Shaynne's POV "Are we just gonna leave Black behind?" Nag-aalalang tanong ko habang binabaybay na namin ang daan pabalik sa hideout. Panay ang silip ko sa likod, umaasang sumusunod si Black sa amin. Bakit ba kasi siya nagpaiwan? Siya ang huli kong kasama kaya hindi malabong dakpin siya ng security. Hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa utak ng lalaking 'yon. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung sakaling nadakip siya dahil sa akin. "Sabi niya mauna na daw tayo eh, actually nauna pa nga siyang dumating dito bago kami," saad ni Teal. "Don't worry about him. He'll be fine," sabat naman ni propesor habang deretso pa rin ang tingin sa harap. Napalingon ako kay Tatay Lime na tahimik na nagda-drive. Alam na niya kaya ang nangyari sa anak? Napa-igtad naman ako nang bigla siyang lumi

