Chapter 6

2569 Words
Shaynne's POV "Ma, Pa! Alis na po kami!" Sigaw ni Lance sa magulang ko ng makababa kami sa sala mula sa kuwarto ko. He help me pack my things at naki-sleepover pa rito bahay. He found out about sa outing namin ng mga kaibigan ko at heto, nagpupumilit na sumama. Wala namang problema kina Jerome at mas natuwa pa sila nang malaman nilang sasama si Lance. Lumapit ako kay mama na nagluluto ng agahan para humalik sa pisngi nito at magpaalam. "Kumain muna kayo bago umalis," wika ni mama. I hug her as I shook my head. "Kakain na lang kami on our way ma, kailangan na naming umalis. Natagalan kasi kami nang gising." Humalik ako sa pisngi niya bago tinungo si papa na nagbabasa ng kung ano sa laptop niya. Baka isa ito sa mga kasong hahawakan niya. "Pa, mauna na kami," paalam ko bago humalik sa pisngi niya. "Mag-ingat kayo mga anak," wika ni papa ng marating namin ang pinto habang nakatutok pa rin ang mga mata nito sa screen ng laptop. "Opo," sabay na wika namin ni Lance bago lumabas ng bahay. Ito ang first time na lumabas ako na hindi kasama sina mama. They seemed fine with it saka they trusted Lance too much. Nang makalabas na kami ng pinto ay napahinto kami nang may makita kaming tao sa gate. Nagulat din ito nang makita kaming lumabas. "Sino po sila?" tanong ko. Ayaw ko namang maging bastos kahit hindi ko ito kilala. He's wearing an office attire na parang kagagaling niya lang ng trabaho. "Uhm, dito ba nakatira sina Attorney Villegas?" nagdadalawang isip na tanong niya. I slightly frown when my parents were mentioned. Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto sa likuran namin. Lumabas doon si mama na dalang bag at pilit na pinapasok ang lunch box doon. "Anak, nagbalot ako ng baon niyo," wika ni mama nang hindi nakatingin sa amin. Busy kasi siya sa paglagay ng mga pagkain namin sa bag. Nang tumingin siya ay nagulat siya nang makita ang taong kausap namin. "Mendez?" "Attorney Alison Villegas," bati naman no'ng lalaki at bahagya pang yumuko. Umatras naman kami ni Lance para bigyan sila ng distansya at makapag-usap ng maayos. Mukhang kilala naman ito nina mama. Niyaya ito ni mama na pumasok saka kami inihatid palabas ng gate. "Kainin niyo 'to sa biyahe, mag-iingat kayo, okay?" wika ni mama saka kami binigyan ng halik sa pisngi. "Opo, ma. Ako na ang bahala kay Shy," nakangising wika ni Lance. Naparolyo naman ang mata ko dahil do'n at nagpaalam na kay mama. Napadako naman ang isip ko sa lalaking kausap ni mama. Sino kaya iyon? Halos kilala ko kasi lahat ng mga kakilala nina mama maliban na lang sa mga kliyente nila sa kasong hinahawakan nila. Hindi ko pa siya nakikita noon pa. I shake my head at isinawalang bahala ko na lang iyon, alam naman na nila mama ang dapat gawin nila. Hindi na rin kasi bago sa akin na may naghahanap sa mga magulang ko. "Sa wakas! Narito na sila!" rinig kong sigaw ni Jerome nang makita kaming bumaba ng tricycle. Sa isang convenience store namin naisipang magkita kasi sabay-sabay kaming pupunta doon sa resthouse nina Adi. Van din nila ang gagamitin dahil ihahatid kami ng papa niya. "Mga buraot kayo! Nauna na kayong kumain, hindi niyo man lang kami hinintay," wika ni Lance nang makita ang kalat sa isang mesa sa labas ng convenience store. "Tumahimik ka, Renier. Tandaan mo sampid ka lang dito," pambabara ni Maki sa kaniya bago ito lumapit sa akin. Hinayaan nila kaming mag-agahan muna habang hinihintay sina Adi. Bumili na rin sila ng ibang puwedeng makakain namin sa resthouse even though Adi said na hindi na raw namin dapat problemahin 'yon. Hindi mo talaga aakalain mayaman sina Adi. Simple lang kasi ito at hindi ito mayabang sa kung ano ang mayroon siya. Naalala ko pa noon na na-bully siya dahil sa pag-aakalang mahirap lang siya. Ewan ko ba sa mga tao ngayon, habang lumalaki mas nagiging immature. Nang makarating na sina Adi ay gumayak na kami patungong Tagaytay. May private resort kasi sina Adi roon at ginagamit nila iyon for gathering purposes. "Kung inaantok ka, humilig ka lang sa balikat ko," rinig kong bulong ni Lance sa tabi ko. Nakaupo ako malapit sa bintana kasi gusto kong panoorin ang mga tanawin na madadaanan namin mamaya. Napalingon naman ako sa kaniya nang marinig ko iyon. "Hindi nga ako matutulog," anas ko sa kaniya. "Kaya nga sabi ko kapag aantukin ka, 'di ba?" ani niya pabalik. "Hoy, ano'ng binubulong-bulong niyo diyan? Kayo na ba?" singit ni Jerome mula sa likuran namin. Napatingin din sila Maki sa amin na may nakakalokong mga ngiti sa labi. Umirap na lang ako dahil sa kalokohan ng mga ito at itinuon ang pansin sa labas. "Siraulo," wika ko. Napuno na nang tawanan ang loob ng Van dahil sa bangayan nina Lance at Jerome. Nang makarating kami sa lugar ay mas lalo akong namangha sa tanawin. Mainit nga lang. Normal lang iyon kasi summer na rin naman at malapit kami sa dagat. Niyugyog ko ang balikat ng taong nakahilig sa balikat ko. "Gising na, nandito na tayo," wika ko. Tingnan mo 'tong lalaki 'to. May nalalaman pang 'humilig sa balikat' tapos siya pala 'to matutulog. Napaka-clown talaga. Bumaba na kami at bumungad sa amin ang sariwang hangin ng dagat. Isang langhap ko pa lang ay na-e-excite na 'ko. I'll make sure to make this trip memorable, minsan lang 'to 'no. "I'll go ahead," paalam ni tito Jiaquin sa amin bago umalis. Babalik lang siya sa araw ng uwian namin para sunduin kami. Sandali pa silang nag-usap ni Adi bago ito umalis. "Tara na?" aya niya sa amin bago naglakad patungo sa resthouse. It was big and good enough for us. May 6 na kuwarto ito na may tig-dadalawang kama. Gusto pa nga sanang tumabi sa akin si Lance kaso hinila siya ni Jerome. Si Maki ang kasama ko, si Erica at Darlene naman ang magkasama. Si Adi naman ay mag-isa lang sa kuwarto. Parang excited ang lahat sa outing na 'to kasi hindi nila alintana ang pagod sa pagbiyahe. Naisipan agad nilang maligo sa dagat. "Tara na!" sigaw ni Erica habang pababa kami. "Hindi ka mag-ra-rush guard?" tanong ni Jerome sa kaniya. "Hindi na uso ang rush guard ngayon, haler," anas naman nito bago sumunod kina Maki papuntang dagat. Nakasunod lang ako sa likod nila habang yakap ang sarili. Suot ko ang itim na rush guard ko at isang swimwear short. Nagsitakbuhan sila patungo sa dagat. Narinig ko pa ang sigaw ni Jerome nang nagsimulang maghubad si Erica. "Hoy! 'Wag kang mag-shooting ng bold dito! Bawal 'yan," sita niya kay Erica na ngayon ay naka-short at bikini top na lang. Maganda naman ang katawan ni Erica, sa aming magbabarkada ay siya talaga 'yong tinatawag na hubadera. Hindi siya nahihiyang magsuot ng mga sexy na damit. "Halter bikini top pa nga lang 'yan, ang OA mo nang magreact!" sigaw pabalik sa kaniya ni Erica. "Magbihis ka na lang, maraming bata rito oh, minor pa kami baka nakalimutan mo?" anas ni Jerome. "Siraulo! Magkasing edad lang tayo! Matanda lang ako sa 'yo ng isang araw!" sigaw ni Erica. "At least mas matanda ka pa rin! Mas matanda ka sa akin," sigaw ni Jerome at nagsimulang tumakbo nang habulin siya ni Erica. Napuno na kami ng tawanan dahil sa kanilang dalawa. "Hindi ka pa maliligo?" tanong ng kung sino sa likod ko. Nilingon ko iyon at nakita ko si Adi na nakapamulsang naglalakad patungo sa puwesto ko. Nakasuot lang siya ng white T-shirt na pinatungan ng kulay asul na polo. Tinernuhan niya naman ito ng maong shorts na abot hanggang ibabaw ng tuhod niya. "Maliligo na," wika ko. Sabay na kaming naglakad palapit sa kanila. "Ikaw ba?" tanong ko pabalik ng makita kong nakaayos siya at tila walang balak na maligo. Umiling naman siya at humilig sa cottage na malapit sa dagat. "Allergic ako sa dagat," natatawang wika niya. Luminga-linga ako sa paligid nang mapansin kong wala si Lance. "Nasa loob pa, may tumawag kasi sa cellphone niya," sagot ni Adi. Marahil ay napansin niya na hinahanap ko ito. Tumango naman ako. "Hindi ka pa, nakakaligo ng dagat?" tanong ko sa kaniya ng maalala ko sinabi niya. "Siyempre nakaligo na, it's just a mild allergy, pero mabuti na 'yong nag-iingat. Saka isa pa ay unang araw natin ngayon, I don't want to spoil the fun," wika nito. "Akala ko naman ay hindi mo pa talaga na-ta-try..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may umakbay sa aming dalawa at nagulat ako dahil do'n "Ano'ng hindi pa na-ta-try?" singit bigla ni Lance bago pumuwesto sa gitna namin. Napatingin naman ako sa kaniya nang masama dahil muntik na akong matumba. Napatawa rin si Adi roon. "Nagseselos yarn?" sigaw ni Jerome mula sa dagat. Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sila sa amin at lahat sila ay nakangisi. "Out na 'ko baka mamatay ako ng maaga rito," natatawang wika ni Adi saka tinapik ang balikat ni Lance at lumapit sa dalampasigan. Hindi nga lang siya naligo, pinanuod niya lang ang barkada namin. "Siraulo," bulong ni Lance. "Hindi ka pa maliligo?" tanong ko kay Lance nang mapansing hindi ito umalis sa tabi ko. "Ikaw? Hindi ka maliligo?" tanong niya pabalik. "Maya-maya." "Pero maliligo ka?" "Oo," wika ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila palapit sa dagat. Nagpumiglas pa ako sa kaniya pero napahiyaw na lang ako ng bigla niya akong kinarga na parang sako bago tumakbo papunta sa barkada namin. "Hoy Lance! Ibaba mo 'ko," sigaw ko habang pinagpapalo ang likod niya. Parang wala naman siyang narinig at patuloy lang sa pagtakbo. Nang makita ko na ang tubig ay agad ko na lang tinakpan ang ilong ko at pumikit. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paglubog ko sa tubig. Napuno lang kami ng tawanan at asaran hanggang sa magsawa na kami sa kakaligo. Nang makarating kami sa loob ay may nakahanda nang pananghalian sa mesa. Hinanda raw iyon ng mga katulong ng daddy niya. Nagbihis na kami para makababa at kumain. "Naks naman, nahihiya na akong makipag-usap kay Adi. Anak ng mayaman eh, pasensya na bro, ganito lang ako. Ito lang talaga kaya ko, kaguwapuhan ko lang ang kaya kong ibigay," litanya ni Jerome nang makaupo na sa upuan. "Tarantado!" ani ni Adi at muling nagtawanan kami dahil sa kakulitan ni Jerome. Nang makumpleto na kami ay nagsimula na kaming kumain. Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Lance. "Excuse me," wika niya bago lumayo sa mesa at sagutin ang tawag. "Hala sino 'yan? Chixx? Ah wala 'to, babaero. Bastedin mo nga Shaynne," kantiyaw ni Jerome kay Lance na nasa hindi kalayuan. Nakita pa namin ang pagtaas ng kamao ni Lance kay Jerome habang patuloy na kinakausap ang taong nasa tawag. Napuno naman ng kantiyawan ang mesa. "Siraulo, papa ko 'to," sigaw ni Lance at bahagya pang nilayo ang telepono mula sa kaniya. Tinawanan lang siya nina Jerome at Erica dahil dito at pinagtripan pa nila. Na-iiling na lang na pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain sa hapag at hindi sila pinansin. Sanay na ako sa mga ganitong asaran nila kahit na minsan ay nadadamay ako. Tahimik lang akong kumakain nang biglang inilapit ni Darlene ang upuan niya sa akin at nagsalita. "Nililigawan ka ba ni Lance?" tanong ni Darlene sa akin. Nabilaukan naman ako dahil sa tanong niya, agad naman akong inalok ni Maki ng tubig. Umiling ako habang umiinom ng tubig. "Magkaibigan lang kami," sagot ko. "Nako, mahina pala si lover boy natin eh," pang-aasar ni Erica habang nakasulyap kay Lance na busy sa usapan nila ng papa niya. Wala sa sarili naman akong napatingin sa gawi ni Lance. "Na-bestfriend zone eh," dagdag ni Adi. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na muna kami. 3 araw kasi ang outing namin kaya naisipan nilang bumisita sa resort nina Adi. Nakahiwalay kasi ang resthouse sa resort nina Adi. "Shy," tawag pansin sa akin ni Mika habang nag-aayos kami ng gamit namin. Nilingon ko naman siya at itinaas ang dalawang kilay ko. "Matagal na kayong magkaibigan ni Lance, 'di ba?" Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. Lance and I were friends since Grade 3. After the day we went missing ay hindi na niya ako nilubayan. It's not that I hate it, I actually was happy when he come around. Siya lang ang kaibigan ko noon since mahiyain ako noon kaya wala akong masyadong kaibigan. "Oo," sagot ko. "Ni-minsan ba hindi mo siya nagustuhan? Not as a friend ha," she asked me. “Alam mo na, 'yong more than as a friend ang pagkagusto mo sa kaniya," dagdag pa niya. Natigilan naman ako sa tanong niya, napakurap din ang mga mata ko dahil do'n. Hindi kasi ito sumagi sa isip ko noon, nagsimula lang akong napaisip nang umamin siya sa akin after graduation. Napatanong lang ako sa sarili if I feel the same way as he did. "Bakit mo natanong?" tanong ko sa kaniya. "Wala lang, kasi kung ako nasa posisyon mo, malamang matagal ko ng nagustuhan si Lance. Sweet siya at maalaga kahit hindi niya pinapakita sa iba, nagkakasundo kayo at isa pa, ang guwapo kaya ni Lance," wika niya habang itinataas-baba ang kilay niya. Ngumiwi naman ako at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit. "So crush mo siya?" tanong ko. Agad naman siyang umiling at ngumiwi. "Hindi ah! May crush na 'ko at loyal ako sa isa," anas niya at biglang humagikhik ng tawa, marahil ay iniisip niya ang crush niya. I don't know why but I felt relieved to know na hindi niya gusto si Lance. Do I like him ba? "Ano nga? Sagutin mo tanong ko," wika niya at tumabi sa akin. Napaisip naman ako sa tanong niya at tinimbang ang nararamdaman ko para kay Lance. Well, I like being with him. He makes me laugh kahit na nakakaasar siya minsan. He does things for me nang walang hinihinging kapalit. At tama si Maki he's caring kahit hindi niya pinapahalata sa akin. And just thinking about his departure making me sad. Napabuntong hininga naman ako nang ma-realize ko ang katotohanan. Maybe, I do like him pero huli na ang lahat kasi aalis din naman siya. "There's no point of liking him, anyway. So I prefer not to like him back," sagot ko at tinapos na ang pag-aayos ko ng gamit. Napasinghap siya at bahagyang tinakpan ang bibig niya gamit ng T-shirt na tinutupi niya. "So aware ka talaga na gusto ka ni Lance?" Tumango ako bilang sagot. "Akala ko talaga manhid ka!" asar na wika niya at bahagyang pinalo ang braso ko. "Kasi sa kabila ng kantiyaw namin sa inyo, matigas pa rin paninindigan mo na magkaibigan lang kayo," usisa niya. Pareho naman kaming natawa nang maalala namin ang mga kantiyaw nila noon. "Pero bakit ayaw mong umamin?" tanong niya muli. "He's leaving," anas ko habang nakatitig sa kawalan. Wala sa sarili akong napahawak sa kwintas ko. Ito 'yong natanggap ko noong exchange gift namin. 'Yong kuwintas na may desinsyong 'scale of justice' na bigay ni Lance sa akin. It brought a sense of comfort to me kapag nararamdaman ko ito. He's leaving... I'm not even sure if babalik pa siya. He might find someone better at States. He'll find someone better that me. And he will forget me. So yeah, friendship talaga ang pipiliin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD