Chapter 12

2075 Words
Shaynne's POV "Ha! Ha! Ha!" hiyaw ko sa bawat galaw na ginagawa. Hindi ko alam kung anong oras na, hindi kasi ako makatulog. It's always been like this ever since that day. That memory keeps on repeating itself inside of my head at wala akong magawa para pigilan iyon. Dinala ako ng paa ko rito sa gym at piniling mag-ensayo na lang. Pinapagod ang sarili at binabaling dito ang isipan ko para hindi ko na maisip ang bagay na iyon. Sa kalagitnaan ng pag-eensayo ko ay biglang may nagsalita. "You should be resting on your bed not exhausting yourself in the middle of the night." Nahinto naman ako sa pagsuntok sa punching bag at nilingon ang nagsalita, si Balck. Unlike kanina ay nakasuot na ito ng pambahay na damit, isang simpleng gray shirt at sweatpants. Hindi ko siya sinagot at lumapit na lang sa pinakamalapit na upuan kung saan naroon ang tubig ko. I might be part of this mission but I'm never gonna be part of this group. Sumali ako dahil nangako si Professor na tutulungan niya akong hanapin ang lahat ng sangkot sa pagkamatay ng magulang at kapatid ko. But that doesn't mean I trust all of them, after all, lahat sila rito ay kriminal. Hindi ko alam kung bakit naisipan ng lalaking iyon na gumawa ng grupo na puno ng mga kriminal. How can he bear siding with them? Hindi ba siya natatakot na baka habang natutulog siya ay baka traydorin o ang mas malala pa ay paslangin siya ng isa sa mga ito? "You should hit the vital spot, hindi lahat ng makakalaban mo ay magkakapareho ang lakas. You might encounter an enemy which much more stronger that you think and if you fight like that? You're a dead meat," wika niya habang nakangisi ng kaunti. Nanatili pa ring nakatikom ang bibig ko habang nakatingin lang sa kaniya ng walang emosyon. Sino ba siya para pangaralan ako? Naparolyo na lamang ang mata ko at naisipang iligpit na lang ang gamit ko. Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinila sa braso at itinapat ang siko niya sa mukha. Awtomatiko naman akong napahawak sa siko niya para hindi ako matamaan. Aba! Naghahamon ba ng away ang isang 'to? Hindi porket siya ang pinakamalakas dito ay hindi ko na siya papatulan. Inis ko siyang tiningnan pero nakangisi lang ito sa akin. Ano'ng nginingiti-ngiti nito? "Good night," ani nito at kumindat sa akin bago ako binitawan. How dare he touch me with that filthy hands of him. Padabog akong pumihit patalikod at umalis na. Kinabukasan ay nagkaroon na naman kami ng klase. Tungkol sa mga bagay na gagawin namin kung sakaling may hindi inaasahang pangyayari sa kalagitnaan ng misyon. Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa propesor habang nagpapaliwanag ito sa amin. Masasabi mong matalino ito at metikuloso sa pagpaplano. Maalam din si Prof Gray sa medisina tinuruan niya kami ng first aid at mga dapat gawin kung sakaling nagkasugat or na-injured ang isa sa amin. Sa mga sumunod na araw ay nag-aral kaming gumamit ng armas. Nagtungo kaming lahat sa shooting range para mag-aral bumaril. No'ng una ay natakot ako pero mas nangingibabaw ang inis ko. Buong araw na niya akong tinititigan, mula sa klase kanina hanggang ngayon. "Can you stop staring?" inis na wika ko habang pilit na tinatarget ang coy sa harap. Malayo ito kaya nahihirapan akong matamaan. "It's good to hear that you can talk. Akala ko talaga ay pipi ka," natatawang wika nito. Nilingon ko namana siya at binigyan ng matalim na tingin. Nakakawala tuloy ng ganang mag-training dahil sa asungot na 'to. "Shut up," mariing wika ko at padabog na inayos ang mga gamit sa mesa. Aalis na sana ako nang biglang may umakbay sa akin dahilan para mapasama ako sa kanila kahit ano'ng piglas ko. "Newbie! Ang tahimik mo naman yata, napaka-loner mo rito," nakangising saad ni Aqua habang nakaakbay pa rin sa akin. "May naisip ka na bang kulay?" tanong naman ni White sa akin. Teka ka nga, bakit ba sila nandito? Hindi ba dapat ay nag-e-ensayo sila sa puwesto nila? "May naisip akong gagawin para matulungan natin siyang makaisip ng kulay," wika naman ni Teal. Labag man sa loob ay napilit nila akong sumama sa kanila. Huminto kami sa gitna ng field. Nakaakbay pa rin si Aqua sa akin kaya naman hindi maalis-alis ang lukot sa mukha ko. Mga bulag ba sila at hindi nila makita kung gaano ako ka-hindi kumportable sa presensya nila? "Let's have a fight!" wika ni Teal habang hinila si Black papunta sa gitna. "Si Black versus ang newbie, diyan natin pagbabasehan ang kulay na babagay sa iyo." Mas lalong napakunot ang noo ko sa dahil sa pinagsasabi nila. Anong koneksiyon ng away namin sa kulay na magiging pangalan ko. Napailing na lang ako at naisipang umalis na lang. Agad nila akong pinigilan kaya naman mabilis kong binawi ang kamay ko at padabog na hinarap ang pumigil sa akin. Syempre, ang papansin na Black! "Huwag mo kong hahawakan!" banta ko. Tumalikod akong muli para sana umalis na pero pinigilan niya na naman ako. Hinila niya hawak kong bag na may laman ng mga armas na pinag-aaralan kong gamitin at ibinigay ito sa isa sa kasamahan niya. Inis akong napatingin sa kanila. Ano bang problema nila!? Muli akong hinila ni Black kaya naman ginawa ko ang depensa na pinag-aralan namin kung sakaling mahuli kami. Hinawakan ko ang pala-pulsuhan niya at umikot, sisipain ko na sana ang tuhod niya ng bigla niyang hinila ang kamay niya na hawak ko. At dahil mahigpit ang pagkakahawak ko rito ay pati ako nahila. Nabunggo ang likod ko sa katawan niya at agad niyang ipinulupot ang isang kamay sa leeg ko. Hindi ito gano'n kahigpit pero nahihirapan akong kumawala mula sa pagkakahawak niya. Naramdaman ko na lang na tila unti-unti niyang hinihigpitan ang braso niya sa leeg ko. "Hoy, Black. Tama na," rinig kong awat ng isa sa mga kasamahan niya. Pero ang kupal na ito ang hindi nakinig, mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin kaya naman napahawak na lang sa braso niya habang pilit na tinatanggal ito. Papatayin niya ba talaga ako? Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa kanang tainga ko at bumulong, "Iyon lang ba ang kaya mong gawin? I thought your different but what can I expect from a woman's strength?" may panunuyang saad niya. Napakagat ako sa sarili kong labi dahil naiinis ako sa sinabi niya. Pinagtatawanan niya ba ako? Humugot ako nang lakas at siniko siya sa tagilitan niya. Tila naman nagulat siya sa atake kong iyon kaya naman lumuwag ang pagkakasakal niya sa akin. Kinuha ko iyong pagkakataon para makawala sa hawak niya at agad na sinipa ang tuhod niya. Susuntukin ko na sana siya pero agad niyang nahuli ang mga kamay ko at malakas akong itinulak sa kaya nadapa ako sa buhangin. Lalapit sana ang mga kasamahan namin para sana tulungan ako pero hindi ko ito pinansin at tumayong mag-isa. Pinagpag ko ang buhangin sa mukha at t-shirt ko habang inis na nakatingin kay Black. Aaminin kong mas magaling siya sa akin pero hindi ko hahayaang insultuhin niya ako nang ganito. Tumayo ako ng tuwid, hindi inalintana ang galos na natamo ko. Nakita ko ang pagngisi niya. "Alam mo, mangha ako sa tapang mo. You never backed down and always do your best in everything, I like your fighting spirit," komento niya habang hindi pa rin maalis-alis ang ngisi nito. Bakit ba nakakapikon ang ngisi niya? Gusto ko itong burahin sa pagmumukha niya. Hindi ko nalang siya sinagot at agad na sumugod. Suntok dito, iwas doon, kahit natatamaan ako nang ibang atake niya ay nagagawa ko pa rin itong indahin at muling umatake. Siniko ko siya sa ribs niya pero agad niya naman akong nasipa sa tuhod. Pareho kaming natumba pero hindi ko hinayaang madaganan niya ako kaya naman mabilis akong umikot at agad na hinuli ang kamay niya at kinulong ito sa pagitan ng paa ko. Gumulong siya dahilan nang pagkabitaw ko sa kamay niya at agad akong sinipa sa tiyan. Natumba naman ako sa mesa kung nasaan ang mga armas nakalagay. Narinig ko pa ang pagpapatigil nang mga kasamahan namin sa kaniya. Kung titingnan mo ay parang seryoso talaga siya sa pakikipaglaban sa akin pero kahit na gano'n ay ramdam kong nag-pipigil pa rin siya ng lakas sa bawat atake niya. Well, isa 'yan sa pagkakamali niya. Napalingon ako sa kamay ko ng may maramdaman akong bagay rito. Palihim ko itong kinuha at itinago sa likod ko. Aatake nasa siya pero agad akong gumulong at sinipa siya sa likod. Pagharap niya niya ay bumungad sa kaniya ang baril na hawak-hawak ko. "Stop messing with me or else dadanak ang dugo rito," banta ko sa kaniya. "I've already had enough of you. Hindi ako magdadalwang-isip na barilin ka," dagdag ko. Napuno na kasi ako sa bawat pang-iinsulto niya sa akin. Hindi porket babae ako ay wala na akong kakayahang makipaglaban sa mga lalaki. I can prove that even a girl can beat a guy terribly. Natahimik naman ang paligid dahil sa inakto kong iyon. Wala ni isa sa kanila ang gumalaw, kasama na roon ang lalaking nasa harap ko. Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa sumilay ang ngiti sa labi niya. "Tama na 'yan!" awat ni Lime, ang pinakamatanda sa rito. "Kapag nalaman 'to ni propesor ay tiyak na malalagot tayo." Para namang natauhan ang iba at agad na lumapit sa amin at inagaw ang hawak kong baril saka inilayo ako kay Black. Inalalayan naman si Black ng iba na makatayo. Unti-unti ko ring naramdaman ang sakit ng katawan ko at ang mga sugat na natamo ko. Ito 'yong adrenaline rush na naramdaman ko kanina kaya hindi ko masyadong maramdaman ang mga natamo ko sugat, pasa at galos. Agad naman akong inalalayan nina Aqua na makabalik sa bahay at tinulungan akong gamutin ang sugat ko. I remained silent after that, hindi na ako umangal pa. Nang matapos nang gamutin ang sugat ko ay tinulungan ko na lang si Aqua na iligpit ang first aid kit. Nararamdaman ko ang kirot sa tiyan, sa tingin ko ay nagkapasa ako rito dahil kanina. Masakit din ang ibang parte ng katawan ko at may mga galos at sugat na natamo. Napaisip ako na kahit napatumba ko siya ay hindi ko pa rin siya natalo. Kung hindi ko ginamit ang baril ay malamang natalo pa rin ako sa kaniya. Kailangan kong matutong talunin siya sa pantay na laban bago ko maideklarang natalo ko siya. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay tumayo na ako at babalik na sana sa kuwarto ko. Bago pa man ako makaalis m ay narinig ko ang sinabi ni Teal nang makapasok ito sa bahay. "Si Black 'yong pinakamalakas at magaling sa atin pero sa isipang kayang makipagsabayan ng baguhan sa kaniya, napaka-intense no'n!" tila na-e-excite na komento niya at umaktong may sinusuntok sa hangin. "Kita niyo 'yong mata niya? Parang nag-aapoy at pulang-pula siya sa galit," komento naman ni White at nakipag-apir pa kay Teal. Napailing na lang ako at tinuloy na ang paglalakad. Nang marating ko ang secret door ay narinig kong nagsalita si Black. "Red..." Hindi ko alam kung bakit natigilan ako nang sinabi niya 'yon. Nagtataka kung ano ang tinutukoy niya. Humarap ako sa kaniya dahil nararamdaman kong ako ang kinakausap niya. Kunot ang noo kong tiningnan siya at hinintay ang sasabihin niya. "From now on, she will be Red," wika niya habang may ngiti sa labi. 'Yong ngiti na para bang proud siya sa akin. Mas lalong kumunot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Did they inflict that fight just to find a nickname that will suit me? Nababaliw na sila. "Bakit Red?" naguguluhan namang tanong ni Aqua. "Kasi namumula siya kanina?" tanong ni White saka ako pinasadahan ng tingin. "Siguro dahil namumula rin siya ngayon dahil sa mga pasa niya?—Aray!" daing niya ng bigla siyang siniko ni Lime. "Umayos ka," pabulong na saway niya kay White. "Bakit nga ba Red? Pwede naman sigurong Yellow? o Pink?" tanong naman ni Teal. Tanging tawa lang ang sagot ni Black dito at humakbang palapit sa akin. "She just hold a huge potential skills. She's also strong," komento niya. Nakita ko naman ang pagtango ng iba na para bang sumasang-ayon sila sa sinabi ni Black. "Black might be the strongest color but Red was an ace and a dark horse, and you..." turo niya sa akin. "Posses that power."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD