Chapter 16

1670 Words
Shaynne's POV Matarik ang sikat ng araw kaya naman lahat kami ay naisipang magkulong na lang sa loob ng bahay. Halos wala naman kaming magawa, wala kaming training ngayon dahil rest day. Hindi naman kami makapunta ng bayan dahil sa init ng panahon. Dalawang taon na rin ang lumipas, hindi mo aakalaing nagtagal kami rito ng dalawang taon. Sa dalawang taon na iyon ay isa lang ang nagpatatag sa grupo namin. Ang pagnanais namin na maghiganti sa mga taong sumira ng buhay namin. Kaya heto ako ngayon at nakahilata sa kama ko. "Red! Buksan mo ang pinto!" Isang katok ang bumulabog nang aking mahimbing na pagpapahinga. Sinubukan ko itong deadmahin pero talagang ayaw niyang tumigil. Wala akong nagawa kung 'di inis na napabangon sa kama ko at binuksan ang pinto. Nang mabuksan ko ito ay bumungad sa akin si Aqua. Agad siyang pumasok sa loob bitbit ay isang tray na may juice at cookies. "Te-teka," natatarantang wika ko at mabilis na sinilip ang pader kung nasaan nakalatag ang plano ko. Mabuti na lang at natakpan ito ng kurtina, desidido kasi akong sundin 'yong rules na binigay sa amin. At saka isa pa ay ayaw kong ipaalam sa kanila ang pinagdaanan ko sa buhay. Ayaw ko kasing pati sila ay kamuhian ako, hindi ko naman sinasabing gano'n kababaw ang pag-iisip nila pero hindi ko lang maiwasan na matakot na pati dila ay magagalit sa akin. Mabilis siyang lumapit sa mesa habang sinisilip ako at ang pinto. "Isarado mo an ang pinto, kukunin nila 'tong meryenda na ginawa ko," utos niya sa akin matapos niyang mailagay ang tray sa ibabaw ng mesang nasa tabi ng kama ko. Napasilip naman ako sa labas at nang makita ko si White na tila may hinahanap ay agad ko itong isinara at ni-lock. Pumihit ako paharap kay Aqua na ngayon ay masaganang kumakain. Akala mo naman ay mauubusan siya sa estilo nang pagkain niya. "Alam mo bang bawal kang pumasok dito?" nakapamaywang na tanong ko sa kaniya. "Wala sa rules 'yan. Ang nasa rules ay 'yong hindi ipagsabi ang personal information mo..." Well, totoo naman ang sinabi niya. Wala sa rules ang hindi puwedeng pumasok sa kuwarto pero kahit na. Nasa mga kuwarto namin ang mga personal na bagay na tinatago namin. Tumigil siya saglit sa pagsasalita at sumipsip ng juice na dala niya kanina. "Saka isa pa ay napasok ko na lahat ng kuwarto rito at alam ko na rin kung ano'ng tinatago nila," saad niya matapos uminom. Kinuha niya ang isang baso at kumuha ng cookies at saka ibinigay sa akin. Tinanggap ko naman iyon at umupo sa tabi niya. "Hindi ba bawal 'yon?" takang tanong ko sa kaniya saka sumimsim sa juice na gawa niya. Siya lang naman kasi ang mahilig magluto sa amin kaya paniguradong siya ang may gawa ng mga ito. Aaminin kong masarap talaga siyang magluto, pasok na siyang mag-trabaho sa mga mamahalin na restaurant na nadaanan namin. Ganitong ganito rin ang mga lasa ng putahe nila. "Hindi naman kasi lahat ng sekreto nila, 'yong mga bagay lang tulad ng kung saan sila nanggaling bago sila nakapunta rito," wika niya saka inubos ang hawak na cookie. Nakangiwi naman akong napatingin sa kaniya habang kumakain ng meryendang dala niya. "Bakit ka nga ba narito?" pag-iiba ko nang usapan. Napabuga naman siya ng malalim na hininga bago inilapag ang baso sa tray. "Eh kasi gumawa ako ng meryenda para sa lahat pero 'yong mga patay-gutom na iyon, balak nilang ubusin lahat, mabuti na alng at nakapagtabi ako pero nakita nila ako at hinabol," mahabang kuwento niya bago kumuha muli ng cookies at kinain iyon. Tumango na lang ako bilang sagot upang manahimik na siya pero tila kalahi niya yata 'yong kilalang Marites sa chismisan dahil muli na naman siyang nagsalita. "Gusto mo ba malaman ang mga nalaman ko tungkol sa mga kasamahan natin?" tanong niya. Hindi pa naman ako pumayag ay nagsimula na siyang magkuwento. "Since alam mo na 'yong sa akin. Simulan natin sa kuya ko," panimula niya siya at uminom muna ng juice bago nagsimulang magsalita, "Gaya ng sabi ko noon, nakulong si kuya dahil inako niya lahat ng kasalanan ko. 4 na taon din siyang nakulong kasi na-frame up siya ng katrabaho niya noon, sabay kasi kaming nagtatrabaho sa taong hindi ko kilala pero alam kong kilala ni kuya iyon, hindi niya lang sinasabi sa akin," dugtong niya. Personal pa rin ang impormasyong ibinabahagi niya sa akin pero hindi ko maiwasang makinig. Na-curious tuloy ako sa kung bakit sila nandito. Kung ano ang dahilan kung bakit sila sumali at kung anong pinagdaanan nila para pumayag sa gusto ni Prof. "Alam mo bang takas si Tatay Lime sa kulungan?" tanong niya sa akin na tila na-e-excite pa sa ikukuwento niya. Gulat naman akong napalingon sa kaniya dahil sa nalaman ko. Si Tatay? Umiling ako bilang sagot do'n. Akala ko kasi ay lahat kami ay kakalabas lang ng kulungan o hindi kaya ay nakapagpiyansa. "At ito pang malupit, supposedly 5 years diyang makukulong pero sa ikatlong taon niya ay nakatakas na siya." "Paano?" hindi ko namalayang napatanong na pala ako dahil sa sobrang seryoso ko sa pakikinig sa kuwento niya. Nakita ko pang ngumisi siya, marahil ay inaasar na niya ako kasi pilit kong sinasabi na bawal labagin ang rules tapos ngayon ay nakikinig ako sa mga personal na kuwento nila. Pabiro ko na lang siyang hinampas sa braso at inudyok na magpatuloy. "Sabihin na lang nating gumawa siya ng manhole," nakangising saad niya. "Anyways, hindi naman kasi dapat makulong si Tatay Lime kasi marangal naman ang trabaho niya sadyang marumi lang maglaro ang amo siya. Hindi ko kilala kung sino pero ang pangit ng ugali niya," mula sa ngisi ay napalitan ng inis ang ekspresyon ng mukha niya. Kahit ako ay hindi ko matanggap na nakulong si tatay. Sa pagkatao niya pa lang ay masasabi mong marangal at mabuti siyang tao. Siguro ay katulad ng iba ay pinagkaitan din siya ng hustisiya. Tulad ko at ng pamilya ko. Napayukom naman ang kamao ko nang maalala ko kung paano namatay ang mga magulang ko at kapatid ko habang hindi nakakamit ang hustisiya na para sa kanila. "Si White naman ay aksidenteng napasok ang data-base ng isang bangko. Hayon! Nakapagnakaw siya ng pera, pero feeling ko hindi niya naman sinasadyang manakaw 'yon. Kita ko ang iyak niya no'n eh." Kuwento sa akin ni Aqua habang nasa kusina kami. "Kilala mo si White?" gulat na tanong ko. Akala ko kasi hindi namin kilala ang bawat isa rito kasi iyon ang nais ni Professor. Itago ang mga personal na impormasyon namin. "Hindi, nakita ko lang 'yong balita no'n. Hindi ko alam ang pangalan niya kasi hindi naman sinabi basta kawawa si White nang makita ko ang iyak niya sa TV no'n. Nagmamakaawa siya sa mga pulis at sinasabing wala siyang kasalanan," kibit-balikat na wika niya saka muling uminom sa juice. Namayani naman ang katahimikan sa loob ng kuwarto pagkatapos no'n. Hinihintay ko ang susunod na kuwento niya, gusto kong malaman ang kuwento ng taong natitira sa grupo pero tila wala na siyang balak magsalita pa. Napakagat ako ng ibabang labi ko habang pinag-iisipan ko kung magtatanong ba ako o hindi. Sa huli ay nanaig ang kuryusidad ko. "Si Black?" tanong ko sa kaniya. Nahinto naman siya sa pag-inom at nilingon ako. "Si Black?" balik na tanong niya, tumango naman ako bilang sagot. "Hindi ko alam ang kuwento niya eh, kung mailap ka, mas mailap siya sa kuwento ng buhay niya pero nagkakasundo naman kami sa mga bagay-bagay rito sa bahay," wika niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit nadismaya akong marinig na wala siyang alam kay Black. Hindi naman sa gusto kong malaman ang buhay niya, na-curious lang pero okay lang naman na wala akong malaman. It's not like he's important or something. "Pero ito, may nakita ako sa kuwarto ni Prof," wika niya sa akin. "Ano?" "Picture ng isang babae at siya." "May pamilya ba si Prof?" tanong ko sa kaniya. "Hmm... Feeling ko hindi naman sila kasal kasi hindi 'yon wedding photo pero sa tingin ko ay nobya niya iyon," saad niya. Pumasok naman sa isip ko ang imahe ni Prof na kung saan ay kasama niya ang mga mahal niya sa buhay. Hindi kaya ay katulad din namin siya? Tulad namin na minsan na ring pinagkaitan ng hustisiya? May ibang rason pa ba kung bakit niya kami tinipon? Hindi kaya gusto niya ring maghiganti? "Eh ikaw Red? Bakit ka nandito?" Natauhan naman ako nang muli kong narinig ang boses ni Aqua. Napalingon ako sa gawi niya at nakita siyang seryosong nakatingin sa akin. Isa lang naman ang gusto ko kaya sumali ako rito. Nang hindi ako sumagot ay muli naman siyang nagtanong. "Ano'ng sinabi ni Prof sayo para pumayag ka na sumali sa grupong ito?" tanong niya sa akin. Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Mahigit isang minuto ay nag-iwas ako ng tingin. Desidido pa rin akong itago ang kuwento at pagkatao ko katulad nang napag-usapan. "Huwag mo nang usisain ang buhay ng iba, mag-fucos ka na lang sa training para naman makalamang ka na kay Black," pag-iiba ko ng usapan. Sumimangot naman siya dahil do'n, sa aming lima maliban kay black ay siya lang ang hindi nakatatama kay Black. Magaling naman siya, sadiyang wala lang talaga siyang laban kay Black. "Tss. Ikaw nga hindi mo pa napapatumba si Black eh," bulong niya pero narinig ko pa rin. Agad ko siyang pinukol ng matalim na tingin, naiinis kasi ako kapag naiisip kong mas magaling si Black sa akin. Iigihan ko ang pag-ensayo para maging katapat niya na ako. Nakita niya naman ang reaksyion ko kaya naman agad siyang nag-peace sign at umaktong zinipper ang bibig niya. Darating din ang araw na matatalo ko ang lalaking 'yon. Tatanggalin ko ang kayabangan niya sa katawan niya at nang hindi na niya maipagmalaki na siya ang pinakamatapang sa amin. Ang importante ngayon ay naiba ko ang usapan namin ni Aqua dahil hindi na siya muling nagtanong pa at pinagpatuloy na ang pagkain ng meryenda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD