Shaynne's POV
Isang taon na rin ang lumipas simula no'ng makalaya ako. Everything happened so quickly, hindi ko akalain na tatanggapin ko ang mga taong minsan ko nang binalewala.
"Prof! Isang taon na, bakit hindi pa sinisimulan ang misyon?" nagtatakang tanong ni White.
"There's still something that we need to do and where are waiting for someone," sagot niya.
Nasa labas kami ngayon at nagpapahinga. Pinagmasdan ko si Prof habang nagbabasa ito ng libro. Ilang taon na kaya siya? Sila? Isang taon na pero hindi ko pa alam ang edad nila maliban kay Lime na paniguradong pinakamatanda rito.
Kung titingnan mo ay para lang kaming mga normal na tao. Pero hindi mo aakalain na sa likod ng mga nakangiting mukha na ito ay may mga iba't-ibang paraan ng paghihiganti sa isip.
Bumalik ako sa loob para simulan ang plano ko. Habang hindi pa kami nagsisimula ay gagawa muna ako ng mga research tungkol sa pagkamatay ng pamilya ko.
I've done my research for this few months. Sinimulan ko sa kasong hawak nina mama at papa. Kaya pala madalas ang pagkikkita nila ni Mr. Mendez, 'yon pala ay si Mr. Mendez ang kliyente nila. Ginamit ko ang bakanteng pader sa kuwarto ko ay gumawa ng plano roon. Nangalap ako ng mga larawan sa magazine at newspaper.
"Rafael Ramos," usal ko sa sarili habang nakatitig sa mukha ng lalaking huling nakausap ng magulang ko. Ano'ng kinalaman mo sa pagkamatay ng pamilya ko?
May isang problema pa ako, hindi ko alam kung anong klaseng kaso ang hawak nina mama. Hindi ko alam kung sino ang kalaban nila. Ang alam ko lang ay naging biktima si Mr. Mendez.
Ano ba talaga ang dahilan kung bakit sila pinatay? Isa pang taong sangkot sa kasong hawak nina mama ay ang kapwa nila abogadong si Mr. Abarquez. Si Mr. Jemeniz naman ay ang taong huling nakausap ni Mr. Mendez bago ito pumanaw. Ang dalawang taong ito ang makakasagot sa lahat ng mga tanong ko.
"Looking for the real suspect?" Mabilis naman akong napalingon sa pinto ng kuwarto ko at nakitang nakasandal si Black rito. Agad kong tinakpan ng kurtina ang pader kung nasaan nakadikit ang mga naisagawa kong pangangalap ng impormasyon.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Natatandaan mo bang bawal tayong pumasok sa kuwarto ng isa't-isa?" inis na tanong ko sa kaniya. Imbes na lumabas ay mas pumasok pa siya at umupo sa kama ko. Tingnan mo nga ang lalaking 'to ang kapal ng mukha. Kaya hindi kami magkasundo dahil sa ugali niyang mayabang, akala mo talaga ay pagmamayari niya ang lugar. Minsan nga ay sinasagot niya ang Professor, akala mo ay alam niya ang plano.
"Ano ba? Lumabas ka nga!" Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang palapulsuan niya saka pinalit na hinihila. Hindi ito gumalaw, bigla niya akong hinila kaya naman napaupo ako sa kandungan niya.
"Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?" bulang niya sa tainga ko. Naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo ko sa batok. Ano bang problema ng lalaking 'to?
"Kasi naiinis ako sa 'yo kaya bitawan mo ko," giit ko habang nagpupumiglas sa hawak niya, bumitaw naman siya kaya agad akong tumayo at hinarap siya.
"You're hurting my feelings, Red," saad niya habang hawak ang dibdib na tila sumasakit ito. Naparolyo na lang ang mata ko dahil sa pagka-isip bata ng lalaking 'to. Parang si Lanc–
Natigil naman ako sa pag-iisip nang maalala ko ang pangalan na iyon. Paano ko ba siya naiisip sa mga panahong ganito? kinalimutan niya na ako, kaya dapat hindi ko na siya inaalala pa.
Para kaming naging multo sa isa't-isa na kahit kailan man ay hindi magkikita. Ni hindi niya man lang naisipang bumisita sa akin. May pake pa ba talaga siya sa akin?
Why would he care? Maayos na ang buhay niya sa Amerika, siyempre makakalimutan niya na ako. Ni hindi na nga siya nagpapadala ng mensahe, senyales iyon na tuluyan niya na ngang kinalimutan ang pagkakaibigan namin. Tuluyan niya nang kinalimutan ang pangako niya sa akin noon.
Hindi na siya babalik, Red. Hindi na.
"Thinking about your lover?" Ibinaling ko muli ang paningin kay Black na prenteng nakaupo sa kama ko. Bakit ba ang dami niyang tanong? Nakakainis talaga.
Ayaw ko talagang nakikita ang pagmumukha niya, hindi ko gusto kung paano siya kumilos dito. Akala moy siya ang nasusunod porket siya ang pinakamalakas. Puwes humanda diya dahil hindi ako titigil hangga't sa dumating ang araw na mapapatumba ko siya. Ang araw na masasabi kong malakas na ako.
"Puwede ba umalis ka na? Hindi ka welcome dito, isusumbong kita kay Professor," banta ko sa kanila. Hindi naman siya gumalaw at nakatitig lang sa mukha ko. Hindi ko ma asa ang iniisip ng lalaking ito, masiyado siyang malalim katulad ng pangalan niya, Black. Kung susubukin kong pasukin ang isipan niya wala kang makukuha, madilim at walang hanggan.
Maya-maya pa ay narinig ko itong tumawa bago tumayo. "Edi isumbong mo, I'll be expecting it," wika niya saka umalis sa kuwarto.
Napairap naman ako, lalabas nan pala ang dami pang sinabi. Akala mo talaga kung sino, ang harap niya talagang hambalusin. 'Yon pala ay takot siya kay Prof eh.
Lumipas ang mga araw ay napuno na ng reklamo ang bahay. Isang taon na kami rito at hindi pa kami nakakalabas sa bayan.
Kaya naman ay sa unang pagkakataon ay binigyan kami ng kalayaan na pumunta ng bayan. Hindi na naman kami wanted kaya ayos lang. Binigyan kami ng budget ni Prof para sa luho namin. Nakakapagtaka lang dahil halos hindi umaalis si prof sa bahay pero ang mga gamit niya roon ay hindi basta-basta, sa pagkain pa lang ay alam kong malaking gastos na iyon. Saan kaya siya kumukuha ng pambili at pambayad ng mga iyon?
Ngayon ko lang naalala na wala kaming alam tungkol sa taong kumupkop sa amin bukod sa pangalan niya Professor Gray. Hindi namin alam kung ilang taon na siya, may asawa ba siya, may anak o kapatid? Isa siyang malaking hiwaga para sa amin, pero nakapagtataka lang dahil wala ni isa sa amin ang nagduda sa pagkatao niya, tila pinagkakatiwalaan namin dahil sa kabila nang maliit na impormasyong alam namin tungkol sa kaniya.
"Mag-enjoy kayo," paalala niya sa amin. "Ikaw na ang bahala sa kanila, Lime," utos niya kay tatay Lime. Tinawag namin siyang tatay Lime dahil siya ang pinakamatanda sa amin. Hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit siya sumali, ang tanging alam ko lang ay dati siyang nagmimina. Nakulong siya dahil illegal daw ang pagmimina niya. Hindi ko alam ang tunay na kuwento pero alam kong may kuwento siyang tinatago, at hindi ko na pipiliting alamin iyon.
Maalaga siya at talagang kina-career ang pagiging tatay. Halatang sanay siya sa pagbabantay at pag-aalaga ng pamilya. Kaya hindi na ko magtataka kung may pamilya siyang naiwan. Hindi ko rin siya masisi dahil kung ako ang nasa posisyon niya ay mas pipiliin kong lumayo kaysa magpakita sa kanila.
Nang makarating kami sa bayan ay para kaming bata na manghang-mangha sa nakikita namin. Sa loob ng mahigit 1 taon ay maraming pinagbago sa bayan. Mas marami na ang tao rito pero hindi kasing dami sa siyudad. Ang huling kita ko rito ay wala pang masyadong establisimyento, pero ngayon ay kaliwa't kanan mo nang makikita ang mga bagong establisimyento. Kainan, boutique, convenience store at may Mall na rin.
Napapaisip tuloy ako kung ang tao ba ay nagbabago rin katulad ng pagbabago ng bayan na ito. Pero duda ako na hanggang ngayon ay mas nagiging marumi sila kaysa no'ng una. Hindi pa rin nababawasan ang bilang ng krimen na nangyayari sa bansa. Siyempre kagagawan iyon ng mga taong nasa mataas ang posisyon, hindi magkakaganito ang tao kung ginagamit nila ng tama ang kapangyarihan nila.
"Ate, puwede po ba kaming makahingi ng pera, gutom na gutom na po kami." Napatigil naman ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng boses ng bata. Napalingon ako sa may-ari ng boses na iyon at nakita ko ang dalawang batang babae na nakatingala sa akin. Pansin ko pa ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata nila.
Napatingin naman ako sa pagkain hawak ko ngayon, ito dapat ang kakainin namin mamaya pauwi. Nag-take out kasi kami ng makakain matapos naming kumain. Umupo ako para maging ka-level ko sila at hindi nagdalawang-isip na ibigay ang pagkain sa kanila. Marahan kong hinaplos ang buhok ng batang babaeng nakatago sa likod ng ate niya.
"Kumain kayo ng marami," saad ko rito at binigyan sila ng tipid na ngiti. Nakangiti naman silang tumango at masayang umalis habang hawak ang pagkain. Nakasunod lang ang paningin ko sa kanila.
"Hindi ba't para mamaya ang pagkain na iyon?"
Kahit ko lingunin ay alam ko na kung sino ang nagsalita. Naparolyo na lang ako ng mata saka pumihit pabalik sa sasakyan. Doon na lang ako maghihintay sa iba, isa pa ay ayaw kong makausap ang lalaking ito. Pero ano nga ba ang aasahan ko? Iisang sasakyan lang ang gamit namin kaya hindi na ako nagtaka ng sumunod siya sa akin.
Nakakainis naman! Hindi ba niya ma-gets na ayaw ko sa kaniya? Ba't ba patuloy niya pa rin akong binubuwisit? Hindi pa ba sapat na lagi akong natatalo sa kaniya habang nagte-training? Hindi pa ba sapat na nakikita ko siya araw-araw? Sa lahat ng kasamahan ko ay siya lang ang hindi ko nakasundo? Nayayabangan talaga ako sa kaniya.
"What did I do at ganiyan ka kainis sa akin?" tanong niya sa akin nang mahabol niya ako.
"Your presence alone is enough to irritate me, kaya puwede ba? Lumayo ka sa akin," inis na saad ko sa kaniya at pumasok na sa loob.
Kaunti na lang at iisipin kong may sira sa pag-intindi ang lalaking 'to. Alin kaya sa salitang 'Lumayo' ang hindi niya maintindihan? Pinanganak ba siya para buwisitin lang ako?
"So ano'ng dapat kong gawin?" Umupo siya sa tabi ko habang nag-iwan ng distansya sa pagitan namin. Walang gana ko siyang binalingan ng tingin.
"Stop talking to me," anas ko.
Magsasalita pa sana siya nang biglang nagsidatingan ang mga kasamahan namin.
"Red! Pagkain ba natin 'yong kinakain ng bata roon?" rinig kong tanong ni White at isa isa na silang pumasok. Wala na akong magawa ng umupo si Black sa tabi ko dahil pumasok na rin ang kasamahan namin. Hindi na siya maka-alis. Pinikit ko na lang ang mata ko at hinilig ang ulo sa bintana ng sasakyan. Ang gusto ko ang ngayon ay makauwi na.
"Nandito na ba lahat? Umuwi na tayo," ani ni Tatay Lime.