Shaynne's POV
Day 2
Bumabiyahe kami ngayon papunta sa bahay ng Alonzo. Mamanmanan lang namin ang bawat kilos nila at papasukin ang bahay nila. We need to inject chips at their CCTV cameras kung sakaling hindi ito kayang ma-hack para mas madali na lang ang pag-manipulate dito.
Kasama ko sina Black, White at Aqua ngayon. We need to be close at the house dahil ayon kay White ay hindi niya ito ma-access kapag nasa Mindoro siya. Nang makarating kami sa sa kanto bago ang bahay ng Alonzo ay nagparking na kami sa tabi. Hindi naman kasi puwedeng sa harap kami mismo titigil.
Nilingon ko ang likod para tingnan si White na busy katitipa sa keyboard niya.
"Okay na ba ang ganitong distansya?" tanong ko sa kaniya. Hindi ito sumagot at patuloy lang sa pagtipa sa laptop niya. Pinagmasdan ko siya sa ginawa niya, he probably doesn't get any sleep dahil busy siya ka-mo-monitor sa system kagabi. Magkaiba ang ugali niya sa harap ng ibang tao at sa harap ng computer.
Makulit kasi siya kapag kasama mo siya, siguro dahil na rin siguro sa siya ang pinakabata sa amin. Tinuturing namin siyang bunso kahit na naiinis siya kapag ginagawa namin 'yon, wala naman siyang magawa. Pero ngayong nakikita ko siya sa harap ng computer niya nawala ang pagiging makulit nito. Nakasuot siya ng salamin at seryosong-seryoso sa ginagawa niya.
"Done," rinig kong saad niya. Tumingin naman siya sa amin at binigyan ko siya ng thumbs up. "Pero may isang security camera pa ang hindi ko nabubuksan. Ayon sa control system nila ay nakapuwesto ito sa 2nd floor ng bahay. Sa tingin ko ay ito ang office ng Kapitan kasi wala akong nakikitang office sa mga camerang nandito," wika niya habang muling sinusuri ang mga footage.
"Can we take a closer look of the house?" tanong ko kay Black. Sinumulan niya namang paandarin ang sasakyan at dahan-dahang nag-drive papalapit sa bahay. Tinted ang mga bintana ng sasakyan kaya hindi ako nababahalang makita sa loob.
"Paano natin makukuha ang access ng office niya?" tanong ko kay White habang nakamasid pa rin sa bahay.
"We need to put this in their system." Nilingon ko siya at nakita siyang may hawak na flash drive.
"Ano 'yan?" tanong ko saka tinanggap kinuha ang flash drive.
"It's a virus that I made to hack a secured system," nakangiting saad niya. Napakunot naman ang noo ko dahil doon.
Hindi ba mabilis mapansin ang virus? Kasi magloloko ang computer niyan. Minsan na kasing nalagyan ng virus ang Laptop ko noon, grabe pa ang sakit sa ulo ko non dahil doon naka-save ang research namin.
"Hindi ba delikado 'to? Baka mapansin nila?" tanong ko.
"Don't worry ate, it's not a harmful virus tulad no'ng mga nakukuha ng laptop. Ako ang gumawa ng virus and it's safe, depende na lang sa mood ko," natatawang saad niya. Tumango naman ako at akmang lalabas na nang sasakyan ng may humila ng braso ko.
"Where are you going?" tanong ni Black habang hinihila ang braso ko.
"Papasok," simpleng saad ko saka muling lumabas ng sasakyan. Agad naman akong pinigilan ni Black at ni-lock ang system ng sasakyan.
"Nababaliw ka ba? In a board daylight, papasukin mo 'yan?" tanong niya. Napa-isip naman ako at tiningnan ng oras. I forgot na nakapuwesto ang bahay nila sa mataong lugar. I can't be reckless. Alas 2 na rin naman, maghihintay na lang kami ng gabi bago pasukin ang bahay.
"Let's go somewhere to grab lunch, balik na lang tayo rito mamayang gabi," saad ko. Sumang-ayon naman sila kaya naghanap na kami ng makakainan. Si Black na ang nagbayad ng kinain namin, nasa kaniya siguro ang budget na binigay ni Prof.
Nagkukuwentuhan lang kami habang kumakain. Pareho kaming gutom dahil nakalimutan naming mananghalian.
"Let's find somewhere to stay in for a night," saad ni Black matapos sagutin ang tawag niya.
"Si Prof ba kausap mo?" mahinang tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot at saka tinapos ang pagkain.
"Hindi tayo uuwi?" nagtatakang tanong ni White matapos niyang punasan ang bibig.
"It will be too dangerous to travel at night, lalo na sa dagat," sagot ni Black. "Saka lilipat na tayo ng Bataan bukas. 'Yong iba na ang bahala sa mga gamit, naroon naman si Prof."
Napatango naman kami sa kaniya. Mabuti na rin iyon para hindi na kami babiyahe nang malayo para isagawa ang misyon namin. Matapos naming kumain ay nag hanap na kami nang matutulugan mamaya habang nagda-drive pabalik sa puwesto namin kanina, sa kanto ng bahay ng Alonzo. Mabuti na lang at may puwesto pa roon kaya naman doon na kami nagpalipas ng oras.
"Ako ang papasok," saad ko. Habang sinisipat ang oras. Alas 7 na ng gabi. May nga tao pa rin sa labas pero hindi na ganoon karami.
"No, stay here. It's dangerous inside, ako na ang papasok," saad ni Black. Inis naman akong napatingin sa kaniya. Minamaliit niya ba ang kakayahan ko?
"Minamaliit mo ba 'ko?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. Natigilan naman siya dahil do'n at tila pinagsisihan ang sinabi niya.
"I didn't mean—" Hindi ko na siya pinatapos pa at agad sinuot ang hood at facemask. Lumabas na ako at sinuot ang black cap. Hindi na ganoon karami ang tao sa labas kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa bahay.
"Red? Naririnig mo ba kami?" Pinindot ko ang buds na nasa tainga ko bago sumagot.
"Yes," sagot ko habang papalapit sa bahay.
"I'll be giving you 5 minutes every camera na ishu-shutdown ko. As much as I wanted to shut it all pero ayaw kong agawin ang pansin ng taong nasa security room," rinig kong saad ni White. Hindi ako sumagot at agad nang lumapit sa bahay na katabi nito.
"Cameras outside the house has been shutdown, make your way in," rinig kong saad ni White. Tumingin ako sa paligid para siguraduhing walang tao bago ako lumapit sa bahay.
"Now, you have 5 minutes to surpass the gate," rinig kong saad ni White. Napatingin naman ako rito at tumingala dahil hindi ko akalaing mas mataas pa pala ang gate kaysa sa inaakala ko.
"Should I climb over?" tanong ko. Habang tinatantya ang taas ng gate.
"I'm afraid not, there's someone guarding the gate," rinig kong saad ni Black. Napabuga naman ako ng hangin dahil do'n at sinimulang kumatok sa gate. "Red, what are you doing?" tanong ni Black.
"If I can't climb over then I should knock him off," bulong ko saka nagtago sa gilid kung saan hindi niya ako makikita sa peephole.
Narinig ko pa ang pagtutol ni Black pero ng bumukas ang pinto ay agad ko itong hinila at pinatalikod bago ko tinamaan ang carotid niya. Agad naman na nawalan ng malay ang guard, hinila ko ang katawan nito sa tabi kung saan natatakpan siya ng malaking banga ng bulaklak. Isinandal ko siya roon kung saan hindi agad siya mapapansin.
"I'm entering the house," saad ko saka umikot para sa dumaan sa kusina ng bahay.
"Okay, may limang minuto ka para hanapin ang control system, I'll be giving you directions," saad ni White. Binuksan ko ang pinto at pumasok na sa loob ng kitchen nila. Buong ingat akong naglalakad upang hindi ako makagawa ng ingay.
"Careful, Gomez left the control system, napansin siguro nila ang nawawalang guard. May naiwang isang bantay sa control system kaya huwag kang kampante," babala niya sa akin. Sasagot na sana ako nang makarinig ako ng yabag mula sa hagdan kaya naman mabilis akong nagtago sa likod ng hagdan kung saan walang ilaw. Nakita ko si Gomez na bumababa ng hagdan papuntang pinto. Lumabas siya nang bahay, kinuha ko iyong cue para umakyat ng hagdan patungong 2nd floor.
Itinuro naman ni White sa akin ang direksiyon papuntang control room. Nang makarating ako sa harap ng control room ay pinakiramdaman ko ang kilos ng taong nasa loob. Dahan-dahan ko itong binuksan at nakitang busy ito sa kakatingin ng monitor.
"Lumabas ka ba? Ba't hindi kita nakita sa monitor?" saad niya ng hindi lumilingon.
"Red, 5 minutes is up. I'll give you 10 minutes para mailagay ang virus sa system nila and you should be out after 10 minutes," rinig kong saad ni White. Sakto namang bumalik sa dati ang lumingon ang guard sa akin kaya agad ko siyang sinuntok. Mabilis niya namang nailagan 'yon at lumapit sa emergency button. Bago pa man niya ito mapindot ay naunahan ko siya sa pamamagitan ng pagsakal sa kaniya hangang sa mawalan siya ng malay.
Wala akong sinayang na oras at agad na hinanap ang saksakan ng flash drive.
"Ilang minuto bago matapos ang pag-hack sa system," tanong ko habang tinitingnan ang screen na tila nag-gi-glitch ito.
"1 minute and 30 seconds," sagot ni White. Nilibot ko ang paningin ko habang naghihintay na matapos si White. Sinilip ko ang oras at nakitang pasado alas 10 pa ng gabi. Konting ingay lang ay tiyak na magigising ang tao sa bahay na ito.
Nang matapos na si White ay agad kong tinanggal ang flash drive. Agad akong lumabas ng control room pero may bumungad sa akin. Si Gomez.
Agad ko siyang itinulak at tumakbo palayo sa kaniya ngunit sa kasamaang palad ay nahila niya ang hood ng jacket ko.
"Sino ka?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot at agad na umikot at sinipa siya sa tagiliran pero sadiyang mahigpit ang hawak niya sa jacket ko kaya naman pati ako ay nadadala rin sa kaniya. Naririnig ko oa ang pagtawag sa akin nina White at Black pero hindi ko ito masagot ng bigla akong sinipa ni Gomez sa tiyan. Agad kong kinagat ang dila ko upang pigilan ang sigaw ko.
Nang makita ko siya aataking muli ay agad akong umikot at tumayo. Tumakbo ako papuntang hagdan pero sadiyang malalaki ang hakbang niya dahil agad niya akong naabutan at pinigilan. Pinilipit niya ang kamay ko sa likod at itinulak ako sa railings, pinipigilan akong gumalaw. He's squeezing my hands to hard that it's starting to hurt very much.
"Sino ka? Bakit ka nandito?" tanong niya sa sa akin at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Red, are you fine?" rinig kong saad ni White pero hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa situwasyon ko ngayon.
"Hindi ka magsasalita?" tanong niya sa akin. Hinila niya ang buhok ko para makita ako ng maayos, suot ko pa rin ang mask ko at alam kong iyon ang pakay niyang tanggalin.
F*uck! I messed up! Big time!
Nang mahawakan niya ang mask ko ay nagulat na lang ako ng bigla itong dumaing at binitawan ako. Habol hininga naman akong napahawak sa kamay ko, feeling ko ay nabalian ako ng buto sa ginawa ng lalaking 'to. Hindi ko alam ang nangyayari kaya kahit namimilipit ako sa sakit ay sinubukan kong pumihit paharap sa kaniya. Ang tanging nakita ko na lang ay ang pagbitaw ni Black kay Gomez mula sa pagkakahawak sa leeg.
Nawalan ito ng malay at nakahiga lang sa hallway. Lumapit naman si Black sa akin at inalalayan akong tumayo.
"Guys, you have a minute para lumabas, napindot na ng lalaki sa control system ang security shutdown nila. Hindi kayo makakaalis ng bahay hangga't hindi nila binubuksan ang pinto," babala si White sa amin. Maingat naman akong kinarga ni Black at agad na tinahak ang daan palabas ng bahay. Nagbibilang ako sa isip ko habang tinatakbo niya ang pagitan ng bahay at gate.
Nakahinga lang kami nang maluwag ng makalabas kami ng bahay bago mag-shutdown ang system nila. Agad kaming sumakay sa sasakyan na siyang si White ang nagmamaneho. Umalis na kami sa lugar at pumunta na sa pinakamalapit na inn.
"I told you to be careful," inis na saad ni Black habang ginagamit ang pasa ko. Hindi naman gano'n karami ang natamo kong sugat pero namumula pa rin ang kamay ko, medyo namamaga rin ito pero hindi na katulad kanina na halos hindi ko maigalaw ang kamay ko.
"I'm fine," saad ko saka umalis na. Pagdating namin sa kuwarto ay agad niyang hinanap ang first aid kit at ginamot ang pasa at sugat ko. Iisang kuwarto lang ang kinuha namin na may dalawang kama dahil hindi daw nila ako puwedeng iwan ng mag-isa. Wala namang masamang mangyayari sa akin pero kung makaakto sila ay tila isa akong target ng mga assasin.
Pumasok naman White sa kuwarto matapos kausapin si Prof. Siya na ang nagpaliwanag sa nangyari.
"Bandang hapon na raw sila darating kaya magpahinga ka raw ng buong araw, Red," saad niya saka pumasok sa kuwarto nila. Aalis na sana ako pero agad na natigilan. Nilingon ko si Black na nagliligpit ng mga gamit na ginamit namin.
Tumikhim ako para maagaw ang atensiyon niya na siya namang epektibo.
"Salamat," pasasalamat ko sa kaniya at agad na pumasok ng kuwarto ko.
Magpapasalamat lang naman ako pero bakit ako pinagpapawisan ng ganito?