Lance's POV Kinabukasan ng araw na iyon ay pinatawag kami ng dirketor. Siya na kasi ang incharge ng kasong ito kaya mas malaki ang kapangyarihan niya kaysa sa Chief namin. Agad akong kumilos para pumunta sa office at nang malaman kung ano ang nangyari. Mabuti nalang at walang traffic sa daan kaya mabilis kong narating ang head quarters. Sinalubong ko naman sina Karylle at Anton na kararating lang din tulad ko. Lumapit agad ako sa kanila at nagtanong. "Ano ang nangyari?" tanong ko. Nagkibit-balikat lamang si Anton. Nilingon naman ako ni Karylle at siya na ang sumagot. "Ang alam ko ay may nawawala raw," wika niya. Napakunot naman ang noo ko dahil do'n at nagtaka kung ano ang nawawala. Nang makapasok kami sa loob ay nakita namin kung gaano ka busy ang lahat. Pinagmasdan ko ang paligid a

