Lance's POV Binuksan ko ang bawat pinto na nakikita ko. Why does this place have this kind of...secret hideout? And it's big, I mean spacious! Tanging buntong hininga lang ang nagagawa ko tuwing binubuksan ko ang mga pinto. Bumubungad lang sa akin ang iba't-ibang kuwarto na walang laman. Where did they go? Nagpatuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa mabuksan ko ang pinto na naglalaman ng isa pang hallway. Hindi ito kasing laki ng unang hallway at kokonti na lang mga pinto na naroon. Nakarinig ako ng ingay mula sa hindi kalayuan kaya agad ko itong hinanap. Isa-isa kong binuksan ang mga pinto at hinanap kung saan nagmula ang ingay. "Where is it?" bulong ko sa sarili hanggang sa muli akong makarinig ng ingay. Agad akong lumabas ng kuwartong kinaroroonan ko at hinanap ang ingay. Nasa la

