Shaynne's POV
Limang buwan na rin ang lumipas simula nang tumira ako rito. Unti-unti akong nakakapag-adjust sa paligid ko. Hindi pa rin nawawala ang mga panaginip ko, mga panaginip na nagpapaalala sa akin nang nangyari noon. Sa tulong ni Professor ay kahit papa'no ay nakakatulog na ako. Binilhan niya ako nang gamot na makatutulong sa pagtulog ko.
Maaga akong nagigising dahil sa panaginip ko, naaalala ko ang mukha nila, ang mga mata nila na kahit sa huling sandali nang buhay nila ay nanatili pa rin itong nakabukas. Pakiramdam ko ay nakatingin ito sa akin, sinusundan at minamanmanan ang bawat kilos ko.
Bumangon ako sa kama ko agad na nagbihis. Malayo itong hide out namin sa bayan kaya naman malaya kaming nakakapaglibot sa paligid. Kinuha ko iyong pagkakataon na mag-ehersisyo, nagpahinga ako sa tabi ng ilog kung saan malapit sa amin. Malinaw ang tubig at banayad ang agos nito. Kung buhay pa ako ay malamang matutuwa ang pamilya kong makapunta rito. It's peaceful and quiet.
Nagtagal pa ako ng halos isang oras roon bago ko naisipang bumalik. Habang binabaybay ang daan pabalik ay nadako ang isip ko sa plano kong paghihiganti.
No'ng gabing iyon ay may kung ano'ng pagbabangayan sila. Naalala ko pa ang sinabi nina mama na hindi nila iuurong ang kaso.
Binayaran ba sina mama at papa para maiuring ang kasong hawak nila? Anong kaso iyon?
"Akala ko ay umalis ka na..."
Napahinto ako nang may marinig akong nagsalita, nilingon ko ay may-ari ng boses na iyon. Nakahumalukipkip ito sa puno habang may naka-ipit na sigarilyo sa daliri nito. Napairap na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Wala akong time sa taong mayabang.
"I wonder why you're here? Probably it's not for the heist and assasination..." wika niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad. "Lemme guess? Is it revenge?"
Natigil ako sa paglalakad at napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman iyon? Pumihit ako paharap sa kaniya at binigyan siya nang matalim na tingin.
"It's none of your business, kaya puwede ba? Layuan mo 'ko," mariing wika ko sa kaniya.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya, humakbang ito papalapit sa puwesto ko. Huminto lang siya nang nasa tapat ko na siya. "Don't worry, everyone here joined for revenge, not only you," bulong niya.
Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy sa paglalakad at nilampasan ako. Sinundan ko siya nang tingin at nakita kong huminto ito at muling humarap sa akin.
"Ah! Don't be so up tight, loosen up a bit, everyone is excited to be close with you." Ngumiti siya matapos sabihin iyon at pumasok na sa loob ng bahay.
Ano'ng ibig niyang sabihin? Lahat nang nandito ay gusto ring maghiganti? There's no way that's possible.
Umiling ako at pumasok na sa loob. Bumungad sa akin ang masarap na amoy ng pagkain. Nagmumula ito sa kusina sa ibaba, lumapit ako roon at nakita di Aqua na nagluluto ng almusal.
"Good morning!" bati ni Aqua sa akin kahit nakatalikod siya. She has a good sense. Pinagmasdan ko siya kung paano siya kumilos. Nandito rin ba siya para maghiganti? Isa sa mga rules namin ay ang huwag ipaalam ang personal information sa kahit na sino, maski sa grupo.
Umupo ako sa upuan at hinintay siyang matapos magluto. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Tatlong buwan na ang lumipas pero ni isang araw ay hindi ako nagkaroon nang maayos na usapan sa kanila, maliban kay Black. Lagi akong kinukulit no'n at ayoko sa kaniya, mayabang siya.
Tumikhim ako at piniling paglaruan ang kubyertos na nasa mesa. "You... you're a good cook," mahinang bulong ko.
"Ano? May sinabi ka ba?" tanong niya sa akin at humarap na dala ang pagkaing niluto niya. Lumapit siya sa mesa at inilapag ang pagkain do'n.
"Wala," wika ko na lang at umayos na nang upo. Nagsidatingan naman ang iba pang kasamahan namin.
"Hala! Namamalikmata ba ako?" rinig kong kumento ni White. Nagtataka siguro kung bakit ako naroon, hindi kasi ako sumasabay sa kanila kumain kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagulat sila.
"Professor! Si Red po ba talaga 'yan?" Pagkukumpirma niya. Nagtawanan naman sila dahil do'n, natili lang akong nakayuko habang nagsasandok ng pagkain.
"Good to see you here," bulong ni Professor sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at kumain na. Matapos kumain ay nagpresinta akong maghugas ng pinagkainan. Sinabayan naman ako ni Aqua.
"Mabuti naman at sumabay ka na sa amin," wika niya habang pinupunsan ang mga binanlawang kagamitan na ginamit namin. Tiningnan ko siya at binigyan ng isang tipid na ngiti.
"Na-bored na siguro," kumento ko. Natawa naman siya roon at pabiro pa akong hinampas. Nagkuwentuhan pa kami tungkol sa mga kasamahan namin. Mas nauna kasi sila rito ng 1 buwan sa akin kaya kahit papa'no ay naging close daw sila.
"Ano kaya ang plano ni Professor? Bakit hindi pa niya sinasabi ang unang misyon?" nagtatakang tanong ko. Kahit papaano ay marunong na kami sa lahat nang bagay na gusto niyang matutunan namin. Sa tingin ko ay ready na kami para sa unang misyon.
"Hindi ko alam, sa pagkakaalam ko ay may hinihintay pa," wika niya.
May hinihintay pa? So madadagdagan pa kami? Ilan at sino? Matapos naming maghugas ay sinamahan na namin sila sa labas kung saan naglalaro sila.
Simula nang araw na iyon ay nagsimula na akong maging open sa kanila. Masaya silang kasama, kahit kami-kami lang ay nalilibang na kami. Pinapalipas lang namin ang panahon habang nagtetraining at nag-eenjoy. Mom and Dad wants me to enjoy.
Huwag kayong mag-alala ma, pa. Ipaghihiganti ko kayo nina Sandy. Pangako 'yan.
Maaga akong nagising dahil sa panaginip ko, hindi na bago iyon, nakasanayan ko na. Pero kahit papa'no ay nakakatulog na ako nang walang problema. Lumabas ako para sana magpalipas oras sa Gym ng makita ko si Aqua roon. Nakaupo siya sa habang ginagamit ang dumbbells.
Hindi ko na siya pinakialaman at dumeretso na sa Treadmill. Tila napansin niya naman ako kaya tumigil ito at lumapit sa akin.
"Ang aga mong nagising ah?" tanong niya saka humilig sa kabilang Treadmill. Sandali ko siyang pinasadahan ng tingin habang patuloy pa rin ang galaw ng mga paa ko.
"Nagising lang," sagot ko sa kaniya. Ngumisi naman siya habang nakahalumbaba sa Treadmill.
"Akala ko talaga no'ng una ay pipi ka pero alam kong hindi," sagot niya. Natawa naman ako dahil do'n. Hindi naman ako pipi, hindi lang ako nasanay na may kausap sa loob ng anim na taon sa kulungan.
"Sige, mag-exercise ka lang diyan. I'll do the talking," magiliw na saad niya. Gaya nga nang sinabi niya ay nagsalita siya, tungkol lang sa mga nakakatawang pangyayari sa buhay. At least para sa kaniya ay nakakatawa 'yon kahit na hindi ko gets ang iba. Madaldal talaga siya kaya naman hinayaan ko lang siyang magsalita.
"Alam mo bang may baby ako?"
Napahinto naman ako dahil do'n kaya ako nawalan ng balanse at natumba mula sa Treadmill.
"Hala, Red! Ayos ka lang ba? Ba't bila kang huminto habang naka-on pa rin ang Treadmill," nag-aalalang tanong niya sa akin at agad akong tinulungang tumayo. Siya na rin mismo ang pumatay ng makina at inalalayan akong umupo. Bakit ba kasi pabigla-bigla siyang magkuwento ng nakakgulat? At saka isa pa ay hindi niya dapat sinasabi sa akin 'to, it's a personal information, nakalagay iyon sa rules namin.
"Napaka-random kasi ng sinabi mo," wika ko at napadaing dahil sa natamo kung pasa sa tuhod at siko. Wala na 'atang parte ng katawan ko ang hindi nagkakapasa o nagkakasugat. Unang dahilan ay ang training namin, masyadong mahigpit si Black kaya binibigay namin ang best namin. Ngayon naman ay dahil sa disgrasiya.
"Nagulat ka ba?" natatawang tanong niya. Binigyan ko naman siya nang matalim na tingin dahilan ng pagtigil niya sa tawa niya.
"You shouldn't be telling me that, it's personal," sagot ko na lang sa kaniya matapos ang mahabang katahimikan. She pursed her lips as she took a deep sigh.
"Alam ko, pero gusto ko lang nang may mapagsasabihan." Bakas sa boses niya ang lungkot at pagka-miss sa anak niya. Gustong gusto niya na sigurong makita ang anak niya.
"Nasaan siya?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang paglingon niya sa gawi ko, marahil ay nagtataka kung bakit naging interesado ako sa usapan namin. "Iyong baby mo? Nasaan siya ngayon?"
"Obviously, nasa tatay niya. Wala akong karapatang maging nanay niya," malungkot na wika niya saka ito napayuko.
"Paano mo naman nasabi 'yon?" tanong ko.
"You know, hindi nga ako nakulong pero...hindi rin ako malinis na tao." Napatingala naman siya habang pinagmasdan ang kisame.
"Nabuntis ako ng hindi ko alam kung sino ang tatay ng baby ko. Alam mo na, pasaway ako no'n, nadala sa barkada, natutong magbisyo. Pero natigil ako roon nang malaman kong buntis ako, abot langit pa ang sermon ni Kuya sa akin no'n pero para sa akin, blessing siya..." nakangiting kuwento niya.
Makikita mo ang saya sa mata niya habang kinukuwento niya ang tungkol sa anak niya. Ang pagmamahal niya rito ay walang kapalit. Ganito rin kaya sina mama no'ng ipinanganak ako? Nakuwento sa akin ni mama noon na nahimatay raw si papa sa sobrang tuwa. Napapangiti na lang ako habang naaalala ko iyon.
"Si kuya ang tumulong sa akin habang nagbubuntis ako, pumasok siya sa illegal na trabaho para lang mabuhay kami at hayon nga, sa araw na isinilang ko ang baby ko ay siya ring araw na nakulong si kuya. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga panahon na 'yon, hindi ko maalagaan ang sarili at anak ko. Sa sobrang stress ko no'n ay bumalik ang bisyo ko, nagbenta ako ng ipinagbabawal na gamot para maka-ipon at mabuhay kaming mag-ina at matulungan si kuya. After 2 years, biglang lumitaw ang tatay ng baby ko, isa ito sa kaibagan ng barkada ko noon. Mayaman sila at nang malaman nila ang trabaho ko ay sapilitan nilang kinuha ang baby ko sa akin. Hindi raw ako karapatdapat na maging ina ng bata."
Napansin ko ang pagtulo ng isang butil ng luha sa pisngi niya na agad niya naman pinahid.
"Umiyak ako no'n pero na-realize ko na tama sila, delikado para sa bata ang uri ng trabaho ko. Kaya no'ng makalabas si kuya ay nagalit siya, masiyado raw akong pabaya. Sinubukan naming lumaban pero nalaman namin na ito pala ang bagong pamilya ng tatay namin. Mabuti na lang talaga at hindi anak ni papa ang tatay ng baby ko. Isipin mo 'yon kung gaano kalaki ang kasalanan na nagawa namin. Pero nang malaman ni papa ang tungkol sa situwasyon ay pinagbantaan niya kami na ikukulong niya kami ni kuya kung hindi kami titigil, sarili niyang anak pinagkalulo niya," mapait itong napangiti habang patuloy pa rin na pinupunasan ang mga luha niyang patuloy lang sa pag-agos.
Pati ako ay nalulungkot at naiiyak dahil sa kuwento niya.
"Pinigilan niya kaming makahanap ng trabaho kaya labis ang paghihirap namin ni kuya no'n. No'ng mga panahong iyon ay ang panahon na nakilala namin si Prof. Siya ang tumulong sa amin kaya naman kapalit no'n ay ang pagsali namin sa grupo niya," saad niya.
Napatitig naman ako sa kaniya nang sabihin niya iyon, hindi ko ito pinaniwalaan. Sa kabila ng hirap na dinanas nila ay palalagpasin lang nila iyon? Kahit 'di niya sabihin ay alam kong gusto niyang maghiganti, kitang-kita ito sa mga mata niya.
Pain can really drive a person into doing wrong things. Mga bagay na pinaniniwalaan nating masama ay nagiging tama kapag nakaranas tayo ng labis na sakit.
And this pain I'm feeling right is turning into rage at hindi ako titigil hangga't hindi ito mawawala sa puso ko. Enough of being good, time to turn bad.