Shaynne's POV "Ate, I'm so sorry," paghingi ng tawad ni Violet. Hindi ko na mabilang kung ilang sorry na ang narinig ko mula sa kaniya. Simula ng makauwi kami ay agad siyang lumapit sa akin para humingi ng tawad kesyo naging pabaya siya at nilagay kami sa delikadong sitwasyon. Kahit ako rin naman ay hindi inaasahang ganoon ang gagawin ni Franco. Pero isa sa mga ipinagtataka namin ay walang maalala sin Violet at Aqua sa nangyari kagabi. Kung hindi pa nila nakitang gulo kagabi ay hindi hindi nila maintindihan ang nangyari. "I swear! They put something on the drinks talaga, I can skmehow recall the mission but I can't recall how we ended up in the villa," muling paliwanag ni Violet. "Ilang beses ka bang hihingi ng tawad? Nakakairita na boses mo," anas naman ni White at isinuot ang he

