Shaynne's POV Noong bata pa ako ay pinaka hindi ko gusto ang mga bully. Kasi aware sila sa lakas na taglay nila, alam nilang may kakayahan sila. Pero mas pinili nilang gamitin ito para manakit, manakot ng mga taong alam nilang walang kalaban-laban. Pero ngayon, wala akong pinagkaiba sa kanila. Lahat ng pinag-aralan at ensayong ginawa ko sa loob ng 10 taon ay ginamit ko laban sa taong tulad ng nasa likod ng dalawang lalaking ito. Walang kalaban-laban sa presensya ko, at ang takot na nararamdaman niya ay nararamdaman ko. Hindi ito nakakabagabag ng konsensiya sa halip ay natutuwa ang ako sa nararamdaman niya. Ganito rin kaya ang ibang bully? May rason din ba sila para gawin ang mga bagay na ginawa nila? "Nice too see you again, Attorney," bati ko rito. Nakita ko naman ang gulat sa mga mata

