Shaynne's POV A month have passed simula nang mamatay si Martinez at ang dati nitong nobya. Hindi pa rin ako makapaniwala, it still upset me na kahit isang kuting na impormasyon ay wala akong nakuha. Mas doble naman ang nararamdaman ni Tatay Lime ngayon. Namatayan siya ng anak, at hindi niya man lang ito nakita sa huling pagkakataon. Hindi siya binigyan ng pagkakataong maihatid ito sa huling hantungan. Dahil sa pagtakas niya sa kulungan ay hindi niya ito malayang nakita. Higit sa lahat, no'ng gabing iyon, nabuhay pa rin ang nurse. Nakakadismaya lang dahil ang tao sa likod ng pagkamatay nina Nicholai Martinez at Jessica Sales ay buhay at malaya. Sa halip na siya ang managot ay kaming dalawa ni Black ang naging wanted, lalo na ako dahil ako ang mismong umatake sa nurse. May ipinakalat n

