Shaynne's POV Bumungad sa amin ang sina Violet na pinagtutulungan ang isang lalaki. Mas malaki ang katawan nito kaysa sa naunang 2 sa baba. Tinatali naman nina Aqua ang dalawa habang pinipigilan ni Tatay Lime ang isa. Napalingon naman sila sa gawi namin ng makita kami. "Finally! We kinda need an extra helping hands here. May mga makukulit na estudyante kami rito," wika ni Aqua habang mahigpit na hinawakan ang kamay ng malaking lalaki sa likod nito. Si Violet naman ang naka-angkas sa likod nito at sinasakal ang lalaki. Nagpumiglas ito sa hawak nila at biglang umatras sa pader dahilan para napaatras din si Aqua at naipit ito. Napaubo naman si Aqua dahil sa impact nang pagkakaipit niya sa pader. "Oh my gosh, this is bad news," saad ni Violet ng biglang hinawakan ng lalaki ang kamay nito

