Chapter 20

2174 Words
Shaynne's POV "Red!" bati sa akin nina Aqua nang makarating kami sa hideout. Out hideout is a rented house in Mindoro. Kumpleto ang gamit dito tulad ng hideout namin sa Mindanao. Pero mad malawak ang hideout sa Mindanao kaysa rito. Oo may underground din rito ang basement nila. Naroon ang mga gamit na kakailangan namin sa mga misyon namin. "Sana man lang in-inform niyo ko na pinalitan niyo si Aqua. Hindi naman siguro mahirap 'yon?" reklamo ko nang makapasok ako sa loob. Bakas ang guilt sa mga mukha nila. Sa dinami-rami nila, wala man lang ni isang nagsabi sa akin. May kumunikasyon naman kami sa isa't-isa, isang pangungusap lang gagawin nila hindi nila magawa. Nanatili lang silang nakayuko habang nakikinig sa sermon ko. "Bakit ba napaka-big deal sa 'yo niyan?" tanong ni Black na nakahilig lang sa pader. Nakakrus ang mga kamay nito sa dibdib niya habang nakatingin sa akin. Sarkastiko akong napatawa nang maikli. "First of all, hindi ikaw ang nakatokang maghatid ng damit. Pangalawa, woman's restroom 'yon and Lastly..." Pinaningkitan ko siya ng mata. "You saw me naked!" pabulong na saad ko pero sapat na para marinig nila. "It's not a big deal, we've done our job professionally," kibit-balikat na sagot ni Black. Dahil do'n ay nakatanggap siya ng batok kay Aqua ba siyang malapit lang sa kinatatayuan niya. Napadaing naman siya at nagtatanong ang matang napatingin kay Aqua. "Mas pinipikon mo siya, tumahimik ka na lang," bulong ni Aqua sa kaniya. Muli namang napatingin sa akin si Black at nang makita niya ang matalim na tingin ko ay napakamot na lang siya ng batok. "Sorry," saad niya saka nag-iwas ng tingin. Pumasok naman si Prof sa silid. Hindi ko napansin na wala pa siya rito kanina. "Nakarating na pala kayo, may problema ba?" tanong ni Prof nang makita niya kaming nagtipon sa sala. "It was about earlier's incident," sagot ni White habang parang tutang naka-upo sa sofa. "Oh! I'm sorry about that, Aqua suddenly called saying she felt sick kaya pinauwi ko na lang, may nangyari ba kanina?" tanong niya. "Nothing serious, nagulat lang ako nang makita siya roon. This man saw me naked!" sagot ko habang itinuro si Black. "She's not totally naked, at all. She still has here bra and panty on— Ah! Ano ba?!" hindi niya natapos ang sasabihin at napadaing na lang sa sakit nang muli siya siniko ni Aqua. Nakasimangot itong napatingin kay Aqua na deretso lang ang tingin sa gawi namin. Himas himas ni Black ang tiyan niya kung saan tinamaan ni Aqua. Malakas siguro ang pagsiko nito kaya nasaktan siya. "Manahimik ka na kasi, hindi ka nakakatulong eh," babala sa kaniya ni Aqua habang hindi tinanggal ang tingin sa harap niya. "Hindi sa binibig-deal ko ang nangyari pero sana naman sa susunod ay hindi na 'to maulit. Bawat oras sa misyon na 'to ay importante, ayaw kong magsayang ng kahit isang segundo dahil lang sa nagulat ako," wika ko sa kanila saka nagpaalam na pupunta na nang kuwarto. Ang mga kuwarto namin dito ay 4 kaya naman hati kami ng mga kuwarto. Magkasama kami ni Aqua sa iisang kuwarto dahil sa babae kami. Si Prof naman ang umuukupa sa isang silid habang si Tatay Lime at Black naman ang magkasama sa ikatlong silid, si Teal at White naman sa huli. Nang makapasok ako sa loob ay agad kong hinubad ang damit ko para makapag-shower na. "Woah! Kaya naman pala nakitaan ka kasi basta-basta ka na lang naghuhubad," rinig kong saad ni Aqua na sumunod pala sa akin. Nilingon siya at nakitang pumasok siya sa silid namin. Agad niyang isinara ang pinto at ni-lock iyon bago ako hinarap. "We're in a woman territory kaya ayos lang na maghubad ako. Siya ang wala sa lugar kanina," saad ko saka pumasok ng banyo. Hindi ko na narinig ang sagot niya kaya naman nagpatuloy na ako sa paglinis ng katawan ko. Hindi ko alintana ang pagtakip sa peklat ko dahil medyo madilim naman sa silid no'ng naghubad ako, paniguradong hindi niya napansin iyon. Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis ng pantulog at pinatuyo ang buhok ko. Pagkalabas ko ay nadatnan ko ang tray na may pagkain sa mesa na malapit sa kama namin. "Dinala ko na ang pagkain mo rito para hindi mo na kailangang bumaba," saad ni Aqua. Napansin niya siguro na patingin ako sa tray. Buntong-hininga akong lumapit sa kama at humiga roon para makapagpahinga na. "Hindi ka kakain?" tanong niya nang hindi ko ginalaw ang pagkain. Umiling lang ako saka ipinikit ang mga mata. It's a really long day, nakakapagod din ang biyahe. Napaka-hassle kasi ng biyahe dahil nasa isla ng Mindoro pa ang hideout namin samantalang nasa Bataan ang Pampanga isinagawa ang misyon. May inaayos pa kasi sa pansamantalang titirhan namin sa Bataan kaya naman kailangan talaga naming bumalik rito sa Mindoro para mamahinga. "Hindi ako nagugutom," pikit matang saad ko. Naramdaman ko naman ang paggalaw ng kama. "I should have inform you kanina," mahinang usal niya. Hindi ko na kailangan pang itanong kung ano ang ibig niyang sabihin dahil alam ko na agad ito. Nanatili pa ring nakapikit ang mata ko, dala na rin sa pagod ay unti-unti akong dinadalaw ng antok. "Hmm," tanging tugon ko na lang sa kaniya dahil inaantok na talaga ako. Bago pa man ako tuluyang makatulog ay narinig ko pa siyang nagsalita gamit ang malungkot na boses niya. "I wonder what happened to you in the past. You must have suffered a lot to have those scars," malungkot na wika niya. Iyon lang ang huling narinig ko bago ako nakatulog. Naalimpungatan ako pasado alas-dose ng gabi. Tahimik sa hallway ng kuwarto ng lumabas ako rito para uminom ng tubig. Nakatulog na kaya sila? Babalik na sana ako kuwarto ko nang makita ko ang kuwarto ni Aqua na nakabukas ang pinto, naka-on din ang ilaw sa loob. Lumapit ako rito pero wala akong nakitang tao sa loob. Isasara ko na sana ito at aalis na nang bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas siya roon na bagong ligo at nakapalit na ng bagong damit. "Gising ka na pala? Ang aga naman matulog ka pa," saad niya saakin bago kinuha ang blower sa mesa at sinimulang patuyuin ang buhok niya. "Hindi na ako inaantok," saad ko. "May pupuntahan ka ba?" tanong ko sa kaniya. "Kagigising ko lang din, papalitan ko sina Kuya at Tatay Lime sa pagbabantay, gusto mong sumama?" tanong niya tumango naman ako. Pinauna na niya akong pumunta sa classroom kung nasaan nakapuwesto si White na tutok na tutok sa screen. "Hoy, bulilit. Tulog na," saad ni Aqua nang makapasok siya sa silid. Ang bilis niya namang natapos sa pagpapatuyo ng buhok. Hinawakan ko ang ulo ni Aqua at napansin medyo basa pa ito. Nakangisi naman siya napatingin sa akin. "Tinatamad ako," saad niya. Saka lumapit kay White at kinalabit ito. "Tulog na sabi," saad niya. Lumapit naman ako sa kanila at sinilip ang screen. May mga footage sa kalye at harap ng bahay ng mga Alonzo. Pero wala akong nakikitang footage sa loob. May roon ding mapa na may tuldok na kulay asul na sa gitna. First time kong makakita ng ganito kaya hindi ko masyadong maintindihan ang iba. "Hindi puwede, kailangan silang bantayan," saad ni White. "Wala silang gagawin sa gitna ng gabi. Hindi sila aswang," natatawang saad ni Aqua. "Hindi natin alam, baka mamaya may bigla na lang silang aalis," sagot naman ni White saka kinuha ang tubig na nasa tabi niya at uminom doon. Nakatitig lang ako sa screen nang may nakita akong naglalakad sa kalsada. Napakunot ang noo ko at saka itinuro iyon. "May tao," saad ko. Napatingin naman sila roon. "Nako, pasaway na lumalabag sa curfew lang 'yan," saad ni Aqua saka umupo sa upuan malapit sa amin at kumakain ng chicharyang naroon. "Pero sa tingin ko papunta siya sa direksyon ng bahay ng Alonzo," saad ni white nang makita itong muli sa isa pang CCTV. Sinundan ko naman ito at nang mawala ito sa footage na 'yon ay nakita na naman siya sa iba. Sa tingin ko nga ay papunta siya sa direksyon na iyon. "Baka dadaan lang, praning lang kayo," saad ni Aqua saka tiningnan ang footage. Nang makita namin ito sa harap ng bahay ng Alonzo ay bigla itong tumigil. Lahat kami ay napalapit sa screen. Hindi naman ito gumagalaw at nanatiling nakatayo lang doon, ni hindi ito tumitingin sa bahay ng Alonzo. "Sino 'yan? Lasing?" nagtatakang tanong ni Aqua. Hindi kami sumagot at nanatiling nakatingin sa tao. Nang gumalaw ito ay nagpatuloy lang ito sa paglalakad. "Sabi na nga ba eh, lasing lang 'yon kaya matulog ka na," saad ni Aqua. Napabuntong hininga na lang si White at napatingin sa gawi ko. Tumango naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon kay Aqua. Halata naman kasing inaantok na siya dahil malamlam na ang mata niya. "Tatawagin na lang kita kung may mangyari man," pagkumbinsi ko sa kaniya. Lumapit naman siya sa sofa na nasa likod at humiga roon. "Tingnan mo 'to, may sariling kuwarto pero pinagsasakto ang sarili sa sofa," naiilang na usal ni Aqua habang tinitingnan si White. Agad naman itong nakatulog dala ng puyat. "Si Prof? Nasaan?" tanong ko. "Hindi ko alam, ang huling kita ko sa kaniya kanina ay nandito sila nina kuya, tatay Lime, Black at si Prof, baka nakatulog na rin," kibit-balikat niyang saad saka muling pinagdiskitahan ang pagkain sa tabi. Napatango naman ako at muling tumingin sa screen. Humilig ako sa sandalan ng upuan habang tutok na tutok sa screen. "Hindi lang ako sure kay Black. Hindi kasi ako sure kung natutulog siya, parang ikaw. Siya kasi ang huli kong makikita na gising pa tapos pagkagising ko naman, kung hindi ikaw ay siya naman ang una kong makikita sa madaling umaga. Minsan naman umaalis siya ng hideout, hindi ko alam kung saan natutulog 'yon," saad niya saka nagpatuloy sa pagkain. Napatango naman ako at muling tumingin sa screen. Nagulat na lang ako nang may taong nakaharap sa CCTV camera sa harap ng bahay ng Alonzo. Nakatayo sa tapat ng gate at nakatingala sa gawi ng camera. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa hood ng suot niyang jacket. "What the hell," saad ko. Tila napansin din ni Aqua ang reaksiyon ko at tumingin din sa screen. "Hala, siya 'yong kanina 'di ba?" saad niya. Nakatingin lang kami roon ng biglang tumunog ang kabilang screen at nakita kong mula sa blue ay naging pula ito. "Gumagalaw sila," wika ni Aqua bago pumunta sa likod at ginising si White. Nanatili lang akong nakatingin sa screen ng biglang kumatok ang tao sa gate ng bahay. Umalis naman ako sa upuan nang lumapit si White. "Tawagin niyo si Prof," saad ni Aqua saka nagtipa ng kung ano-ano sa keyboard. Agad naman kaming umalis at hinanap si Prof. Naghiwalay kami sa paghahanap. Nanatili siya sa loob at hinanap ito sa. Bawat silid samantalang ako ay umakyat para hanapin siya sa taas. Nang hindi ko siya makita ay lumabas ako sa bahay, nagbabakasaling naroon siya. Madilim ang paligid at tanging ilaw sa poste ang nagbibigay liwanag sa labas. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid pero wala akong nakitang pigura ng tao. Papasok na sana ako sa loob nang biglang may tumawag ng pangalan ko. "Red? What are you doing outside?" rinig kong tanong ni Prof. Pumihit naman ako palikod para harapin siya pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Black at tila galing sila sa liblib na lugar kung saan hindi abot ng liwanag. Ano'ng ginagawa nila ro'n? Napailing na lang ako. Hindi ito ang tamang panahon para maki-usisa sa ginawa nila. "May nakita kaming tao sa harap ng bahay ng Alonzo, saka gumalaw ang mag-asawa," saad ko sa kaniya. Agad namang tumango si Prof at pumasok na sa loob. Sumunod naman kaming dalawa ni Black sa kaniya. Nang makarating kami ng silid ay naroon na rin si Aqua at nakatingin din sa monitor. "Ano'ng nangyari?" tanong ni Prof. Lumapit kami kay White habang nagtitipa ng sa keyboard nito. "Pumasok ang tao sa bahay ng mga Alonzo. Hindi ko matuloy kung sino iyon, sinusubukan kong i-access ang control system ng bahay pero hindi ko ito mapasok. Masiyado akong malayo sa bahay at medyo secured ang control system nila," saad ni White saka napabuntong hininga nang lumitaw ang error sa kabilang screen. Humarap siya kay Prof at naghihintay sa sagot nito. "Magpahinga na kayo at pupuntahan natin bukas ang bahay nila para ma-hack ni White ang control system," saad ni Prof. Isa-isa niya kaming tinapik sa balikat saka umalis. Kaming apat na lang ang naiwan doon at nanatiling nakatingin sa screen. "Sa tingin niyo? Sino 'yon?" tanong ni Aqua. "Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay babae siya, nasa 159 ang height nito at nakita ko ang buhok nito," saad niya saka muling ipinakita ang video kanina. Nahagip nga ng camera ang buhok nito. "Miranda Luzon," hindi sinasadyang sabay na sagot namin ni Black. Napatingin naman ako sa kaniya at siya sa akin. Pati sina Aqua at White at nakatingin din sa amin. "Sanaol parehong iniisip."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD