Chapter 19

1843 Words
Shaynne's POV Day 1 "Lahat kayo maging alerto mamaya, ilang minuto na lang ay darating na si Chairman. Huwag kayong tatanga-tanga." Hindi mawari ko ang nararamdamang kaba habang nakikinig ako sa supervisor ng event. Nakasuot ako ngayon ng uniporme ng isang security guard. Nakapusod ang buhok ko na abot hanggang baywang. Undercover kasi ako ngayon upang manmanan ang mag-asawang Alonzo. Ito ang unang araw ng misyon namin kung saan isasagawa ang unang plano. Napalingon ako sa entrance nang bigla akong makarinig ng ingay. Isang malaking grupo ng mga bata ang pumasok at tila manghang-mangha sa nakikita sa paligid. Ito na marahil ang mga bata sa orphanage na imbitado sa event na ito. Agad kaming lumapit sa mga ito at iginiya sa puwesto nila. Masigla ang mga ito habag ang may kaniya-kaniyang ginawa. Unti-unting napuno ang event hall. May mga taga suporta, mga bata, reporters at iba pa. Maya-maya pa ay nagkagulo ang mga reporter habang nagsiksikan sa entrance "Parating na ang target," rinig kong wika ni White sa earbuds na suot ko. Bumalik na ako sa puwesto ko at pinigilan ang mga reporter sa paglapit sa mag-asawa. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ng malapitan ang mag-asawang Alonzo. Kung tutuusin ay mukha lang silang masayahing mag-asawa. Todo ang ngiti nila na tila wala silang ginagawang masama. Ngayon naman ay ginagamit nila ang mga bata para kunin ang loob ng ibang tao. Nang marating nila ang puwesto nila ay saka na nagsimula ang event. "Remember the plan Red," rinig kong saad ni Prof sa kabilang linya. Hindi ako sumagot pero kabisado ko na lahat ng dapat kong gawin sa araw na 'to. "Tomorrow, there's gonna be an event for the Children of the orphanage. Magdo-donate ang mag-asawa ng pondo para sa bahay ampunan na ito. "Red, you're going to be an undercover," utos sa akin ni Prof. "What am I going to do?" tanong ko habang nakikinig ng masinsinan sa planong gagawin niya. "Lumapit ka sa mga ito para mailagay mo ang tracker sa kanila. Para kahit saan sila pumunta at lahat nang kilos nila ay mamanmanan natin," saad niya. Kinuha niya ang isang box at ibinigay ito sa akin. Binuksan ko ito at nakita ang dalawang klase ng uniporme. May mga gamit din roon katulad ng hikaw at singsing. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Nilingon niya si White nang may ibinigay ito sa kaniya. Tinanggap naman iyon ni Prof at saka humarap sa akin. "Officer Muñez, do your best," saad niya saka ibinigay ang ID na binigay ni White sa akin. Naroon ang mukha ko at ang pekeng pangalan na gagawin ko. Nasa kalagitnaan na ang event habang nagpe-perform ang nga bata bilang tribute sa mag-asawa. Umalis ako sa puwesto ko at pumunta ng CR. I look around to check some surveillance camera. "4 na surveillance camera sa 3rd floor," wika ko habang patuloy lang sa paglalakad papalapit sa Cr. "Deactivated na. May 10 minuto ka para maghanda," rinig kong sagot ni White mula sa kabilang linya. Wala akong sinayang na segundo at agad na nagbihis. Pinindot ko muna ang earrings ko para ma-off ang cam. Ayaw ko namang ipagkantaran ang katawan ko sa kanila lalo na't alam kong minomonitor nila ang galaw ko. Tinanggal ko sa pagkakatali ang buhok ko at agad na hinubad ang damit ko. Kinatok ko ang isang cubicle at habang inaalis hinuhubad ang sapatos ko. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto sa likod ko kung saan ang cubicle na kinatok ko. "Here." Napatalon naman ako sa gulat nang marinig kong nagsalita ang taong nasa pinto ng cubicle. Nakita ko naman ang mukha nito sa salamin kaya nataranta kong dinampot ang blouse sa sahig at itinakip sa katawan ko. Naka-bra at panty lang ako! "What the hell are doing here?" gulat na tanong ko. Bakit ba siya ang narito? This isa woman restroom sa si Aqua dapat ang narito, hindi siya. "Nasaan si Aqua?" Nakarinig naman ako ng ingay mula sa kabilang linya saka narinig ang boses ang boses na hinahanap ko. "Red! Hindi ako natuloy, sumama kasi ang pakiramdam ko," rinig kong wika ni Aqua sabay ubo. Naparolyo naman ang mata ko dahil do'n, sa dinami-rami ng tao bakit si Black pa ang ipinadala nila? "Red, 5 minutes left," rinig wika ni White. Napalingon naman ako sa relong hawak ko. "Magbihis ka na baka maabutan ka pa ng CCTV," saad ni Black saka inilapag ang damit na pamalit ko bago lumabas ng CR. Bago pa man siya tuluyang makalabas ay muli siyang nagsalita. "Be careful." Nang makaalis na siya ay napabuntong hininga ako at saka tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi naman sa pangit ang kurba ng katawan ko, sadiyang ayaw ko lang ipakita ang mga peklat na natamo ko sa kulungan mula sa pambubugbog nila. Nakita niya kaya? Kainis! Agad akong nagbihis habang sinisipat ang oras sa relo ko. 2 minutes. Nang masuot ko na ang uniporme ng isang social worker ay agad kong pinindot ang earrings ko. Sinuot ko ang salamin sa mata at saka lumabas ng CR. Nakuha na ni Black ang pinaghubaran ko kanina kaya naman hindi na ako dapat mabahala pa. Bumalik ako sa event hall saka pumunta sa puwesto ko. Sa halip na magbantay ay lumapit ako sa puwesto ng mga bata. Mula sa pagiging officer ay naging social worker. Dapat pala pag-aartista na lang kinuha ko, bagay pala sa akin ang iba't-ibang role? Napatingin naman sa akin ang isang social worker, kinabahan ako no'ng una dahil akala ko ay pagdududahan niya ako. Pero nagulat na lang ako ng bigla itong nagsalita sa akin. "Ang bait talaga ni Misis Marlyn at ni Kapitan," nakangiting saad niya sa akin habang pinapanuod ang mag-asawang nakikipagkuwentuhan sa mga bata. Napatingin naman ako sa kanila, tuwang-tuwa ang mga bata sa kinukuwento ng Kapitan Alonzo. Hindi ko maiwasang hindi mainis, he dare to used the kids for his own benefit. He's nothing but a selfish, power-greed person. Ngumiti na lang ako bilang sagot sa babaeng kumausap sa akin. Ayaw kong magsalita dahil baka kung ano pa ang masabi kong hindi naayon sa plano. "30 minutes before their departure, nasa basement ang sasakyan nila," rinig kong wika ni Prof sa kabilang linya. Napatingin naman ako sa oras saka nagpaalam na aalis muna ako. Dumeretso ako sa basement habang hinihintay ang permiso mula kay Prof. "Did you have the ring with you?" rinig kong tanong niya. Napatingin naman ako sa singsing na suot ko. *"This earring have a micro camera with it, maliit ito kaya hindi ito mapapansin," paliwanag ni White habang pinapaliwanag ang bawat gamit ng maari naming gamitin. "Ito naman ang singsing, it has an advanced technology that can transmit a micro-chip tracking device and a mic. It works if it has a direct contact with a skin. Kami ang magkokontrol nito kaya huwag kang mag-alala," dagdag niya. Npatango naman ako dahil do'n. Napatitig ako sa mga sing-sing, akala ko ay sa mga sci-fi story ko lang makikita ang mga gamit na ito. Ngayon ay ginagamit ko na rin siya, I felt like I was a special agent doing a mission. * "Yes," sagot ko sa kaniya. Nang makababa ako sa basement ay agad kong hinanap ang sasakyan. Bumulabog naman ang isang malakas na busina sa tahimik na parking space. Napalingon ako sa pinanggalingan ng ingay at nakita si Black na naghihintay do'n. Napa-irap na lang akong lumapit dito, nang makapasok ako ay hindi ko siya pinansin. Magsasalita na sana siya nang biglang magsalita si White. "Pababa na ang target, be ready," saad niya. Napatango naman ako at agad na sinet-up ang singsing, inikot ko ito. Habang nag-aabang ay inayos ko ang buhok ko at muli itong pinusod. "You shouldn't be exposing your real hair in our mission, it can be a disadvantage of you," saad niya. Hindi ko iyon pinansin at agad na lumabas ng kotse nang makita ko ang mag-asawa at ang bodyguard nito. Unti-unti akong lumapit dito at sinumulan ang pagpapanggap. "Kapitan! Missis Alonzo!" nagagalak na saad ko. Napatingin naman sila sa akin. Sino ba namang hindi? Ako lang naman ang tanga na maingay rito. "Tagahanga niyo po ako! Ang bait-bait niyo po sa mga mamamayan niyo," pangpaplastik ko kanila. Nang sinubukan kong lumapit ay agad akong hinarang bodyguard nila. Napahawak ako likod ng palad niyang nakahawak sa balikat ko. "Hihingi lang po ako ng autograph kina Misis Alonzo kuya," saad ko. Humarap ako sa mag-asawa na naguguluhang nakatingin sa akin. "Hindi nga puwede," mariing saad ni Gomez, 'yong bodyguard nila. "Kuya, magpapairma lang. Grabe ka naman," saad ko. Nagtalo pa kami dahil ayaw niya talaga akong palapitin sa mag-asawa. Natigil lang kami nang magsalita ang asawa ng Kapitan. "Okay lang, Jerome. Hayaan mo lang lumapit," nakangiting saad nito. "Pero ma'am," magrereklamo pa sana ito nang tumango sa kaniya ang Kapitan. Napahinga naman ako ng malalim sa ngumiti ng malapad at kumapit sa kanila. Binigay ko ang pentelpen at papel na hawak ko sa kanila. "Ilang taon ka na ba hija?" mahinhin na tanong ng Asawa ng Kapitan. Napa-isip naman ako sa isasagot ko ng marinig ko ang boses ni Black. "Tell her you're 20," saad nito. Sisimangot na sana ako ng muli kong marinig ang boses. "Ang reaksyon mo," wika niya. Mukha ba talaga akong 20? Nagdadalawang isip man ay sinunod ko ang sinabi ni Black. "20 po ma'am," sagot ko. "Saang college ka nag-aaral," tanong naman ng kapitan. "Tumigil na po ako sa pag-aaral kasi po wala na po kaming mga magulang, ako na po kasi ang nagtatrabaho sa amin at pinag-aaral ang mga kapatid ko," saad ko. "Talaga ba? Kung gusto mong mag-aral muli lumapit ka lang sa office namin hija, naghahanap kami ng mga scholar." Binigay na nila sa akin ang papel at pentelpen nang matapos na nila itong pirmahan. Inilahad ko naman ang kamay ko para makipag-shake hands. "Hindi po talaga ako nagsisisi na kayo ang binoto ko no'ng eleksiyon," nakangiting saad ko. Mas lalo namang lumawak ang ngiti ko nang tanggapin iyon ni Kapitan Alonzo. Gano'n din ang ginawa ko sa asawa nito na mabilis din tumugon. Nagpaalam na ako sa kanila at agad na nawala ang ngiti ko sa labi ko ng mawala na ang sa paningin ko ang sasakyan nila. "Good job, Red," rinig kong komento nina White at iba pang kasamahan namin sa kabilang linya. "Now let's hunt Miranda Luzon," saad ni Prof. Pinutol na namin ang tawag at umalis na. Habang nagbabiyahe pauwi ay hindi ko mapigilang isipin ang sinabi ko kanina. The part about my parents is true but that story is a lie. Napabuntong hininga ako habang iwinawaksi iyon sa isip ko. Napapagod ako sa biyaheng pandagat, lalong-lalo na kapag naririnig ko ang hampas ng tubig sa sasakyan namin. Tahimik lang din sa Black sa tabi ko pero ramdam ko ang mga tingin niya sa akin. "Ano?" tanong ko sa kaniya ng hindi tumitingin. "Wala. Sorry nga pala kanina," saad niya. Naalala ko na naman ang nangyari sa CR kanina at agad na nag-iwas nang tingin. "Ewan ko sa 'yo," sagot ko sa kaniya at hindi na siya pinansin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD