Shaynne's POV
We were at the park, enjoying our last stay in Bukidnon. Bukas kasi ay babalik na kami ng Manila since may trabaho pa sina mommy at daddy.
Madaming magagandang tanawin dito, sayang lang at wala si Lance. For sure ay matutuwa siya rito. We like common things like enjoying peaceful place kahit hindi halata sa kaniya. There are some things na tanging ako lang ang nakakaalam.
"Shy, pakibantayan si Sandy at baka saan na naman magsusuot 'yan," paalala sa akin ni mama habang nakatingin sa kapatid ko hinahabol ang paru-paro.
Sandy is a curious child, lahat ng bagay may tanong siya at dapat lahat ng tanong niya ay may sagot. Hindi kasi ito titigil hanggat hindi nakukuha ang sagot na gusto niya.
"Why does it keep on flying away?" nakasimangot na wika nito habang nakapamaywang na nakatingin sa paru-paro.
Napatawa naman ako dahil do'n. She looks so frustrated chasing the butterfly.
"What would you expect? You're big and the animal is small. The butterfly will feel threaten if you keep on chasing it," sagot ko rito at tumabi sa kaniya. Pinanuod namin ang insekto na dumapo sa isang bulaklak.
"I don't bite naman, I just wanted to take a look," nakahalumbabang nakatingin sa paru-paro.
"Eh ikaw ba? If a stranger comes at you? Ano'ng gagawin mo?" I asked her as I glance at her. Nakatingin pa rin siya ng mariin sa paru-paro habang nakakunot ang noo.
"I will distance myself..." pabulong na wika nito. I nodded at pinihit muli ang atensiyon sa paru-paro.
"That's what it's doing, it's distancing itself to you, a stranger," I answered. Napatingin naman kami sa paru-paro habang lumilipad ito papalayo.
"But I'm not gonna hurt it," malungkot na wika nito habang nakatingin pa rin sa papalayong paru-paro.
"You really want to see the butterfly up close?" I asked her.
Tumango naman ito ng may ngiti sa labi. Iginiya ko siya patungo kina mama at nagpaalam na aalis kami. Hindi ko alam kung saan makakahanap ng farm na may paru-paro. Magtatanong-tanong na lang siguro ako sa mga makakasalubong namin.
Mabuti na lang at pumayag sina mama kaya naman ginayak na namin ang daan patungo sa kung saan.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin kaming nakikitang paru-paro rito sa bayan.
"Ate, I'm tired," angal ni Sandy bago umupo sa buhangin. Agad ko itong sinita at pinatayo.
"Let's buy tsomething to eat and drink," aya ko sa kaniya habang hawak ang kamay niya.
Hihilain ko na sana ito ngunit hinala niyapabalik ang kamay niya. "I'm exhausted, Ate. I'll stay here," pagmamaktol nito.
"No, you'll come with me, hindi kita puwedeng iwan dito." Nagpilitan pa kami pero matigas talaga ang ulo niya.
"I promise, I'll stay here. Masakit na ang paa ko from walking," angal niya habang hinihimas ang paa niya.
I look at her intently, contemplating if I should consider what she said? Hindi siya nakatingin sa akin kun'di nakatingin siya sa mga batang naglalaro sa bakanteng lote, malapit sa kinatatayuan namin.
"Bakit pakiramdam na sa oras na aalis ako, mawawala ka sa puwesto mo?" Ibinalik ko ang paningin ko sa kaniya. Nakakunot ang noo niya habang nakanguso ang mga labi.
"I won't play with them, I don't even know who they are," mabilis na sagot niya bago tinanggal ang suot na sapatos. Nakita ko ang pamumula ng paa niya, naguilty tuloy ako dahil sa pangungulit ko na maglakad ito.
"Fine, I'll go. Basta promise mo na hindi ka aalis dito ah!" banta ko sa kaniya.
Tumango naman siya at sumenyas na umalis na ako. Nakaupo sa ilalim ng lilim ng puno. May upuan kasi roon na puwedeng tambayan.
Agad akong nagtungo sa pinakamalapit na tindahan. May mga naunang kustomer sa akin kaya naman medyo natagalan ako. Bumili lang ako ng biscuit at bottled water. Nang makuha ko na ang sukli ay tinakbo ko ang tinanggalin namin kanina. I halt when I didn't saw Sandy at the bench.
Sabi ko na nga ba eh!
I look around trying to find her. Nilingon ang mga batang naglalaro sa bakanteng lote, nagbabakasaling naroon si Sandy pero wala akong nakitang batang nakadress.
Sinimulan na akong kabahan dahil sa pagkawala ng kapatid ko. Naglakad ako at nagtanong-tanong sa mga taong malapit sa puwesto namin kanina pero hindi raw nila nakita ang kapatid ko.
Sandy! Nasaan ka na?
Naglakad-lakad ako sa tabi-tabi, nagbabakasaling makita ang kapatid ko. Ano kaya'ng nangyari sa batang iyon?
Halos 30 minuto na akong naghahanap sa kaniya ngunit hindi ko pa rin ito makita. Please, 'wag niyo hayaang may masamang mangyari sa kapatid ko. I won't forgive myself if that will happen.
Balisa akong nag-iisip kung ano ang gagawin, tiyak na magagalit si mama kapag nalaman.
Sa gitna nang pag-iisip ko ay naisipan kong bumalik sa pinanggalingan namin. Matalino si Sandy, if ever na mawawala siya, tiyak na babalik 'yon sa pinanggalingan namin. Lakad-rakbo kong tinungo ang lugar at hindi nga ako nagkamali.
Nakaupo si Sandy roon habang may hawak na cotton candy. Nakaupo lang siya roon na tila walang nangyari.
"Sandy! Where have you been?"
Tinawid ko ang pagitan namin. Napatingin naman siya sa gawi ko at kabadong ngumiti.
"Hindi ba't nag-usap na tayo na hindi ka aalis dito," pangangaral ko sa kaniya.
"I didn't...left," bulong niya.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa katwiran niya. When did she learn to lie?
"Nawala ka rito nang bumalik ako. Nagsisinungaling ka ba?"
"Ate, no. I just left and hide kasi may mga creepy stranger na tumambay rito kanina. It makes me uncomfortable so I left for a while," paliwanag nito habang nakanguso.
Napataas naman ang isang kilay ko habang pinasadahan ng tingin ang hawak niyang cotton candy.
"At saan mo nakuha 'yan?" Turo ko sa hawak niyang cotton candy. Tiningnan. Niya rin ito bago ngumiti sa akin.
"A nice cotton candy vendor give it to me," nakangising wika niya.
"Hindi ka dapat tumatanggap ng kung ano sa mga taong hindi mo kakilala," paalala ko sa kaniya. Uso kasi ang modus na iyan sa mga batang nakikidnap.
"He seems nice and he didn't force me to come with him," she stated.
Napabuntong hininga naman ako. Ang importante ay nandito na siya at okay siya. Binigay ko sa kaniya ang binili kong pagkain bago naisipang bumalik kina mama. I told them what happened, of course I can't lie to them. Hindi naman sila nagalit pero pinaalalahanan nila ako na mag-ingat next time.
Umuwi na kami sa bahay na tinitirhan namin ngayon. Naroon sina ate Kinda at kapatid niya, umalis daw ang mga magulang nito para may bilhin sa bayan. Tumulong ako sa panghanda ng hapunan, mabait naman ang kapatid ni ate Linda na si Claire, tahimik nga lang.
Umakyat ako sa kuwarto upang makapaglinis ng katawan. Nagsuot ako ng isang simpleng t-shirt at jersey short. Kay Lance ito no'ng Grade 8 kami, napasali kasi siya sa basketball team noon kasi kulang sila. Nakakatawa pa nga kasi kalalaki niyang tao pero hindi siya marunong maglaro ng basketball. Naalala ko pa noon na halos mangiyak-ngiyak siya sa training.
Napatingin ako sa cellphone ko at sinilip iyon. Walang tawag o ni-text man lang na galing sa kaniya. Ayos na ba talaga kami? O nag-a-assume lang ako na okay na kami?
"Anak, kakain na," rinig kong wika ni mama sa labas ng kuwarto na siyang sinagot ko.
Tiningnan kong muli ang cellphone ko. Hindi naman siguro masamang tumawag nang isang beses. Pinindot ko ang call button sa number niya, hinintay ko itong sumagot pero dumerikta lang ito sa voicemail.
Baka busy ito? Hindi na ako namilit pa at bumaba na para kumain. Sabay-sabay kaming kumain at nagkuwentuhan sa hapag kasama ang mga magulang nina ate Linda. Pagkatapos no'n ay maaga kaming pinagpahinga nina mama dahil mahaba pa ang biyahe namin bukas.
Nakahiga lang ako sa kama habang nakatitig sa phone ko. Nakatulog na si Sandy sa tabi dala na rin siguro sa pagod kanina. Halos isang oras din kaming naglakad.
Napagpasiyahan kong buksan ang f*******: ko. May mga mensahe akong natanggap mula kina Maki pero wala akong natanggap ni isa mula kay Lance. Nasaan na kaya ang lalaking 'yon?
Sinubukan kong bisitahin ang timeline niya, wala itong recent post since hindi naman talaga mahilig magfacebook si Lance. Sinubukan kong tingnan ang IG niya kung mayroon ba siyang story man lang.
Halos mapapalakpak ako ng makita kong may story siya. Pinindot ko iyon, nasa isang pagtitipon siya, hindi siya nakikita sa video pero naririnig ko ang tawanan nila. Kasama niya ang mga barkada niya.
Napadako naman ako sa story ng kaibigan niya. Sila pa rin iyon pero nakikita na si Lance.
"Hoy! Gags 'wag niyong away si Renier, broken 'yan!" natatawang sigaw ng isa sa mga kaibigan niya mula sa video.
Napansin ko na biglang inigaw ng kaibigan niya ang camera at itinutok ito sa kaniya.
"Bro, kumusta ang feeling na ma-friendzone ng isang future abogad—" hindi ko narinig ang huling sinabi niya dahil sumigaw si Lance.
"Siraulo, ibalik niyo 'yan!" sigaw niya habang pinilit na inaabot ang cellphone.
"Paano ka binasted ni Shay—"
"Akin na sabi!"
Napangiti na lang ako nang makita kong naghahabulan na sila.
"Pfft. Mga isip bata talaga," naiiling na wika ko bago inilapag ang cellphone.
Kinabukasan ay maaga kaming gumising para maabutan ang flight namin. Nag-iinarte kasi si Sandy na nakakahilo raw ang barko kaya naman nagpabook na agad ng flight si papa.
"Salamat po sa pagbisita, Attorney," wika ng ina ni ate Linda.
"Nako, Sally na lang at salamat din sa pagpapatuloy sa amin," wika naman ni mama. Napatingin naman kina ate Linda at nakitang nakatingin ang kapatid nito sa akin. Binigyan niya ako ng maliit na ngiti at malimit na kumaway, sinuklian ko naman ito at nagpaalam na nang tuluyan. Hinatid muna namin sa daungan ng barko ang kotse bago tumungo sa airport.
Busy naman si Sandy sa kakatipa sa IPad niya. Akala ko nga naglalaro ito pero nanunuod pala ng video. Habang naghihintay sa flight namin ay naisipan kong maiwan ng mensahe sa GC namin. Nag-aya kasi sina Jerome na mag-beach kami kapag nakauwi kami.
Nang tinawag na ang flight namin ay nilihpit na namin ang nga gamit namin at nagtungo na sa eroplano. Katabi ko sa mama at Shaun na mahimbing na natutulog. Napahikab naman ako dahil sa inaantok na rin ako. Maaga kaming gumising kanina ka literal na aantukin talaga ako. Ginamit ko ang earphone ko at nilagay iyon sa tenga. Nakinig lang ako ng mga classic song habang hinahayaan na magsara ang mga talukap ng mata ko.
Nagising lang ako nang makarating kami sa NAIA, ang bilis pala ng oras.
"Anak ang mga gamit ni Sandy, pakikuha," turo ni mama sa maleta ni Sandy. Nakatulog kasi ito habang karga-karga ni papa. Kinuha ko namang ang gamit nito at sumunod na sa kanila. Napahinto naman ako ng may nahagip ang mata ko sa kaliwang banda ng airport. Nang lingunin ko iyon ay hindi ko ito nakita.
Namamalikmata ba ako? Umiling ako at sumunod na lang kina mama. Nagtaxi na kami dahil pagod na ang lahat. Pupuntahan na lang daw ni papa mamaya ang kotse. Tahimik lang ang biyahe dahil na rin siguro sa tulog ang tatlo sa amin. Tanging si papa na lang at ako ang gising.
"Napag-isipan mo na ba ang kukunin mo sa kolehiyo, anak?" tanong niya sa akin nang makitang gising pa ako.
Tumango naman ako. "I'll take Legal Management papa at mag-lo-law school after I graduated," nakangiting bulalas ko.
Ngumiti naman si papa sa akin pero may kung ano sa ngiti niya na hindi ko maintindihan.
"Are you really sure about becoming a lawyer?" he asked me. Napakunot naman ang noo ko at hinarap siya.
"Opo, I want to be a great Lawyer like you and mama. Don't worry papa, I'm not taking law dahil sa nag-law kayo ni mama. It's my own choice and I really want to study law kahit hindi pa kayo naging abogado," O expalined. Baka kasi iniisip ni papa na kaya ako mag-aabogado dahil sa abogado sila, parang family pressure kumbaga.
"Are you happy?" he asked.
"Paoa, you don't have to worry about me. Did you forgot na anak niyo ako ni mama?" Napatawa naman siya dahil do'n.
"Alright, alright. Magpahinga ka na diyan, gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo."
Tumango na lang ako kahit hindi naman ako inaantok, nakatulog kasi ako sa flight namin kanina kaya hindi ako tinatamaan ng antok ngayon. Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay ako na ang tumulong kay papa na magbaba ng gamit. Pumasok sila sa loob para ilagay sa kuwarto ang mga natutulog kong kapatid.
Naiwan ako sa labas para bantayan ang gamit namin nang biglang may tumakio ng mga mata ko. Kahit hindi ko ito lingunin ay alam ko na kung sino ito.
"Hulaan mo..." pakantang wika nito.
Tumawa na lang ako dahil sa pilit niyang iniiba ang boses niya, nagbabakasaling hindi ko siya makilala.
"Tigil-tigilan mo ko, Renier," wika ko sa kaniya at pabirong siniko siya. Agad nitong tinanggal ang kamay sa mata ko sa humarap sa akin.
"Ano ba 'yan, pati ikaw nakiki-Renier," nakasimangot na wika nito. Nag-asaran pa kami, just like before, parang walang problema. This one of the reason why I chooses to be just friend with him. Ayokong mawala ang bonding namin na ito, alam ko kasing mag-iiba ang lahat if umamin ako. Things will not be the same anymore.
"Welcome back," nakangiting wika niya sa akin. Nakatitig ang mga kulay dagat na mata niya sa akin. I smile at him.
"I miss you..."