Chapter 15

1803 Words
Shaynne's POV "Nandito na ba lahat? Umuwi na tayo," ani ni Tatay Lime. Sumang-ayon namana ng lahat ka naman sinumulan na ni Tatay Lime baybayin ang daan pabalik sa bahay. Binilhan din ako ng mga bagong damit, mostly si Aqua ang pumili ng mga iyon. Mga 45 minutes ang biyahe pabalik sa hideout. Buong araw pala kaming nasa bayan kaya naman grabe ang pagod na naramdaman ko ngayon. Sa kakahilig ko sa bintana ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ako dahil sa ingay sa paligid ko. "Pinopormahan mo ba si Red, Black?" "Oo nga, pansin ko lagi kang nakadikit kay Red eh, tapos pinipikon mo pa siya." Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila, saka isa oa ay inaantok talaga ako. Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan kaya naman unti-unti kong iminulat ang mata ko nang maramdaman kong lumutang ako na tila karga-karga ako. May nakahawak din sa akin para hindi ako tuluyang mahulog. Sino ba 'to? Sinilip ko ang taong may hawak sa akin pero hindi ko ito makita ng maayos dahil nasisilaw ako sa ilaw sa kisame. Inaantok pa rin ako kaya kahit ano'ng pilit ko na gumising ay tuluyan akong nakatulog. Kinabukasan ay nagising ako ng alas otso ng umaga, ito na ang pinakamatagal na gising ko simula ng nagka-insomia ako. Nakapagtataka lang dahil mahimbing ang tulog ko. Ano kaya ang nangyari kagabi at tila mahimbing ang tulog ko? Bumangon na ako at agad na naligo, matapos mag-ayos ay lumabas na ako. Nasa classroom silang lahat at may pinagkakaabalahang tingnan. Wala si Professor at Black do'n. Lumapit ako sa kanila para makita ang pinagkakaabalahan nila. Ano na naman ay mayro'n? Bakit tila intresadong intresado sila sa nakikita nila ngayon? Makikita mo sa reaksiyon nila ang mangha at gulat. Lumapit ako sa kanila para makita ang pinagkakaabalahan nila. "Parang anak mayaman siya manamit, mayaman ba 'to?" rinig kong tanong ni Teal. "Sira, ano namang gagawin ng mayaman sa grupo natin? Baka mahilig lang sa mga second hand," usal naman ng kapatid nito. Kunot noo akong lumapit sa kanila at pumuwesto sa likod nila. "Ano'ng mayro'n?" tanong ko habang pilit na sinisilip ang nasa mesa. Tila hindi naman nila naramdaman ang pagdating ko kasi patuloy pa rin sila sa pinag-uusapan nila. "Iyong bago," wala sa sariling sagot ni Tatay Lime. "Sa tingin niyo? Bakit siya nasali sa grupo?" tanong ni White. "Kasi kung ako lang masusunod, hindi dapat siya sinali kasi tingin ko sakit siya sa ulo," dugtong pa nito. "Sino ba pinag-uusapan niyo?" tanong ko saka nakipagsiksikan sa pagitan nila upang makita ang nasa mesa. Nakita ko naman ang paglingon sa akin ni Aqua. "Red! Gising ka na pala," wika ni Aqua. Sinenyasan niya naman ako na lumapit sa kaniya kaya naman sinunod ko iyon. Tinulak niya pa si Teal paalis sa upuan nito para paupuin ako. Narinig ko pa ngang nagmamaktol ang kuya niya pero tila hindi niya narinig iyon. "Naalala mo 'yong sinabi kong may hinihintay pa bago magsimula sa unang misyon?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako ng maalala ko ang pinag-usapan namin sa kusina noon. "Siya pala 'yong hinihintay." Tinuro niya ang larawang nakalatag sa mesa. Sinundan ko ang kamay niya at lumantad sa akin ang limang litrato ng dalaga. Tila nasa senior high pa ito o nagsisimula pa lang ng kolehiyo. Nagulat naman ako dahil doon, siya ang hinihintay namin? Hindi ba't masiyado pa siyang bata para rito? Ano bang pumasok sa isip ni Professor at isasali niya ang batang ito. Ang unang larawan ay nakasuot siya ng mamahaling damit habang bumababa ng taxi. Ang pangalawa naman ay may kausap siyang tila nasa edad niya lang. Ang pangatlo ay siya pa rin at tila may kabangayan siya. Ang pang-apat ay may nakahawak sa kaniya at siya naman ay puno ng galos at sugat. Sa limang larawan na iyon ay ang panglima ang umagaw ng atensyon ko. Isa itong formal picture tulad ng picture namin sa yearbook no'ng grumaduate kami ng Senior High School. Naka-toga kasi siya at malawak ang ngiti na nakatingin sa camera. "Ilang taon na siya? She looks young," tanong ko habang sinusuri ang mga picture ng batang iyon. Habang pinagmamasdan ko ang mga larawan ay hindi ko maiwasang maalala ang kapatid ko. Kung sakaling buhay pa siya ngayon siya ngayon ay tiyak ganito na rin siya kalaki. "18 at dalawang taon na siyang nasa Rehab Center siya ngayon," sagot niya sa akin. Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko iyon. Ano'ng ginagawa niya sa Rehab? May ginawa ba siyang mali kaya siya inilagay sa Rehabilitation Center? Kaya ba gusto siyang i-recruit ni Professor? Napailing naman ako dahil sa naisip ko, kahit ano pa ang rason ni Prof ay hindi pa rin dapat masangkot ang batang 'to sa amin. Hindi ako papayag dito. Umalis ako sa loob ng silid, narinig ko pa ang tawag sa akin ng iba pero hindi ko ito pinansin at hinanap si Professor. Hindi ko talaga alam ang takbo ng utak niya at pati ang batang ito ay idinadamay niya. Nilibot ko ang bahay para makita siya pero wala siya roon. Lumabas ako at pumunta sa shooting rage pero wala pa rin. Nang pabalik na ako sa bahay ay nahagip ng mata ko ang dalawang taong nag-uusap, hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko kung sino ang kausap niya. Si Black. Tila seryoso sila sa pinag-uusapan nila. Sa totoo lang ay ito ang unang pagkakataon na nakita ko sila nag-uusap ng mag-isa. Sa loob kasi ng halos dalawang taon na magkasama kami rito ay ito ang unang beses na nakita ko silang magkasama. Ni isang beses ay hindi ko sila nakikitang magkasama o nag-usap man lang maliban na lang tuwing may klase. Ano kaya ang pinag-uusapan nila at tila napaka-importante nito para lumayo sila sa amin.Napailing naman ako, hindi ito ang tamang panahon para usisain ang paksa ng pinag-uusapan nila. Naiiling akong lumapit rito at agad na hinarap si Prof Gray. "What do you think you're doing?" walang paligoy-ligoy na tanong ko sa kaniya. Hindi ko inalintana ang presensya ni Black na nasa likod ko. "What are you talking about?" naguguluhang tanong niya. Napatawa naman ako ng sarkastiko dahil sa tanong niya. Seryoso ba siya? Matapos niyang isali ang batang iyon ay tatanungin niya ako kung ano ang pinagsasabi ko? "I won't let that kid join the group," agad na saad ko sa kaniya. Tila naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin dahil agad na nawala ang kunot sa noo niya. "That's not your decision to make," seryosong saad niya sa akin. My mouth form into 'o'. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, ibig sabihin ay seryoso talaga siya sa pagkuha sa batang 'yon. "She's still a kid—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita. "She's 18, she's not a minor anymore." Napatawa naman ako sa sinabi niyang iyon. So porket hindi minor ay hindi na bata? That girl is still on her teenage years, how can he say that? "So ano? Itatakas mo siya sa Rehab Center at pipiliting sumali rito?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Of course not, nakakalabas na siya after 2 years at do'n ko siya isasali rito," sagot niya sa akin. "Ano?! Nasisiraan ka na ba ng isip? Sa tingin mo ay papayag ang mga magulang no'n? Na gagawin mong criminal ang anak nila?" may panunuyang saad ko. Alam kong wala akong pinagkaiba sa isang kriminal, simula ng sumali ako sa grupong ito ay tanggap ko na na makakagawa ako ng kasalanan. Kahit ano pa ang rason ko sa pagsali ay hindi nito mababago na gagawa ako ng gawain ng isang kriminal. Ang sa akin lang naman ay sana walang madawit na inosente rito. Lalong-lalo na ang bata, hindi ako papayag. "She already agreed, siya ang lumapit sa akin, siya ang nagdesisyon, hindi ako," may pinalidad na saad niya. Napatigil naman ako dahil do'n. What does he mean by that? Nakausap niya na ba ang batang ito? Magkakilala ba sila? Bakit naman papayag ang batang ito na sumali sa amin? Napailing ako at pilit na winawaksi ang isipang iyon! Desidido pa rin ako na hindi siya dapat sumali sa amin. She's still young and has a bright future waiting for her. Hindi ko namalayan ang pag-alis ni Prof dahil nagulat pa rin ako ng sinabi niyang ang batang iyon ang may gustong sumali sa grupo namin.Sinubukan ko siyang habulin pero pinigilan naman ako ng isa pang taong naroon at nakikinig lang sa amin. "They don't know each other, nagkataon lang na nakausap niya si Prof. She beg for him to take her out..." Gulat akong napalingon sa likod ko nang marinig ko siyang nagsalita. Binigyan ko siya ng isang matalim na tingin. Bakit niya sinasabi sa akin 'to? Kilala niya rin ba ang batang iyon? Ano pa ang alam ng lalaking ito tungkol sa dalagang nasa larawan? Nagkibit-balikat lang siya habang ipinasok sa bulsa ng pantalon niya ang mga kamay at nagsimulang umalis sa lugar na iyon. Bumuga siya ng malalim na hininga saka huminto pero nanatiling nakatalikod sa akin. "She has her reason, just like you. Mas mabuti kung huwag mo nang pakialaman 'yon," makahulugang saad niya nang hindi lumingon sa akin. Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa bahay habang ako ay naiwang nakatulala sa kawalan. Nahihibang na 'ata ang mga tao rito. Inis akong bumalik sa loob ng bahay. Lumipas ang ilang araw na hindi ko kinakausap ang Prof, ni hindi ako sumasali sa klase at training. Tuwing gabi ay pumupuslit ako papuntang Gym upang mag-ensayo ng mag-isa. Ano kaya ang motibo nila para papasukin ang isang bata sa grupo? Sa narinig kong usapan nila noon ay mayaman ang batang iyon. Hindi kaya pera ang dahilan? Hihingan nila ng ransom ang mga magulang nito? Napailing naman ako dahil dito. Kung mayaman nga ito ay dapat wala ito sa Rehab Center ngayon. Pero paano kaya napunta sa Rehab ang batang iyon? Bigla namang lumitaw sa isip ko ang larawan niyang puno ng pasa at galos habang may nakahawak sa kaniya na parang binabantayan siya. Posibleng napa-away ito kaya siya dinala ng DSWD sa Rehab Center. Mapait akong napangiti ng may maalala ko, minsan na ring mapaaway si Sandy noon. Napatawag pa nga sila mama noon sa paaralan para pag-usapan ang ginawa ni Sandy. Kung hindi pinigilan ko ba si Sandy noon ay ganito rin ang mangyayari sa kaniya? May rason naman siya kung bakit siya napa-away. Ito ay dahil gusto niyang protektahan ang kaklase niya. Ganito rin kaya ang ginawa ng batang ito? Napa-away ba siya dahil may gusto siyang protektahan? Isa lang ang makakasagot sa mga tanong kong ito. Siya lang. Kung hindi ko man mapipigilan ang pagsali niya ay gagawin ko ang lahat para mapanatiling ligtas ang batang 'yon. Ayaw kong matulad siya sa kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD