Chapter 18

2092 Words
Shaynne's POV Ilang buwan na ang lumipas at gano'n pa rin ang ginagawa namin. Walang humpay na pagsasanay at pagpaplano. Mag-ta-tatlong taon na kaming ganito. "Pagod na ko sa ka-te-training." Pabagsak na umupo si White sa sofa sa classroom. Katatapos lang kasi namin ng training kaya naman halos kaming lahat ay naghahabol ng hininga. "Nagsisimula na akong mainis kay Black. Nakakasawa na ang mukha niya," asar na wika ni Aqua habang pabagsak ring umupo sa tabi ko. Isa-isa ring pumasok ang iba pa naming kasamahan. Napatingin ako sa pinto nang makita ko ang huling pumasok do'n. "White," tawag niya kay White na nasa kabilang sofa. Walang gana itong napatingin sa kaniya, naririnig ko pa ang pabulong na mga reklamo nito. "Pinapatawag ka ni Prof," dugtong ni Black. Bumangon naman si White na may kasamang pagdadabog. Sabay naman silang umalis ng silid at isinara ito. Nanatili pa rin ang tingin ko sa pinto habang iniisip ang nangyari kanina. *Flashback* "Red!" tawag sa akin ni Black bago pa man magsimula ang training. Naparolyo na lang ang na lang mga mata ko saka huminto sa paglalakad. Nilingon ko siya nang makalapit siya sa akin. "Here." Nilingon ko naman ang inilahad niyang pineapple juice. Humigit ako ng malalim na hininga bago umiwas ng tingin. Ilang buwan na rin niya itong ginagawa mula no'ng nahimatay ako. Desidido talaga siya no'ng sinabi niyang papatunayan niya sa aking mapagkakatiwalaan siya. Kaya hayan tuloy, para siyang estudyante na nagpapa-sipsip sa guro para hindi bumaba ang grado. Lagi na niya akong tinutulungan sa bawa't bagay. Wala siyang pinipiling lugar kaya madalas nakikita ng mga kasamahan namin ang ganitong gawain niya, puro tuloy kami tukso. Mabuti na lang at napapayag ko siyang tumigil na. Na-realize ko rin kasi na napaka-immature pala ng ginagawa kong pag-iwas sa kaniya. Oo nga't ininsulto niya ako pero hindi iyon sapat para ipagkamuhi ko siya kaya ngayon ay hindi na ako gaanong galit sa kaniya. Pero ipapakita ko pa rin sa kaniya na mali ang sinabi niya tungkol sa lakas ng isang babae. Kaya rin naming makipag-sabayan sa kanila at 'yan ang papatunayan ko, papatunayan ko ang lakas namin. Natauhan naman ako nang tapikin ako ni Aqua sa balikat. Nilingon ko ang gawi niya at nakitang nakatingin din siya sa akin. "May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kaniya nang hindi siya nagsalita. Nagtataka niya akong tiningnan saka napailing. "Ano naman kaya ang iniisip mo para hindi mo narinig ang sinabi ko? Grabe! Kanina pa ako nagsasalita tapos hindi ka pala nakikinig," nakangusong sagot niya, pinagkrus niya ang mga kamay sa harap ng dibdib niya at humalukipkip sa sandalan ng sofa. I pursed my lips as I tried to comfort her, hindi ko nga lang alam kung paano. Bahala na! Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya para umayos siya ng upo. "Bakit kaya pinatawag si White?" pag-iiba ko ng usapan. Hindi ako sigurado kung tungkol dito ba ang sinasabi niya sa akin kanina, pero bahala na basta may mapag-usapan lang kami. Nakasimangot niya naman akong tiningnan saka umayos ng upo. Tumikhim pa ito saka nag-iwas ng tingin. Sapol! Kung sinuswerte nga naman ako. Tungkol nga rito ang gusto niyang pag-usapan kanina. "Eh ano pa nga ba? Basta siya ang tinawag, paniguradong tungkol 'yan sa computer, baka may hinahanap," kibit-balikat na sagot niya habang panakaw-nakaw tingin sa akin. Kapag nagkakaganito sits ay alam kung nangangati na siyang magsalita. Kilala ko na siya sa loob ng tatlong taon. Basang-basa ko na ang mga kilos niya. "Pero pansin mo ba? Madalas nang nag-iisa si Prof at Black? Parang ang close na nila ngayon," usisa niya. Bumalik na ang pagiging masigla nito. Napatingin naman ako sa pinto kung nasaan sila lumabas. Tama diya, madalas na silang nag-uusap. Tuwing lumalapit kami ay umiiwas sila at ititigil nila ang usapan nila na tila ayaw nilang ipaalam ang pinag-usapan nila sa amin. Pero kung ano man ang dahilan nila ay malalaman ko rin 'yan. Kung ano man ang tinatago nila sa amin, alam kong darating ang panahon na sasabihin nila iyon. Biglang bumukas ang pinto at pumasok na si Prof, Balck at White. Dumeretso sila sa harap, agad na hinarap ni White ang computer na naroon habang tila nagse-set up ng kung ano. Inilapag naman ni Black ang dala niyang folder sa mesa ni Prof at saka umupo sa naka-assign na upuan namin. Oo nga pala, kaya pala kami narito ay dahil pinatawag niya kami dahil may mahalaga raw kaming pag-uusapan. Nagsiupuan na rin kami sa kaniya kaniyang upuan at handa nang makinig kay Prof. Dumilim ang paligid at agad na may lumitaw na hologram sa ibabaw ng mesa ni Prof. Kinuha nito ang mga folder saka ito ibinahagi sa amin. Nagtataka naman kaming tinanggap iyon at dahil ako ang nasa huli ay ako ang huling nakatanggap ng folder. "Ano 'to Prof?" rinig kong tanong ni Teal. Binuksan ko naman ang folder ng hindi hinihintay ang permiso ni Prof. Lumantad sa akin ang mga iba't-ibang larawan ang mga papel. Teka... "Open it up and be ready to our first mission," nakangising saad ni Prof. Awtomatiko namang lumitaw sa hologram ang larawang nasa folder. "Miranda Luzon," basa ko sa pangalang nakalagay sa papel kasama ng mga larawan. Naroon ang mga personal na impormasyon ni Luzon, lahat pati ang tinatago niyang impormasyon na hindi alam ng mga tao. "This is Miranda Luzon, known as the contemporary hero of the country. She's a chef in a known restaurant," panimula ni Prof habang pinapakita sa amin ang iba't-ibang video na kung saan pinapakita ang ginagawa niya. Madalas siyang laman ng balita dahil sa ginawa niya noon. Niligtas niya kasi ang isang bus na puno ng bata mula sa pagkakabangga. That was really a wonderful history. "But behind of all those mask is a junkie who accepts bribe from the higher ups. The Alonzos'," dugtong ni Prof at bigla namang nagbago ang larawang nasa hologram. Inilipat ko naman sa sumunod na pahina ang papel at nakita ang larawan ng dalawang tao roon, ang mag asawang Alonzo. Katulad ng una ay naroon din ang mga personal na impormasyon na kailangan namin. "The Alonzo's are known as the family politician. Lahat ng miyembro ng pamilya nila ay nasa pulitika o 'di kaya'y nag-aaral ng pulitika," paliwanag ni Prof. Lumitaw naman ang video ng mga ito kung saan dumalo sila sa iba't-ibang campaign para ipamalas ang kakayanan nilang magsilbi sa bayan but all of those are just a mask. Ginagamit nila ang posisyong mayroon sila para pagtakpan ang maruruming gawain nila. Pagpapatayo ng illegal na negosyo gamit ng pera ng bayan. Ang kakapal talaga ng mga mukha ng mga hayop na iyon. "We all need to know their strength and weaknesses kaya naman ihanda niyo ang mga sarili niyo para magawa ang unang plano," wika ni Prof saka muling bumukas ang ilaw sa silid. Bakas sa mga mukha namin ang pagtataka at naguguluhan sa pangyayari. Naglakas loob na magtaas ng kamay si Teal. Pinahintulutan naman ni Prof si Teal na sabihin ang gusto niyang sabihin. Tumayo naman si Teal mula sa upuan niya. Kung titingnan mo kami ay para talaga kaming nasa paaralan. "Akala ko po ba ay may hihintayin pa tayo para sa unang misyon? Hindi na ba matutuloy ang huling miyembro?" tanong nito saka muling umupo. Natuon naman ang mga nagtatanong na mata namin sa pinuno namin na nakatayo sa harap. Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng mga labi nito. Sanay naman na akong makitang nakangiti ang Prof pero iba itong ngiti niya ngayon kumpare sa nakagawian niya. Para itong nagpapahiwatig na natutuwa siya sa naiisip niya at sa magiging resulta nito. Some kind of an evil grin to be exact. "Let's just warm up before the real battle begins. And also..." Umikot siya sa mesa at huminto sa harap nito kung saan nakikita namin siya ng buo. Marahan siyang humilig sa mesa na nasa likod niya. Nanatili pa rin ang ngisi niyang iyon at mataman kaming tiningnan. "Someone is also going to pay us 500,000 for this mission," dagdag niya. Napatulala naman ako sa sinabi ng Prof. Ano ang ibig niyang sabihin do'n? Binayaran kami para gawin ang trabahong ito? Hindi ko alam na tumatanggap pala kami ng pera para lang gawin ang bagay na gusto ng ibang tao. "Take it or leave it." Muli kaming napatingin kay Professor bago kami nagsalitan ng mga tingin. Mukhang seryoso nga si Prof sa sinabi niya kaya naman sabay kaming napatango rito. Kung may tao man kaming pinagkakatiwalaan dito ay iyon ay walang iba kung hindi si Prof. "So what's the plan?" tanong ni Black nang wala ni isa sa amin ang nagsalita. Muli lumawak ang ngiti ni Prof ng itanong iyon ni Black. Hinila niya ang isang tali at agad na nahulog na tila bandila. Naroon ang mga taong makakasalamuha namin sa gitna ng misyon. "This is Gomez. He is the Alonzos' trusted bodyguard," turo niya sa isang larawan ng lalaking kalbo. Kung titingnan mo ay tila nasa 30 na ang edad nito. "He is known as being strict and uptight. He's really devoted to his job so he'll be a great hindrance of our mission," dagdag ni Prof. Narinig namin ang pag andar ng printer. Napatingin kami roon habang hinihintay ni White na matapos iyon. Agad naman niya itong ibinigay kay Prof at bumalik sa puwesto niya. Lihim akong napatingin sa gawi ni White, namamangha ako sa bilis ng paggalaw ng mga kamay niya. "Gomez has a son and wife living peacefully in Bataan, they would be become a great help for us," nakangiting saad niya. Habang ibinahagi ang larawan ng pamilyang Gomez. Base sa angulo at reaksiyon nila ay hindi nila alam na kinukuhanan sila ng litrato. "We're not going to kill him right?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa larawan ng pamilya nila. They have this genuine smile on their faces. Umiwas ako ng tingin at tiningnan si Prof. "Do you really think I'm capable of hurting innocent people?" Napayuko naman ako dahil do'n. Hindi naman sa pinaghihinalaan ko siya, gusto ko lang naman masiguradong walang mangyayaring masama sa pamilyang ito. "It's not that. I was just asking for assurance, wala naman silang ginawang masama kaya dapat lang na hindi sila masaktan sa mission na ito. I can't let any innocent civilians getting hurt by our action," paliwanag ko. Muli akong napatingin sa akin sa larawan habang pinipigilan ang sarili na maiyak. Agad ko itong tinakpan at nakinig na sa buong plano. This plan would take 6-7 days, we still need to gather some information and their whereabouts. Sa una ay lilipad muna kami pabalik sa Manila dahil naroon ang target. Hindi namin maisasagawa ang plano kung nasa Mindanao kami. Susunod naman ay magsisimula na ang misyon, una ay lalapitan namin sila sa maayos na paraan, para ilagay ang mga tracking devices na magagamit namin sa pagmonitor sa kanila. Ang susunod naman ay susubukan namin silang takutin by saying the truth pero kapag hindi sila nadala ay saka isasagawa ang ikatlong plano, the assasination. Sa sumunod na araw ay naghanda kami ng mga kakailanganin namin. Nag-training din kami sa huling pagkakataon. Ang sasabak sa misyon ay kaming 5, maiiwan kasi si White para tulungan kami sa pagmanman sa labas kapag may nangyaring masama. He will also be our back-up. Alas 8 na nang gabi at nasa labas pa rin ako habang hawak ang isang lata ng beer, hindi ko pa ito naiinom. Hindi ko nga alam kung bakit kinuha ko ito kung wala naman akong balak na inumin ito. "You shouldn't be drinking, may misyon pa tayo bukas," rinig kong saad ng taong nasa likod ko. At dahil nakaupo ako sa lupa ay kailangan ko pa siyang tingalain. Bakit ba laging sumisipot sa likod ko ang lalaking 'to? Napa-irap ako saka ibinalik ang tingin sa kawalan. "Hindi ako umiinom," walang ganang saad ko. "So what's that for? Display? You want to look tough? That's all?" natatawang tanong niya. Inis ko siyang binalingan ng matalim na tingin. Nakakapanibago lang dahil hindi na ganoon kalaki ang inis ko sa kaniya, kung dati ay ayaw kong makita ay mukha niya, ngayon naman ay ayos lang sa akin, though naiinis pa rin ako sa tono nang pananalita niya. Wala naman 'ata akong magagawa ro'n dahil tila ganito na talaga siya magsalita. Napakaprangka at nakakapikon. "Anyways, good luck. Tomorrow's gonna be a hectic day, save up your energy," wika niya. Napalingon naman ako sa kaniya at nakita siyang nakatingin din sa kawalan. Wala sa sarili akong napangisi at ibinalik ang atensiyon sa hawak kong beer. "Good luck sa atin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD