Shaynne's POV "Everything's clear?" rinig naming tanong ng propesor sa kabilang linya gamit ng earbuds. Binabaybay namin ang daan patungo sa pinto papunta sa bahay ng Abarquez. Hindi kasi namin inakalang ganito pala kalawak ang tunnel na nasa Blueprint. Marami ring mga pinto at malalaking kuwarto. "Wait. Did you guys notice something?" tanong ni Violet sa gitna nang paglallakad at paghahanap namin ng lagusan papunta sa bahay ng mga Abarquez. Napatingin naman kaming lahat kay Violet at hinintay ang sasabihin niya. "This place should be abandoned, right? And no one lives here? Then why the heck is this place clean and maintained?" saad bago muling tiningnan ang paligid namin. Napahinto kami dahil sa sinabi ni Violet at agad na nagmasid sa paligid. Kataka-taka nga ang linis nito na para b

