Chapter 22

1900 Words
Shaynne's POV Day 3 "Masakit ba?" tanong ni Aqua ng sunduin namin sila sa daungan. Tinulungan ko sila sa pagbitbit ng mga gamit. We will be staying here until the mission ended. Si Tatay Lime na ang nag-offer na mag-drive pauwi. Alas 5 na rin ng hapon nang makarating sila sa daungan. "No, it's nothing," sagot ko kay Aqua. Hindi na siya nagtanong pang muli at natulog na lang. Dala na rin siguro sa pagod sa biyahe. Nang makarating kami sa bahay na titirhan namin ng panandalian ay agad kaming nag-ayos ng gamit. Isenet up na namin ang mga gamit na kakailangan ni White. Si White ang nagtuturo sa amin kung saan ikakabit ang mga plugs dahil hindi kami maaalam sa mga computer. Nang matapos namin iyong natapos ay agad niya itong binuksan at nagsimula nang magtipa, ilang segundo lang ay lumabas na sa screen ang monitor. "They're leaving," saad ni White. Napatingin naman kaming lahat sa monitor at nakitang gumalaw ang mga pulang tuldok. Na-realize ko na nag-iiba ang kulay ng tuldok tuwing gumagalaw ito, mula sa blue ay nagiging pula ito. "Tell Prof," saad ko. "Umalis si Prof ng makarating kami kanina sa daungan, he said he needs to go somewhere," sagot ni Tatay Lime. Napatingin naman ako sa kanila at saka na-realize na hindi namin kasama si Prof. Bakit ko 'yon napansin kanina? "Saan siya pumunta?" tanong ni White. "Hindi namin alam," sagot ni Teal. How are we supposed to call him? Hindi namn kami pupuwedeng gumamit ng cellphone dahil madali lang itong mata-track. Delikado ito para sa amin. Tanging buds lang ang mayroon kami at pati roon ay hindi siya sumasagot. "Iniwan niya 'to sa akin kanina, sabi niya puwede raw tayong tumawag gamit niyan," saad ni Aqua hawak ang cellphone. Nagtataka naman akong napatingin doon. Akala ko ba ay bawal kaming gumamit ng cellphone? "Aren't we allowed to use phones?" tanong ko. "Yes, unless they are burner phones," sagot ni Black saka kinuha ang cellphone at tatawagan na sana si Prof ng bigla itong mag-ring. Ipinakita niya sa amin iyon, numero lang ang nakikita namin kaya hindi namin matukoy kung sino iyon. Sinagot niya iyon saka namin nakumpirma kung sino ang kausap kiya ng tinawag niya itong Prof. There's such a thing like burner phones. That's amazing though. "Go to the place I texted you and track Miranda, I'll be waiting here," rinig naming saad ni Prof sa kabilang linya. Ni-loud speak kasi namin iyon para marinig naming lahat. Napatingin naman kami sa isa't-isa ng sinabi niya iyon. Alam niya ba kung nasaan si Miranda? "Are you with Miranda?" tanong ni Black. "I'm watching her," saad ni Prof. "Okay, I'll send Red and Aqua," sagot ni Black. Maghahanda na sana kami nang biglang tumutol si Prof. "No, you and Aqua will do, send Red and Teal to the house of Alonzo," utos nito. Nagulat kami dahil doon, hindi pa namin sinasabi ang nakita namin sa Alonzo yet nagbigay na siya ng order para ro'n. "Lime, stay with White," dagdag niya. Naghanda na kaming lahat para sa pag-alis namin. Nang pababa na kami ay saka lang namin na realize na we only have 1 SUV. "Ihahatid ko kayo sa pupuntahan niyo," saad ni Black ng makita niya ang pag-aalangan ko. Umiling naman ako ng may maalala ako kagabi. May nakita kasi akong motorsiklo kanina nang makarating kami rito. Pupuwede namin iyong gamitin. "No, we'll use the motorcycle," saad ko saka nagtungo sa garahe. Sumunod naman sila sa akin. Tumambad sa amin ang motor na nakatabon ng telang itim. It a big bike actually, how can this be? "You know how to drive?" tanong ni Black. Umiling naman ako at tumingin kay Teal. Gaya nga ng sabi ko ay madaldal si Aqua, halos lahat ng nangyari sa kanila ng kuya niya ay ikukuwento niya. Naalala ko ng sinabi niyang minsan na silang pinagalitan dahil hindi sila nagpaalam sa paggamit ng motor. "Yeah, kuya knows how to drive," sagot ni Aqua at saka tumingin din sa kapatid niya. Napatingin din naman si Teal sa amin at tila nagtataka kung bakit alam ko ang tungkol do'n. Tumango naman siya nang makitang hinihintay namin ang sagot niya. "I guess I can," sagot niya. Nakita ko naman ang pagkurba ng kilay ni Black dahil sa sagot niya. "You guess? How can you guarantee your safety if you just guess?" pambabara ni Black kay Teal. Naparolyo naman ang mata ko dahil do'n. Kahit kailan talaga kontrabida 'tong lalaking 'to. "Umalis na nga kayo naghihintay na si Prof do'n," pagtataboy ko sa kanila. Hindi ko na binigyan pa ng pagkakataong magsalita si Black at agad na sinuot ang helmet. Ibinigay ko rin ang isang helmet kay Teal saka binuksan ang garahe. Natatawang tinanggap ito ni Teal saka sumakay sa motor. "Just...be careful," huling saad ni Black. Nag-salute gesture naman si Teal bago pinaandar ang motor. Nang sumenyas siyang puwede na ay sumakay na ako sa likod. Nakita ko pa ang pag-iling ni Black nang palabas na kami. Pinindot ko ang buds sa tainga ko saka nagsalita. "We're on our way to Alonzos' house," saad ko. Mabilis lang ang naging biyahe namin dahil mas madali kaming nakakalusot sa traffic. Pinili namin huminto sa likod ng bahay ng mga Alonzo at pinark ang motor sa lugar na madali naming makukuha kung magkaroon man ng aberya. "Any information about the person's left in the house?" tanong ko saka sinilip ang bahay. Umakyat kami sa pader para makapasok sa loob. "4 maids and 5 securities, just avoid them they're just cooking and checking cams, don't worry I got this," sagot ni White. Tumango naman ako kahit na hindi ito nakikita ni White. Maingat kaming pumasok sa loob gamit ang backdoor nila. Kailangan naming maghanap ng gamit na magpapabagsak sa pangalan ng mag-asawa. We need to find something useful at the office. Dala rin namin ang flash drive ni White kung saan naka-attach na virus na ginagamit niya para makapag-hack. Kailangan lang naming iinject ito sa laptop at computer ng Kapitan. Dahan-dahan kaming naglakad pa tungo sa bahay. Hindi katulad kagabi ay mas marami ang security nila ngayon. Natakot siguro dahil nakapasok kami kagabi. Umakyat na kami ng 2nd floor ng walang nakakapansin sa amin. Napatingin naman ako sa puwesto kung saan ako inatake kagabi. Kung hindi dumating si Black ay baka nasa kulungan na ako. Tila napansin naman iyon ni Teal at tinapik ako sa balikat. "Ayos na ba ang kamay mo?" tanong niya. Nagulat naman ako dahil do'n akala ko ay wala silang alam sa nangyari kagabi kasi hindi sila nagtanong kanina. "Alam namin, hindi kailan man pumapalpak ang source namin," sagot niya sa akin na tila nababasa niya ang iniisip ko. Napatawa naman ako ng mahina dahil do'n, alam ko kasi agad kung sino ang tinutukoy niyang source. Walang iba kung hindi sa Aqua. "Okay na ko, hindi na siya masakit," sagot ko sa kaniya saka nagpatuloy sa paglalakad. Pinasok namin ang kuwarto ng mag-asawa para maghanap ng mga bagay na puwede naming pakinabangan pero walang kung ano'ng nakakaagaw ng atensiyon doon. Pinindot ko ang ear buds ko at saka kinausap si White. "Saan ang office niya?" tanong ko. Nakarinig ako ng ingay sa kabilang linya na tila nagtitipa ng kung ano sa keyboard bago ko sa siya narinig na sumagot. "Sa dulo ng Hallway, madadaan niyo ang control room papunta ro'n," sagot niya. Nilingon ko naman si Teal na nakatingin sa akin ngayon at saka tumango. Bubuksan na sana namin ang pinto nang bigla itong bumukas, agad kami nagtago sa likod ng pinto habang pumasok sa loob ang isang batang lalaki. "Kuya! I can't find my PS5! Are you sure na dito itinago ni daddy," sigaw nito. Mas lalo naming isiniksik ang katawan namin sa likod ng pinto nang may pumasok na binata sa kuwarto. "Stop looking for it or else you're gonna be in trouble," saad nito at saka hinila ang nakababatang kapatid nito palabas ng kuwarto. Sila siguro ang sinasabing anak ng Alonzo, I was informed that they have 2 sons, an elementary and a freshmen. Hinintay namin na makalabas sila at isara ang pinto bago kami napabuga ng hininga, pati ang paghinga namin ay hindi namin napansin. "They're gone, you can come out now," saad ni White. Agad kaming umalis at pumunta na ng office. Napahinto naman kami sa harap nito ng wala akong makita na door knob. "White, may problema tayo rito at hindi ako marunong sa bugtong," saad ko habang napatitig sa smart lock. Narinig ko naman ang pagtawa ng taong nasa kabilang linya at ng katabi ko dahil do'n. That was a unnesecary statement pero hindi ko alam kung bakit iyon ang sinabi ko. "Magaling ako sa bugtong," natatawang saad ni White sunod ng ingay na mula sa keyboard. "130408..." saad ni White. Agad ko namang inilagay iyon at bumukas naman ang pinto. Kusa itong bumukas kaya agad kaming pumasok sa loob. Inaasahan kong may bubungad sa amin na siyang makakatulong sa amin pero isa lang itong ordinaryong office. Naghanap kami sa bawat sulok ng bahay pero wala kaming mahanap. "Wala namang kung ano rito," dismayadong saad ni Teal. "White? May napapansin ka?" tanong ko kay White habang inilibot ko ang paningin ko. "Sinusubukan ko," sagot niya. Tumango naman ako at lumapit sa mga frame. There should be something, hindi puwedeng wala siyang tinatago. Isa-isa kong tiningnan ang mga frame, umaasang may makikita akong kahina-hinala. "Ano'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Teal. "Look around, there must be a vault or a secret door," saad ko sa kaniya nang hindi lumilingon. Nahinto sa estatwa na nakatayo sa gilid ng book shelf. Tiningnan ko ito at dahan-dahang hinawakan ang tainga. Napansin naman iyon ni Teal kaya ito lumapit sa akin, sakto namang paglapit niya ay ang pagbukas ng book shelf. Napatingin kami sa isa't-isa sabay ngisi. "The mouse have been caught," usal ko saka pumasok sa loob. Bumungad sa amin ang silid na parang library, may mga libro at folder. Pero hindi lang ito isang ordinaryong libro, nang kuhanin ko iyon at binuksan ay nakita kong may nakatago sa loob nito. Mga cellphone, may baril, mga alahas. Sadiyang sinira nila ang libro upang maitago ng maayos ang bagay na ito. "Red, tingnan mo 'to," saad ni Teal habang hawak ang isang folder. Lumapit ako rito at saka tiningnan ang laman nito. Isa itong impormasyon ng mga illegal na pagsusugal sa, ang iba pa nga ay financial report. Kitang-kita rin dito ang paggamit ng pondo ng barangay. Kinuha ko ang isang folder at binuksan iyon. Isa itong gambling activity na isinasagawa sa loob ng isang restaurant tuwing gabi. At ang restaurant na iyon ay ang restaurant ni Miranda Luzon. "Grabe, pera ng tao winawaldas nila sa sarili nila," usal ni Teal. "Red, Teal, pabalik na ang mga Alonzo. You need to leave," babala ni White. Kinuha ko naman ang bag ko at isa-isang nilagay ang mga folder roon. Pinakiusapan ko rin si White na kuhanan ng video ang lahat ng nakita namin kanina. Hindi naman mahirap iyon dahil may naka-attach naman na camera sa jacket namin. Nang makuntento sa na kami ay agad kaming umalis sa silid. Si White ang naging gabay namin sa paligid ng bahay. Nagkaroon na kasi siya ng full access sa control system ng bahay kaya mas dumali na lang sa kaniya. Nang makalabas ay saka kami nagtawanan ni Teal. Naghigh-five pa kami bago umalis sa lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD