Third Person's POV Nang marating ni Lance ang bahay ay agad niya sinuri ang loob ng truck para tingnan kung may kahina-hinala bang bagay roon. Nang wala siyang makita ay agad siyang pumasok ng gate. Inilagay niya ang kamay sa likod at hinawakan ang baril niya saka tahimik na inilibot ang paningin sa bakuran. Tahimik lang bahay na parang wala itong katao-tao. Nang makalapit na si Lance sa pinto ay agad siyang kumatok dito gamit ang kaliwang kamay habang ang kanan naman ay mahigpit na nakahawak sa baril niya. "Hello?" tawag ni Lance sa tao ng bahay ngunit kahit anong gawin niya ay walang sumasagot sa kaniya. Pinihit niya ang seradura ng pinto at binuksan ito. Itinutok niya agad ang baril sa loob ng bahay at pumasok dito. "Coming in!" sigaw ni Lance. Maingat niyang pinasok ang bahay at

