ingay ng musika, tawanan at sigawan nila. Naramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa akin kaya naman agad akong natauhan. Napalingon ako sa taong iyon at nakita si Aqua na nag-aalala at nagtataka na nakatingin sa akin.

