Lance's POV Dala-dala ang isang bouquet ng bulalak ay tinahak ko ang daan papunta sa bahay nina Shaynne. Gusto ko siyang surpresahin sa pag-uwi. Ilang taon din kaming hindi nagkita. Malaki ang ngiting nakapaskil sa aking labi habang hindi ko mapigilan ang nararamdamang galak sa isipang muli kaming magkikita. Excited akong kumatok sa pinto ng bahay nila habang pasimpleng inaayos ang suot na polo. Hindi naman ako nabigo dahil agad na bumukas ang pinto at lumabas si Shy mula ro'n. Mas lumapad ang ngiti ko ng makita ko nang personal. Hindi pa rin siya nagbabago, maganda pa rin siya tulad noon. Mahaba ang kaniyang buhok at simple at natural ang gandang taglay niya. Hindi ko napigilan ang sarili at agad na niyakap siya. "I miss you!" bulong ko sa kaniya at hinigpitan ang yakap. Ilang segu

