Third Person's POV Walang malay nang dinala ni Franco ang tatlong babae sa house villa kung saan niya dinala ang kaniyang mga biktima. Dito niya inaalok ang mga biktima upang gawin ang gusto niya. Madalas niyang alukin ang kaniyang mga biktima na makipagtalik sa ibang tao habang kinukuhanan ng video. Kung hindi man pumayag ang mga ito ay madalas niya pinapainom ng droga, tinakot o pinapatay niya ito. Ilang oras din ang kanilang biyahe upang marating ang villa. Naka-locate ito sa lugar na malayo sa syudad kung saan walang dumadaan na kung sino. Nilingon ni Franco Si Red na mahimbing na natutulog sa likod ng sasakyan. Simula ng makita niya ang dalaga sa bar na sumasayaw kasama ang nga kaibigan nito ay hindi na niya maalis ang tingin dito. May kung ano'ng taglay ang dalaga sa kaniya na hin

