Lance's POV Matapos ng isang linggong pag-aayos ng lilipatan ko. Inayos ko na rin ang mga papeles ko at naisipang gamitin ang apilyedo ni mama. Simula kasi ng mag-aral ako sa Amerika ay iniiwasan kong isipin ng mga tao umaasa lang ako sa dad ko. I want to build my own name kaya naman kinumbinsi ko si dad na Mariano ang gamiting apelyido. Hindi naman nagalit si dad, medyo nalungkot lang daw siya kasi parang ikinakahiya ko raw ang apelyido niya. I can say na magkaugali talaga si mom. Wala naman gaanong ginawa sa unang araw ng duty ko, tulad ngayon nakaharap ako sa xerox machine. Inaasahan ko na rin ang mga gagawin ko sa unang araw ng serbisyo ko. Hindi ko alam kung Police Officer ba ako o secretary. Pilipinas nga naman. "Psst," rinig kong tawag ng kung sino habang nagpho-photocopy ako.

