Chapter 4

2774 Words
Shaynne's POV Ilang linggo na ang lumpias pagkatapos no'ng graduation namin. Ilang linggo na rin akong hindi kinakausap ni Lance. Sinubukan ko siyang i-chat sa Messenger at tinext, pero na-realize ko na masyado akong selfish. Nalilito pa siya sa ngayon at heto ako, ginugulo siya. Dapat nga siguro bigyan ko siya ng panahon para makapag-isip. "Nakahanda na ba ang lahat?" tanong ni mommy habang nakasilip sa pinto ng kuwarto ko. Naisipan kasi nila daddy na magbakasyon kami sa Mindanao. Gustong-gusto ko rin kasi pumunta roon kasi balita ko ay maraming magagandang tanawin do'n at maraming bukid. Paniguradong presko ang hangin, hindi tulad dito sa Manila na kulang na lang ay pati sa loob ng bahay ay poluted din ang hangin. "Opo, Ma. Si Sandy po, nakabihis na?" Sakto namang pagtanong ko no'n ay bumulabog sa buong bahay ang sigaw ng kapatid kong babae. "Mommy! Bakit hindi na 'to kasya sa akin?" Nagtatakbong sigaw niya, marahil galing sa kuwarto niya ay tumakbo siya rito. Hawak niya ang suot na dress na sa pagkakatanda ko ay binili last last year. Kinuha naman iyon ni mommy sa kamay niya. "Anak, lumalaki ka na kasi kaya lumiit na 'tong dress sa'yo," wika nito sa kapatid ko. "But that's favorite!" pagmamatigas niya. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kaartehan ng kapatid ko. "Sandy, tatlong beses mo lang sinuot 'yan tapos favorite mo? Kamusta naman kaya 'yong bag mo ma Frozen na nasira kakagamit mo," wika ko sa kaniya habang sinasara ang bag ko. Sakto na pang 5 araw na damit lang ang dala ko, hindi ko na dinamihan. Hindi naman gano'n kaburara sa damit, puwede kung labhan ang iba if kinulang ako. "That's why hindi ko siya madalas suotin kasi ayaw kong masira, saka about the bag, binilhan ako ni mommy ng mas maganda no'n," paliwanag niya habang nakapamewang. Umirap na lang ako at hinila siya papunta sa kuwarto niya. "Ako na bahala rito, Ma. Si Papa at si Shaun na lang po asikasuhin niyo," sabi ko kay mama bago hinila si Sandy pabalik sa kuwarto niya. Nagbulakbol pa ito pero wala naman siyang magagawa. "Nasaan na mga gamit mo?" tanong ko rito habang nililibot ang paningin sa kuwarto niya, hinahanap ang bagahe niya. "I didn't pack anything, yet. Namimili pa ako ng damit," sabi nito sabay turo sa mga damit na nasa kama niya. Napakamot na lang ako sa ulo dahil do'n. "Sandy, naman eh. Kagabi ka pa sinabihan na mag-empake na hanggang ngayon hindi mo pa ginagawa," usal ko rito. Lumapit ako sa closet niya at kinuha ang maliit na pink na maleta ro'n. Kumuha na rin ako ng isa pang bag dahil panigurado hindi magkakasiya sa maleta ang dadalhin nito. Inutusan ko siya na kunin ang mga gamit na dadalhin niya at gaya nga ng inaasahan ko ay kinulang pa ang maleta niya. Habang inaayos namin ang mga gamit niya ay bigla itong nagsalita. "Hindi ba si sasama si Kuya Lance sa atin?" inosenteng tanong nito. Pinasadahan ko naman siya nang tingin bago pinagpatuloy ang pagliligpit ng kalat niya. "Bakit? Namimiss mo? Inaaway mo 'yon palagi kapag narito ah?" pagbibiro ko. Sumimangot naman ang mukha nito bago umirap "As if!" wika nito bago umupo sa harap ko. "It was just I'm use on seeing him with us every summer. Tapos ngayon, wala siya. That's new," usal nito. Napatingin naman ako sa kapatid ko dahil do'n. Totoo nga, laging sa amin nagbabakasyon si Lance kaya hindi na ako magtataka kung bakit naninibago si Sandy sa pagkawala nito. Napakurap naman ako nang bigla niyang ibinaling ang tingin sa akin. Sumingkit rin ang mga mata nito habang tinitingnan ako. "Did you guys fight? Last time kasi na nandito siya ay galing siya sa room mo, after that, he left. Iniwan niy nga daddy niya eh," mahabang wika nito. Napa-isip naman ako do'n. Nagtampo ba siya sa akin dahil mas pinili kong maging kaibigan lang kami? Hindi naman siguro 'di ba? Kahit isip bata 'yon ay hinding-hindi niya kami iiwasan dahil do'n. "Hindi ah," depensa ko bago ipinasok ang mga damit na hindi niya kailangan sa closet niya. Nang matapos na kami ay bumaba na kami sa sala. Dinaanan ko na rin sa kuwarto ang bagahe ko habang bitbit ang maleta ni Sandy. Bitbit niya naman ang bag niya at panay ang reklamo na mabigat daw. "Ang dami mo kasing dinala, tapos ngayon magrereklamo ka?" wika ko rito. Napanguso lang siya at sumunod na kina mama sa labas. Isang ship ang sasakayan namin since dadalhin namin ang kotse. Mahaba-haba pa ang biyahe kaya naisipan ko munang matulog dahil maaga pa naman. Nagising ako pasado alas nuebe ng umaga, sakto namang bumukas ang pinto sa kuwartong tinutulugan ko. "Anak, kakain na," wika ni papa. Tumango naman ako at bumangon na. Naghilamos muna ako ng mukha bago lumabas. Tinungo ko ang kainan ng ship at hinanap sina mommy do'n. Kumaway naman ang mga ito kaya naman hindi na ako nahirapan sa paghahanap. Agad akong lumapit dito. May mga nakahanda agahan sa mesa at tila ako na lang ang hinihintay nila. Gaya nang nakagawian ay nagdasal muna kami bago kumain. Matapos kumain ay naglibot-libot kami sa barko at nagpahinga sa deck. "Sayang hindi natin kasama si Lance," malungkot na tinig mama. "Mama, kasama niya ang Daddy niya. Minsan lang pumupunta ng Pinas si Tito kaya hayaan na muna natin sila," natatawang komento pero kaloob-looban ko ay nanghihinayang din ako. Simula pagkabata ay halos hindi na kami mapaghiwalay. Naalala ko pa 'yong araw na una kaming nagkita. Naglilibot ako sa parke dahil hinahanap ko ang mga magulang ko. Nawala kasi ako marahil sa panay ang takbo ko kung saan-saan. Nang mapagod ako sa kakatakbo at kahahanap sa magulang ko ay naisipan kong maupo muna sa swing na malapit sa kinatatayuan ko. Habang naglalaro ay nakarinig ako isang iyak. Nakaramdam ako ng takot nang panahon na iyon. Sinubukan kong hanapin ang pinanggalingan ng tunog at nagmumula iyon sa likod ko. May malaking bato kasi roon katabi ng fountain. Ang sabi nila ay may kalaliman daw ang fountain na iyon kaya naman habilin sa akin ni mama na huwag maglalaro malapit do'n. Pero dahil sa murang edad ay punong-puno ako ng kuryosidad kaya naman lumapit ako rito. Nagulat na lang ako nang may makita akong bata sa fountain, umiiyak ito at may sugat sa tuhod. Hindi naman gano'n kalalim ang tubig sa fountain kaya naman hindi ito nalunod. Pero malalim nga ito para sa isang bata. "Psst! Bata? Anong ginagawa mo riyan?" tanong ko rito habang dumudungaw sa bato. Nakita ko naman itong tumingala sa akin at muling naiyak. "I want mommy! I want daddy!" iyak nito. "Hindi ko kilala mommy at daddy mo, eh. Walang tao rito, ako lang," wika ko sa kaniya. Wala na masyadong tao sa playground dahil na rin siguro sa gabi na at may palabas sa event center ng Oval. Ilang araw na lang kasi ay pasko na. Hindi rin ako makahihingi nang tulong sa labas kasi naka-lock na ang gate ng playground. "I fall... My knee hurts... I'm cold and I'm afraid," putol-putol na wika nito. Pinunasan nito ang mukha niya gamit ng maputik niyang kamay. Kumalat tuloy ang putik sa mukha niya. Tiningnan ko ang kabuuan niya at napansing madumi ito dahil sa pinaghalong putik, tubig at lumot. Naawa naman ako sa hitsura nito kaya naman inilibot ko ang paningin sa paligid. Nakita ko naman hose sa gilid ng playground. "Teka lang, may kukunin lang ako," paalam ko rito. Narinig ko naman ang pagtawag nito nang umalis ako sa bato. Tinakbo ko ang pagitan ng hose sa bato. Agad naman akong bumalik at dumungaw muli sa batang lalaki. "Psst. May ibibigay ako sa'yo, hilain mo ah?" utos ko sa kaniya bago inihagis ang dulo ng hose sa kaniya. Tiningnan niya naman ito at muling tumingala sa akin. "Hilain mo para mahila kita," paliwanag ko. "I can't understand you," bulalas nito habang nakatingin pa rin sa akin. Napakamot naman ako ng ulo dahil sa sitwasyong hinaharap ko. Kaunti lang ang alam ko sa salitang Ingles. Grade 1 pa ako kaya hindi pa ako ganoon kahasa rito. "Hold it... I'll grab you," paliwanag ko gamit ang mga salitang Ingles alam ko. Tiningnan niya ang hose na nasa tabi niya at hinawakan ito at muling tumingala sa akin. "Are you telling me to grab it? So you can pull me up?" inosenteng tanong niya. Kahit hindi ko ito masyadong maintindihan ay tumango na lang ako. Hinawakan niya ang hose ng mahigpit at tumingala sa akin. "You can pull it now," wika niya. "Okay," sagot ko sa kaniya bago umatras at hinila ang hose. Pero kahit ilang bese ko pa itong hinalain ay ko pa rin siya maangat. "It's not working!" sigaw nito mula sa fountain. Napabuga ako ng hangin at bumalik sa bato at dumungaw sa kaniya. Nakita ko ang paglukot ng mukha niya tanda na naiiyak na naman siya. "No, don't cry. Huwag kang iiyak, makalalabas ka rin diyan, okay?" pagpapakalma ko rito. Muli kong inilibot ang paningin ko pero wala na akong mahanap na iba pang puwedeng gamitin. Muli kong kinuha ang hose at itinali sa duyan. Lumapit ako sa bato habang hawak ang hose. "Alis ka riyan. Bababa ako," saad ko sa kaniya habang nagse-senyas. Mukhang naintindihan niya naman iyon dahil umalis siya sa puwesto niya. Dahan-dahan akong bumaba ng bato pero dahil sa dulas ng hose ay nahulog ako sa baba. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Inilahad niya ang kamay niya kaya naman tinggap ko ito at tiningnan ang puting bestida ko na naging kulay itim na. "I'm fine, ikaw?" tanong ko rito. "I'm...fine," sagot niya. Napasimangot naman ako dahil do'n. "Sinungaling," wika ko. Madilim na sa paligid pero dahil sa ilaw ng poste na malapit sa amin ay nakikita ko ng malinaw ang mukha niya. Maputi ang balat nito, mas matangkad ako sa kaniya ng kaunti. Kumikislap din ang kulay asul niyang mata, katulad ng kulay ng malalim na dagat. Para itong kulay itim kapag hindi nasisinagan ng liwanag. Hindi Pinoy 'to. Sa pananalita pa lang ay malalaman mo na talagang taga-ibang bansa ito. "What?" naguguluhang tanong niya. "I'm sorry but I can't understand what you're saying. I only know how to speak English," paliwanag niya. Muli akong napakamot sa ulo ko dahil sa salitang 'English' lang ang naintindihan ko sa lahat ng sinabi niya. "Ano ba 'yan? Grade 1 pa lang ako pero pinapahirapan na ako ng ganito," pagmamaktol niya. Muli namang nagtanong ang bata sa kaniya. "I really don't understand," wika niya. "Hindi ko rin understand." Natahimik naman kami dahil doon. Sumuko na lang kami kasi hindi naman talaga kami magkaintindihan. Naupo na lang kami sa tabi habang naghihintay na may makakita sa amin. Hindi na namin magamit ang hose kasi nadudulas lang ito sa kamay namin. Napalingon ako sa gawi niya at saktong namang lumingon din siya sa gawi ko. Nang magtagpo ang mga mata naman ay sabay kaming napatawa sa hindi alam na dahilan. Hindi na rin siya umiiyak katulad no'ng una. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko sabay pakilala sa sarili, "I'm Lance. What about you?" Tiningnan ko naman ang nakalahad niyang kamay at nakangiting tinanggap ito saka tumingin sa mukha niya. "Ako si Shaynne." Mula no'n ay naging magkaibigan na kami. Ako rin ang nagturo sa kaniya ng salitang tagalog, hindi pa ganoon kasikat ang nanay niya sa pagmomodelo at ang daddy niya naman ay madalas sa America dahil sa negosyo. Nagpa-iwan siya sa poder ng mama niya at madalas na pumupunta sa amin. Napabuntong hininga ako habang inaalala ang mga kakulitan namin noon. Ano kaya ang mangyayari sa pagkakaibigan namin kung sakaling gusto niya talaga ako? Kasalukuyan naming binaybay ang daan patungo sa bahay nila Ate Linda. Siya 'yong mabait na kapitbahay bahay namin, madalas na nagbabantay kay Shaun. Bisaya talaga si ate, napadpad lang siya ng Laguna dahil doon siya nag-aral ng kolehiyo, nakakuha kasi siya ng scholarship sa isang unibersidad. Doon na rin siya naghanap ng trabaho nang maka-graduate. Ayaw nga niyang tinatawag ko siyang ate kasi ang tanda niya na raw para maging ate ko. 27 pa lang naman siya kaya wala naman sigurong masama kung ate ang tawag ko sa kaniya. "Attorney! Mabuti po at hindi kayo naligaw," bati sa ami ni ate Linda nang makarating kami sa tahanan nila. Simple lang ang bahay nila, apat lang ang nakatira rito. Silang 2 na magkakapatid at ang magulang nila. Mababait din ang mga ito tulad ni ate Linda kaya naman gumaan ang pakiramdam ko. Mainit ang pagtanggap nila sa amin. Pinakilala niya ang mga magulang niya at ang kapatid nito na babae, kasing edad ko lang ito. "Natanggap siya sa isang unibersidad sa Cebu, baka do'n na rin siya mag-aaral," masayang anunsyo ng nanay ni ate Linda. Halata sa mukha nito ang tuwa at halatang proud ito sa anak niya. Napangiti naman ako dahil do'n. Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ay naghahanda na kami para matulog. Nagtotoothbrush ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko iyon para tingnan kung sino ang tumatawag. Si Lance! Agad-agad akong nagmumog at pinunasan ang bibig ko. "Hello?" bati ko sa taong nasa kabilang linya. Wala akong naririnig na ingay mula sa kabilang linya. "Hi," sagot nito pagkalipas ng ilang segundo na katahimikan. Hindi agad ako nakasagot sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ilang linggo rin kaming hindi nag-uusap. "How are you?" rinig kong tanong niya nang hindi ako makasagot agad. "Ayos lang...ikaw?" "I'm doing good..." Wala nang nagsalita sa amin pagkatapos no'n. Akala ko ay na-off na ang tawag pero ongoing pa rin ito. Hinintay ko ang sasabihin niya. "You're at Mindanao?" panimulang tanong niya. "Yep." "Kumusta ang biyahe? Hindi ka ba sumuka?" tanong niya habang natatawa. Agad naman akong napasimangot dahil do'n. Hindi kasi ako sanay bumiyahe noon, madalas akong nasusuka at nahihilo. "Hindi ah! Hindi na kaya ako sumusuka sa biyahe," depensa ko habang umupo sa kama ko. Kasama ko si Sandy sa kuwarto at nauna na itong natulog. "Hindi ako naniniwala," natatawang kumento niya. Nag-asaran pa kami do'n na para bang hindi nangyari ang mga araw na hindi kami nagpansinan. "Shaynne..." Natigil ako sa pagtawa ng mahimigan kong seryoso ang tono niya. "I'm heading to US," dugtong niya. Hindi naman ako nakasagot agad at sandali g napaisip sa sinabi niya. "Magbabakasyon?" tanong ko. Mayroon akong kutob pero pilit ko itong isinantabi. "No... Sa US na ako mag-aaral. Dad wants me to spend my college year at America." Natameme ako dahil sa sinabi niya. Sa America na siya mag-aaral? Ibig sabihin aalis na siya? Iiwan niya 'ko? "Aalis ka na?" "Yeah." "B-babalik ka ba?" tanong ko sa kaniya. Nakakalungkot lang isipin na hindi na namin makikita ang isa't-isa. Matagal na panahon din kaming nagsama, to think na darating ang araw na maghihiwalay kami, hindi ko maiwasang malungkot. Mawawalan ako ng kaibigan, mawawala ang taong mahalaga sa akin. Oo at sinabi kong hindi ko siya gusto, but I know deep down on my heart, gusto siya. Hindi ko alam kung kailan nagsimula 'to pero ang alam ko lang ay hindi na kaibigan ang tingin ko sa kaniya. "Of course... After I graduated, babalik ako sa Pilipinas. I still have an unfinished business here," sagot niya sa mababang tono na tila may malamin na kahulugan ang sinabi niya. "That's good..." "I'm sorry, I really wanted to spend my senior year and college year with you. But my dad really needs me, he has serious illness, as a son, this is the only way I can do for him. To be by his side..." Napabuntong hininga ako at pinutol ang sasabihin niya. "Hindi mo kailangang mag-sorry, Sira. Of course, family should always comes first," sagot ko sa kaniya. "Lance, listen. We still have so many years to spend. 6-7 years were just nothing. Hindi natin mapapansin ang panahon, baka nga paggising natin 7 years na pala ang lumipas. We can continue our lives at magkikita pa rin naman tayo. Lalo na at sinabi mong babalik ka," dagdag ko. "This will be a bit inappropriate but..." putol niya at sandaling natahimik ang kabilang linya. "I'm now sure of what I felt towards you Shaynne. I like you, not as a friend but as a girl that I admire. I know you don't feel the same way and I will not force you. Pero sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa akin. I'll promise to do a proper confession when you're back..." Napakagat ako sa ibabang labi ko habang patuloy pa rin siya sa pag-amin sa akin. 'Oh, Lance, if you only knew my real feelings towards you.' wika ko sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD