Lance's POV "Mariano! Pinapatawag ka ni Chief," sigaw ng isa sa kasamahan ko. Napatingin naman sa gawi ko si Karylle na may nagtatanong na mata. Nagkibit-balikat lang ako bago pumunta sa opisina ng Chief namin. Mag iisang linggo simula no'ng huling bisita ko sa crime scene ng isang Hit and run na kaso. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na kausapin ang mga biktima. Sabi ni Chief masyado ps rawng maaga para sumama maghandle ako ng kaso. Bumalik ako sa dati kong trabaho, pero ngayon ay hindi na ako taga xerox at timpla ng kape, naging mensahero na ako. Nang makarating ako sa office ni Chief ay agad akong kumatok sa pinto nito. Narinig ko namang sumagot si Chief sa loob kaya naman pumasok na ako. Agad akong sumaludo bilang pagbati sa kaniya, sumenyas siya sa upuan sa harap ng table niya. M

