Shaynne's POV
"Hiya!" hiyaw ko habang pinagdidiskitahan ang punching bag sa harap ko. Hindi ko alam kung ilang oras na ako rito, hindi kasi makatulog, bumalik muli ang mga masasamang panaginip ko.
Naguguluhan pa rin ako sa napanaginipan ko, hindi kasi ito ang minsang napanaginipan ko. Bago ito at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no'n.
Gusto ko mang alalahanin ang nangyari sa panaginip ko ay hindi ko na ito maalala. Pero may isang bagay akong naalala sa panaginip kong iyon, hindi ko ito matanggal sa isip ko.
"Miko," wika ko sa sarili.
Sino kaya ang Miko'ng nasa panaginip ko? May kinalaman ba siya sa pagkamatay nina mama? Witness ba siya?
Sa simpleng alaala tungkol sa pamilya ko ay muling nabuhay ang nararamdaman ko noon.
Ibinuhos ko lahat nang nararamdaman ko sa punching sa harap ko. Ang sakit, lungkot, pagsisi at galit. Pati ang frustration na nararamdaman ko. Lahat ng naramdaman ko no'n ay muling bumabalik sa akin. Palatandaan na hindi ako basta-basta puwedeng sumuko.
Nagtagal pa ako ng ilang oras roon bago ako pumunta ng kusina para uminom ng kape. Lumabas ako ng bahay at doon nagpalipas ng oras, medyo madilim pa sa paligid, tantiya ko ay nasa alas 5 pa ng umaga. Ramdam mo ang lamig ng ihip hangin.
Nakatingin lang ako sa kawalan at hinayaang maglakbay ang utak ko. Ipikit ko ang mata ko habang dinaramdam ang hanging tumatama sa mukha ko. Ninanamnam ang tahimik na paligid na parang nagbibigay ng siguridad walang ano mang mangyayari sa akin dito. Pero siyempre bawat tahimik at mapayapang lugar ay may mga pasaway pa rin na gugulo rito.
"You should rest more. May hard training tayo mamaya, ipunin mo ang lakas mo."
Iminulat ko ang mga mata ko at napabuntong hininga na lang. Bakit ba ayaw akong tantanan ng lalaking ito?
"Mind your own business," matabang na wika ko sa kaniya. Akmang tatayo na sana ako ng bigla siyang umupo sa tabi ko at hinila ako para mapaupo muli. Agad ko siyang pinukol ng matalim na tingin.
"Ano ba!" inis na wika ko saka marahas na binawi ang braso ko sa kaniya. Agad akong tumayo at nagsimulang maglakad pabalik sa loob ng bahay.
"Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?" rinig kong tanong niya. Hindi ko ito sinagot at deretso lang sa paglalakad papasok.
Tila nasira na ang buong araw ko kahit kasisimula pa lang ng araw. Ewan ko ba kung bakit labis ang pagkainis ko sa kaniya. Kapag nakikita ko lang siya ay bigla nang kumukulo ang dugo ko. Hindi ko rin masikmura na kasama siya sa isang silid. Nagsimula lang ito no'ng minaliit niya ang kakayahan namin at no'ng palagi siyang nakikialam sa ginagawa ko. Feeling ko nga ang sinasadya niya iyon para inisin ako, hilig niya pa namang mang inis.
Lumipas ang ilang oras ay nagsimula na muli ang training namin. Pinag-aralan namin ang bawat posibleng paraan ng pagtakas. Para kahit nasa anong peligro kami ay makakaya naming tumakas lalo na kapag wala ang kasama namin.
Alam ko naman na hindi sa lahat ng oras ay kasama ko sila. May iba't-ibang bagay kaming gagawin tuwing misyon kaya hindi na ako nagulat pa.
"Whatever happens, hindi dapat kayo mahuli ng kahit na sino. Lalong-lalo na ng pulis," rinig kong saad ni Professor sa amin. Nasa labas kami ngayon para sa mas malawak na pag-e-ensayohan.
Una naming pinag-aralan ay kung paano makatakas sa humahabol na mga pulis. Isa sa amin ang gaganap na tatakas at ang naiwan naman ay ang gaganap na pulis. Nagsimula na kaming mag-ensayo. Salitan ang role na gagawin namin kaya nang dumating iyon sa punto ko ay habol hininga na akong tumatakbo. Umiikot na rin ang paningin ko. Lumingon ako sa likod at nakitang hinahabol pa rin nila ako.
Sh*t! Bakit ngayon pa?
Mas binilisan ko pa ang takbo ko kahit na pagod na pagod na ako. Tagaktak na rin ang pawis ko. Nang muli akong humakbang ay biglang sumakit ang ulo. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ang huling naalala ko lang ay sinisigaw nila ang pangalan ko bago ako nawalan ng malay.
Nang iminulat ko ang mata ko ay nasa loob na ako ng kuwarto. Napalingon ako sa gilid ko nang may mahagip akong nakaupo roon.
Black was sitting on the chair, nakasandal siya rito habang naka-cross ang mga kamay sa dibdib niya. Nakapikit ang mga mata niya.
Oo nga pala, nahimatay ako habang nagte-training kanina. Hindi na ako nagtaka dahil do'n, minsan na rin itong mangyari sa kulungan noon. Nahihimatay ako dahil sa sobrang pagod at kulang sa tulog, kaya nang maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko kanina ay alam ko nang mangyayari ito.
Bumuntong hininga ako saka inangat ang sarili mula sa pagkakahiga. Oo nga pala, bakit siya nandito? Siya ba ang nagbantay sa akin simula kanina? Saka, bakit niya naman ako babantayan? Sa pagkakaalala ko ay hindi naman kami close para bangayan ang isa't-isa.
Natigil ako sa pag-iisip ng naramdaman kong kumilos ang taong nasa tabi ng kama ko.
"Gising ka na pala," wika nito at saka inayos ang pag-upo. Ibinaling ko ang tingin ko sa iba at hindi sa umimik.
"Masakit pa ba ang ulo mo?" tanong niya.
"Ilang oras na akong nakatulog?" tanong ko sa kaniya nang hindi pa rin sinasagot ang tanong niya.
Tiningnan niya naman ang orasan na kasabit sa ibabaw ng pinto. "Mahigit na isang oras na," sagot niya sa akin saka muling ibinaling ang tingin sa akin. "Okay ka na ba? Wala bang masakit sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
Umiling naman ako bulang sagot. "Okay na ako, iwan mo na ako rito," saad ko sa kaniya.
"Sabi ko naman kasi sayo huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo," pangaral niya sa akin. Tanda na ayaw niya akong tantanan. Nandito ba siya para pagalitan ako dahil hindi ako nakinig sa payo niya? Kung oo puwes, puwede na siyang umalis. Wala ako sa mood para makinig sa sermon niya.
"I told you, I'm fine. Leave me alone," mariing wika ko. Tila nahimigan niya namang seryoso ako dahil tumigil siya sa pagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin ngayon, natikom ang bibig.
"Hindi ko alam kung bakit ba inis na inis ka sa akin. Pero gagawin ko lahat para pagkatiwalaan mo ko, ipapakita ko sa 'yo para nakita mong wala akong masamang balak sa 'yo," saad niya saka tumayo sa kinauupuan niya. Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakatingin sa mga kamay ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya saka pumihit paalis ng kuwarto.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto tanda nang nakalabas na siya sa kuwarto. Napatingin ako roon habang inaalala ang sinabi niya.
Ano naman ang gagawin niya?
Bumangon ako sa kama, medyo nahihilo pa rin ako pero hindi na gano'n kasakit ang ulo ko kaysa kanina. Bigla namang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Aqua na may dalang tray, nakasunod din sa kaniya si White na may hawak ding tray.
"Gising ka na pala? Kumusta pakiramdam mo? Pinakaba mo kami kanina ha!" saad ni Aqua. Ngumiti naman si White sa akin kaya naman sinuklian ko rin ito ng ngiti.
Lumapit naman si Aqua sa akin at binigay ang isnag mangkok sa akin.
"Anemic lang," wika ko habang tinatangap ang mangkok ng sopas na dala niya.
"Anemic lang? Alam mo bang posibleng maging Anemia iyan kung lumala? Alam mo ba kung gaano ka-delikado ang sakit na 'yan? Baka hindi pa nagsisimula ang misyon ma tsugi ka na," mahabang litanya niya. Pinalagpas ko iyon sa kabilang tainga ko, wala akong sa mood para makinig sa sermon nila. Para siyang doktor na sinesermunan ang isang ang isang pasaway na pasiyente.
Binalingan ko na lang ng atensiyon si White. "Ganito ba talaga siya ka-ingay?" tanong ko sa kaniya habang nakaturo kay Aqua. Gusto ko namang matawa ng makita ko ang reaksiyon ni Aqua pero pilit ko itong itinago para mainis siya.
Tumango naman si White sa akin habang may nakapaskil na ngisi sa mukha niya.
"May mas malala pa riyan," dagdag pang-aasar ni White. Hindi ko tuloy maiwasang mapangisi rin dahil do'n. Palipat lipat naman ang tingin ni Aqua sa amin ni White.
"Excuse me, kung hindi kayo aware, nandito pa ang pinag-uusapan niyo," nakapamaywang na saad niya. Sabay naman kaming lumingon ni White sa kaniya at pinasadahan siya ng tingin mula paa hanggang ulo.
"Ahh," sabay rin naming saad ni White.
Nagtawanan kami nang simulan niya kaming hampasin ni White. Halatang napikon sa pang-iinis namin. Maya-maya lang ay tumigil na rin siya at nakitawa na rin sa amin.
"Kumain ka na nga riyan para maka-inom ka na ng gamot," paalam ni Aqua saka ibinigay sa akin ang maliit na tray na hawak ni White. May dalawang gamot do'n, ang isa roon ay sleeping pills. Nalaman na 'ata nilang nahihirapan ako sa pagtulog.
Nagpaalam na sila at umalis na ng kuwarto para raw makapagpahinga pa ako. Agad ko namang kinain ang sopas na gawa niya at ininom ang juice na gawa sa sariwang prutas. Hanggang ngayon ang namamangha pa rin ako sa galing ni Aqua sa pagluluto.
Nang maubos ko ang sopas ay ininom ko na ang gamot para makapagpahinga na rin.
May ilang buwan pa kaming hihintayin para sa unang misyon. Hindi ako puwedeng maging mahina sa araw na iyon. sisiguraduhin kong mahuhuli ko sila.
"Pagbabayaran niyo ang lahat," saad ko sarili habang nakatitig sa pader na natatakpan ng kurtina.